11

84 15 5
                                    

Chapitre 11

ALEX POV

**

Sa lahat ng mapapansin ko. Hindi ko alam kung bakit si Chandria pa talaga. Eh kasi naman, buong time ata ng preparations ay nakangiti sya. Parang masayang masaya sya. Imbes na mapansin ko yung mga pagbabago ng mga batchmates ko, hinde.

“sir wag mo naman akong tingnan ng ganyan!” pakiusap nya sakin pero pabiro yung tono.

Nakatayo kasi ako sa gilid nya at nakacross arms habang parang judge na tumitingin sa bawat kilos nya.

“nakakapanibago ka lang kasi ngayong araw! Is that makes your everyday bright? To manage a batch reunion’s catering? wow”.

“hindi naman sir Alex!”

“HMM! Ngayong araw, Alex nalang muna itawag mo sakin, are we clear?”

Napahinto sya sa pagsasalansan ng mga fried hotdog slice sa lalagyan.

“bakit naman? SIR?”

“just do what I say! Are we clear?” seryoso kong sabi. Ngumiti naman sya.

“of course Alex, loud and clear!!”

Nagulat ako.

Loud and clear!

Yung way ng pagkakasabi nya nung phrase. Hindi ko talaga maiwasang maalala si Mixa. Ganun na ganun ang tono nya.

“A.. Alex? Okay ka lang sir?”

Pinuna nya ko dahil sa tingin nya bigla nanaman akong napatulala.

“yeah.. of course, by the way, get dress after that, you’ll be joining us in the reunion..”

“h..hahhhh?”

“oh? Why so shocked my pretty chef?”

 “ah.. ano.. kasi.. uhm.. walang mag aasikaso dito mamaya!”

“relax.. ba’t ba parang nagiging kabado lately, are you hiding something??”

“ahh.. wala wala! Syempre sir, este Alex pala, syempre obligasyon ko ito eh, dapat hindi ma-disappoint ang mga aattend, hindi po ba?”

“alright, whatever.. erase the “po” thing.. ayokong gagamitin mo yan sa harap ng mga batchmates ko, maliwanag?” Tumungo lang sya bilang pag sang-ayon.

“don’t worry, you’ll  leave that to the caterers, ayokong maging masyado kang magmukhang pagod sa harap nila.”

So.. This is it. Ang Reunion. Ang pinakahinihintay ng lahat ng batchmates ko.

Everything went so smooth, from the preparations ng mga foods, led by Chandria, ang pagsasaayos ng venue na pinangunahan naman ni Cherish katulong yung ibang caretakers, at iba pa. Si Paco ang mag cocover ng lahat. Ipinasara din muna ni Xandra ang resto due to the event na gaganapin ngayong gabi.

Nagsimula nang magdatingan ang mga tao. Kanya kanyang mga pagbabago. Wala naman ako masyadong balita sa kanila, basta sabi lang ni Ash, aattend ang mga free. Wala akong ginagawa kundi ang i-check ang mga gagamitin every other minute. Gusto ko wala silang mapupunang mali sa resort ko, because Mixa.. Mixa designed this resort.

“hey kuya, ano ka ba? Umayos kana, nagsisidatingan na ang mga bisita mo!” tumingin sya sa relos nya. “18:30 na oh!”.. meaning 06:30pm. Mas prefer kasi namin gumamit ng military time dito.

“how about Chandria? Bihis na ba sya? Si Paco?”

“kuya, everything is under control.. get dress na! nagbibihis na din si ate Cha! Parehong pareho kayo eh..”

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon