CHAPTER 4

10.2K 287 20
                                    

YOUR GUARDIAN ANGEL

ALEXANDER'S POV (xandra's brother)

Kumuha ako ng tuwalya at tubig na may yelo para ipunas kay xandra. Iba din kasi magkasakit yan kaya kailangan binabantayan.

Pagpanik ko sa second floor, dahan dahan kong binuksan ang pinto sa kwarto ni xandra, sumilip ako sa uwang at nadatnan ko na nakatulog na ang kapatid ko. Pero mas nakuha ng pansin ko ay si tyron na nakatingin sa kanya at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha nito...

Mali sana ako ng iniisip, hindi pwede to. Hindi ako makakapayag.

Pumasok na ako sa loob at ibinaba ang dala kong planggana.

"Tyron, Red pasensya na kayo at sa inyo ko pa pinabantayan si xandra. Pinahanda ko naman na yung guest room, dito na kayo matulog."

Tumango si tyron habang si red ay humihilik na, siraulo talaga tong mokong na to! Hinampas sya ni tyron ng unan sa mukha kaya nagising ito. Dumiretso na sila sa guest room at ako na lang ang naiwan sa kwarto ni xandra.

"Hay ikaw talaga! ang bilis mong magkasakit."

Nilagay ko ang bimpo sa noo niya at ang isa pang bimpo ay pinampunas ko sa kamay niya. napansin ko ang pag galaw nito at minulat nito ang kanyang mata.

"babalik na ko sa kwarto ko, magpahinga ka lang."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at umiling ito.

"kuya dito ka lang..."

Napangiti ako at inayos ang kumot niya. tinabihan ko siya at hindi iniwang magisa. My sister is really growing up but her sweetness to me never change, I wished it will never fade as the time runs. 

"Yes baby, matulog ka na."

Agad akong dinalaw ng antok kaya dito na ako natulog sa tabi ni xandra, ang pinakamamahal kong kapatid.

-----

BACK TO XANDA'S POV

Nagising ako sa liwanag na sumisilaw sa mata ko. dahan dahan ko pang minulat ang mata ko hanggang sa naaninag ko na ang kwarto ko. medyo magaan na ang pakiramdam ko kesa kagabi. humarap ako sa kaliwa at nakita kong mahimbing pang natutulog si kuya. napabangon ako at naghilamos na. inayos ko din ang kumot ni kuya bago naisipang bumaba.

buti na lang at sabado ngayon.

"Hello! good morning!"

Masigla kong sinalubong si manang feli at manong john na nagkakape. Tinakbo ko ang hagdan at tumalon bago makarating sa huling baitang.

"Diyos ko pong bata ito!"

Sigaw ni manang feli at napatayo sa ginawa ko. Lumapit ako sa kanila at nakiupo.

"Oh xandra! okay na ba ang pakiramdam mo?"

tanong ni manong john. Sa harap ko naman ay si manang na naghanda ng pancakes para sakin. dali dali akong kumagat sa pancake, ang tamis! ang sarap!

"Opo, okay na ako! inalagaan ako ni kuya! HAHAHA"

para akong baliw na tumatawa mag isa. nagulat ako ng tatlong lalaki ang nakita kong bumaba ng hagdan. Halos mabilaukan ako sa kinakain ko. di pala sila umuwi.

"Good morning po."

bati ni kuya tyron samin nila manang

"Oh mga hijo, magsikain na kayo."

I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon