XANDRA POV
Lumipas ang JS prom at nairaos naman ng maayos ang Graduation. Hindi talaga siya lumitaw. Ni hindi siya nakagraduate, nakakapaghinayang ang ilang buwan na natitira para sana nakasabay sya sa amin. But he choose to go, malayo sa akin, para makalimot sa sakit na naidulot ko sa kanya, or maybe, his father was really that sick to sacrifice his studies.
"So anong balak natin, san tayo magcocollege?"
Seryoso si trish na mag aral kami sa iisang university lang. sang ayon din silang lahat, ako lang yata ang gustong bumukod. It's not because I want a new life with new people, Gusto ko lang maging independent para sa sarili ko.
"ayaw nyo ba mag stay sa mary Claire?" tanong ni zedrick na nakasalampak sa sahig.
"wow, loyal ka naman masyado."
"dati pag sumama ako sa ibang babae, nagseselos ka. Ngayong loyal na ako ayaw mo naman. Ano ba talaga trish?"
As usual thing, nakatikim na naman ng hampas si zed mula kay trish.
"magkaiba yon monggo!"
Nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila habang nagtitimpla ng juice sa kusina. Nasa bahay kami ngayon para pagusapan kung anong university ang magandang pasukan.
"tapos ka na xandra?"
Nabaling ang atensyon ko kay Kimson na nakasandal sa lamesa at nakatingin sa ginagawa ko.
"yup, eto na."
"tulungan na kita."
Kinuha ni kimson sakin ang dala kong tray at nginitian ako. Dumiretso na kami sa sala. Umupo ako sa dulong bahagi ng upuan, sa tabi ni cassy na katabi naman ni trish.
"try muna natin mag inquire."
Suggestion ni cloud. Oo, kasama namin siya. Himala nga at napapa payag siya ni cassy.
"Good idea cloud! Isa ka talagang henyo!"
sigaw ni trish na tumayo at agad na sinakal si zedrick.
"I can't come."
As I said that, natahimik sila at nabaling sakin ang buong atensyon nila.
"and why xandra?"
Jake is seriously looking at me, na nakahawak sa labi niya. Madilim ang mga titig niya sa akin.
Napayuko na lamang ako. I don't know what to say or how to explain my side. Gusto ko naman silang makasama, they've been my friends for a long time already. But honestly, sa tuwing makikita ko sila, overflowing memories come back. And that moments ay kasama si Nathan. How could I overcome this pain and longing for him? Kung sa lahat ng pagkakataon na kasama ko sila, may isang kulang akong hinahanap. May hindi ako matanggap. At ang pagbukod sa kanila ang nakikita kong solusyon. Though it means is running away coz I'm a coward. I'm not brave enough to stay. Hahanapin ko muna ang sarili ko, magisa.
"Kung may napili ka ng school, okay lang. We just want you to come with us xandra. Tulungan mo kaming makapili din."
Nag angat ako ng tingin kay kimson na umakbay sakin at nginitian ulit ako. Yung mga mata nya na lagi ding nakangiti ay nakakagaan ng pakiramdam.
Tinignan ko ang bawat isa at lahat ay Masayang nakatingin sa akin. Si trish na nakaakbay kay zedrick. Si cassy na malumanay na nakaupo, si jake na nasa likod niya at nakapout. Si cloud na nakapamulsa sa gilid ng upuan at nakatitig sa akin at bahagyang nakangisi. At si kimson na katabi ko ngayon.
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)
Novela JuvenilSabay naming pinagmasdan ang madilim ngunit makulay na langit... at napapikit na lamang ako, sinubukang balikan ang lahat ng pinagdaanan namin hanggang sa imulat ko ulit ang aking mata, because this is the best part of that trial and its knowing tha...