20

93 1 0
                                    

Chapitre 20

MIXA POV

“wake up Mish, we’re here” ginising ako ni Charm. Mabilis lang kami nakarating sa condo dahil gabi naman at sa SLEX ang byahe.

“sige maam, ako na ho mag aakyat ng bagahe nyo” sabi ni kuyang driver.

“so.. here we are,  where the two of you live and keep those ‘almost untold’ secrets?” sabi ni Kleina.

Pumasok na kami sa loob at nginitian kami ng guard.

“long time no see Miss David!” bati nya.

“She’s not David, she’s Rioveros!” taas kilay na sabi ni Kleina.

Hinawakan ni Charm yung braso ni Kleina at hinila. “ah hehe, kuya wag po kayong makikinig dian”.

“what!”

“tara na!” at tuluyan na kaming pumasok sa elevator.

Walang wala ako sa sarili kaya hawak hawak parin ni Charm ang balikat ko.

“get some sleep okay? Don’t worry, everything will be alright. Nandito kami ni Kleng. Kay?” tumungo ako at saka ibingsak ang sarili sa malambot na kama. Madaling araw na kaya naman hindi na ako nahirapang matulog.

Kinaumagahan pag gising ko, wala silang dalawa. Pero may nakaipit na note sa fridge na nasa mall lang sila at bumibili ng pang stock. Tiningnan ko ang cellphone ko at andaming missed calls, kay Xandra, kay Paco, at landline ng resort. Pero yung inaasahan kong mag mimisscall, wala kahit isa, ni text. Sobrang nasaktan ko siguro talaga sya. Alam ko naman yung mali ko, pero nangyari na.

Inintay ko na mag doorbell. Nag imis muna ako ng mga kalat, nag ayos ng mga damit.

Bigla nalang nagclick yung pinto. Bakit nga ba ako nag iintay ng doorbell? Eh may susi nga pala si Charm.

“goodmorning hermania, how was your sleep? Better?” lumapit sya sa akin at nag abot ng fresh milk. Si Charm naman nagsasalansan na ng mga stock sa cabinet at sa ref. lumapit ako sa table para makakain na ako.

“come! Hindi pa rin kami nag be-breakfast ni Kleng.” Pagyayaya ni Charm kaya umupo ako.

Hinainan nya ako ng porridge with boiled egg and kalamansi.

“ano nga palang plan? Can we talk about it now?” bungad ni Kleina pagkasubo. “hmm this is great hah? Hindi ko alam na masarap pala tong lugaw.”

Napatingin sa akin si Charm sabay kay Kleina. “uhm kleng, pwedeng later nalang? Kasi ano..”

“no, it’s okay! We can talk about it now!” sabi ko habang hinahalo halo yung lugaw.

“yeah right! Mamaya mo magbago na isip nya at hindi na nya ipa-open ang topic na yan forever, right ate Mish?” tumingin sya sa akin at ngumiti.

“hmm so, what now? Wala din akong maisip dahil hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon.” Sabi ni Charm.

“if you want dun ka nalang sa amin tumira, hahanapan kita ng ibang resort na pwedeng pag aplayan. That’s a very easy thing for me.. and you have nothing to hide” sabi ni Kleina na talaga namang pinapatamaan ako.

Hindi ako umimik hanggang sa naubos na yung lugaw. Pero parang gutom parin ako kaya napatingin ako sa isang box na nasa plastic.

“Charm? What’s that?” tinuro ko yung box kaya napatingin din silang dalawa.

“ooh! That?” lumapit si Kleina sa box at dinala sa mesa. “may free taste kasi kanina sa mall, mga cake, tinikman namin ni Cherish and it’s delicious, kaya nag order ako, here.. taste it!” binuksan ko yung takip ng kahon at bumungad sa akin ang tatlong strawberry sa ibabaw. Napaisip ako.

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon