XANDRA POV
Siguro kailangan ko na talagang matutong mag commute. Lagi ng busy si kuya xander dahil sa mga utos ni Dad. at ginawa ba namang personal driver ko si Kuya Tyron! nakakahiya dun sa tao.
"Nagugutom ka ba? san mo gusto kumain?"
tumingin tingin sya sa paligid at ako naman tong panay suklay sa buhok ko.
"Im okay. Diretso na lang sa bahay."
"May mga gamit ka na ba for school?"
"uhm wala pa."
sinabayan nya na ako sa paglalakad hanggang sa marating namin ang parking lot. Nagulat ako ng pinagbuksan niya pa ko ng pinto.
Napatitig ako saglit sa kamay nyang nilalahad sakin ang daan papasok ng sasakyan. Pagkaupo ko ay sinilip nya muna ang gilid ko bago sinarado ang pinto at umikot para makasakay na din.
"Just ask me if you need someone to drive you here, I'm one call away"
Hinarap nya ako at binigyan ng matamis na ngiti.
"Thanks, pero kaya ko na"
Blangko ang ekspresyon ko, at agad iniwas ang mga mata ko nang umarko pababa ang mga labi nya. ang mga mata nito na malumanay ay napalitan ng pagkabigo.
binalot kami ng katahimikan. nagtataka lang ako kung bakit di nya pa iniistart ang sasakyan. hawak nya lang ang manibela habang seryosong nakatingin sa labas.
"Baka magalit ang girlfriend mo na ginagawa kitang taga sundo ko"
bumaling sya sa akin at napangiwi
"hiwalay na kami"
Tila nagpintig ang tenga ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Dahan dahang bumigat ang paghinga ko at ang hindi ko mapakaling kamay ay pinaglaruan ko na lamang.
"uh.. kelan pa?"
"Months? months I guess"
Inistart nya na ang sasakyan. humarap sya sa kin at bigla itong lumapit, sobrang lapit dahilan para saglit na tumigil ang pintig ng puso ko. umiwas ako ng tingin ng halos dangkal na lang ang distansya namin. sabay hinila nya ang seat belt sa gilid ko at napabuntong hininga.
bumalik ang tingin ko sa kanya ng pinaandar nya na ang sasakyan. napaisip lang ako. hiwalay? talaga bang hiwalay na sila? kaya ba... panay ang sulpot nya? kaya ba napapadalas ang punta nya sa bahay? dahil malaya na sya, at iniisip nya na pwede na?
pero bakit ganito ang pakiramdam ko, dapat ba maging masaya ako? Mapanlinlang ang nararamdaman ko. Dahil sa ngayon, kinakabahan ako at umaasa na baka eto na, tadhana muli ang naglalapit sa amin. Hinanda lamang ang puso ko na magpatawad at muling sumubok.
Pero ano ba tong pumapasok sa isip ko!?
no no no, I'm not going to be a rebound this time.
"so bat kayo naghiwalay?"
"uhm, mahabang istorya."
"malayo pa naman ang bahay e, kwento mo kung bakit? niloko ka ba? pinagpalit? ano?"
napaawang ang bibig nya.
"Tama lahat ng sinabi mo. but you know what? I don't get it. Binigay ko lahat, pinili ko sya, do I deserve this?"
napangisi ako sa mga sinabi nya kaya napatingin na lang ako sa bintana. I asked the same question before. parehong pareho. I just don't get kung bakit nakukuhang magloko ng isang tao kahit alam naman nitong may masasaktan sila? Anong klaseng worth ba ang kailangan para hindi magloko? para maging loyal at hindi na maghanap ng iba.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Teen FictionSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...