KUYA'S SO SWEET (SUNDATE)
XANDRA'S POV
"I love you as a friend! What the fvck are you thinking!?"
Nagulat ako sa mura niya at tumawa ng malakas. It's so awkward! hindi siya makatingin sakin!
"I'm sorry! niloloko lang naman kita eh! maka react naman!" hinatak nya na ako palabas ng kwarto niya
"bad girl!"
Sabi nito. Lumabas na kami ng bahay nila at nagpaalam na ko sa pogi nyang kuya na kausap ulit ang guard nila.
"Kuya daniel uwi na po ako. Salamat po" lumapit ito sakin at nginitian ako
"You can come here anytime."
I smiled back at nilagay niya ang bike ko sa likod ng sasakyan. Sumama pa siya sa paghatid sakin, halos wala pa namang limang minuto bago marating ang bahay kapag naka sasakyan dahil malapit lang talaga sila Nathan sa amin.
Nang matanaw ko na ang gate, agad akong dinalaw ng kaba. Siguradong mas galit na si kuya sakin ngayon, paano ko siya haharapin?
"We're here."
Sabi ni Nathan at agad binuksan ang pinto ng sasakyan. Bumaba na ako at bahagyang sumilip sa gate. Oh I'm dead! He's already outside our door. Nakacross arms ito at diretsong nakatingin sakin.
"Thanks Nathan, thanks kuya Daniel." Binaba ni kuya daniel ang salamin sa front seat at kinawayan ako.
"Wala yon. Basta try to mag paalam ulit. Just text me kapag okay na, 5:30 kita susunduin dito."
Nathan said at sumakay na ulit sa kotse nila. Naramdaman ko naman ang pagbukas ng gate namin. bumungad samin si kuya xander na nakasimangot...
"Salamat sa paghatid mo sa kapatid ko Nathan."
sabi niya at napatingin sa bintana ng sasakyan kung saan nakasilip ang kapatid ni nathan at nakangisi ito.
"Pasensya na din po."
Why would Nathan apologize? Ako nga tong nakaistorbo! Tinanguan lang siya ni kuya at ibinaling ulit ang mata kay kuya Daniel.
"Ang ganda naman ng kapatid mo Alexander."
Sabi ni kuya daniel at nakita ko ang pag igting ng bagang ni kuya. dinedma niya lang ang sinabi ni kuya Daniel at tuluyan na silang umalis.
nilingon ko si kuya na galit pa din talaga sa akin.
"Sa garden tayo xandra." nauna siyang maglakad at sumunod lang ako.
"Kuya gusto ko talagang sumama!"
yun agad ang pambungad ko sa kanya ng marating namin ang garden. Hindi na ko aasang papayagan niya ako. pero I need to try my luck.
"Mag a-outing din kami ng Einstein, samin ka na lang sumama."
Sabi nito at sumandal sa lamesa.
"Ma oop lang ako dun kuya! iba to e, outing to ng buong section namin!"
Inirapan ko siya dahil hindi ko pa din talaga siya makumbinsi. Narinig ko ang marahang pagbuntong hininga niya at tumingin sa malayo.
I know it's hard to let me go kuya, to choose for my happiness over my safety. Alam kong hirap sa pagtatalo ang isip mo ngayon. But I want you to trust me kuya... believe and have faith na walang mangyayaring masama sa akin.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...