4

98 15 0
  • Dedicated kay Mixalei Berlin Lovendino Rioveros
                                    

Chapitre 4

CHANDRIA POV

SUNDAY ngayon. Day off ng lahat ng trabahador dito maliban sa akin.They actually gave me a chance to choose my own restday and i chose saturday. sanay kasi ako. 

Nabanggit kasi ni Xandra na every sunday ay may fishing sila sa dagat. Pansin ko nga. Kaya pala may magagandang isda sa aquarium na nasa living room. 

Kaya naman ngayon ay ako lang ang nasa bahay pati si lola Celia. 

Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si lola Celia na may dalang cleaning materials at papasok na sya sa dulong kwarto, ang kwarto ni Alex.

"lola!! tulungan ko na po kayo.." kinuha ko yung mga hawak nyang basahan at cleaning spray. 

"naku.. napakabait mo talaga Mixa, apo!" 

Anu daw? 

"ano po lola?"

"ay naku! pasensya na iha, napagkamalan pa tuloy kitang si Mixa ka."

Pumasok na kami sa loob at umupo sya sa kama. Pinunasan nya yung picture frame na nakapatong sa side table na katabi ng kama.

"Naalala ko lang bigla iha, si Mixa.. napakabait ng batang yon.." 

hindi naman ako umiimik. Matapos nyang punasan ang frame ay nagsalita ulit sya.

"sya si Mixa, kuha nila ito ni Alex noong kabataan pa nila.. sya ang kaisa-isang babaeng minahal ng apo ko.. isa din syang napakagaling na chef tulad mo. Pero sa kasamaang palad, namatay sya sa pagsabog sa Europa isang taon na ang nakalilipas." nagulat ako dahil sa biglaang pagkalungkot ni lola Celia kaya naman kinomfort ko sya.

"lola..." niyakap ko sya at tinapik tapik ang likod.

"alam mo ba iha, mahal na mahal namin sya lalo na ng apo ko.. halos umabot pa sa puntong gusto nang magpakamatay ni Alex dahil sa sinapit niya.. 

*sniff* nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko.

"hay nako Chandria, pasensya kana hah.. masyado lang kasing naging malapit ang batang iyon sa amin.."

"uhm lola? hindi pa po ba natatanggap ni Alex ang pagkawala niya?"

"sa tingin ko, maaaring hindi pa. Hindi rin namin alam kung magkakaron ng chansa dahil sa mga ikinikilos nya. Sa totoo nyan, ayaw nyang maniwalang patay na si Mixa noon kaya nagpumilit talaga syang matapos ang kabuuan ng resort na to.. Pangako nila sa isat isa na sabay nilang tutuparin ang mga pangarap nila.. alam ko yon dahil saksi ako sa kung paano nila minahal ang isat isa kahit na mga bata pa lang sila noon.."

Inilapag ni lola yung frame sa table. 

Nakarinig naman kami pareho ng sigaw ni Xandra mula sa baba.

"ate! ate! halooooo! mami??..." sigaw ni Xandra.

"nandyan na pala sila.. halina, sigurado akong may dala silang mga bagong isda at mga nahuling iluluto..!" sabi ni lola.

Inalalayan ko naman sya dahil medyo hirap syang tumayo dahil siguro sa rayuma. nang makalabas na kami ng kwarto ay nakasalubong namin si Xandra sa hagdan.

"oh? san kayo galing ate? mami?" patungkol nito sa lola.

"ahh apo, naglinis lang ako ng silid ng kuya mo.."

"ah ganun po ba? tara sa baba, may mga bago kaming nahuling isda.."

Bumaba na nga kami at pumunta sa living room. Nadatnan namin ang magbestfriend na isinasalin ang bagong huling isda.

"oh miss beautiful chef, halika.. may ipapakilala ako sayo.." sabi ni Paco.

"huh? sino naman?" lumapit ako sa kanila na nasa tabihan lang ng aquarium.

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon