Chapitre 22
“So kamusta naman sa Class A?” tanong ni Ash matapos kumagat sa piattos na hawak.
Breaktime na kaya nandito kami sa tambayan- ang CIRC-HELL, a red circle table outside the canteen area sponsored by Coca Cola. And guess who kung sino nagpangalan nito, syempre sino pa ba demonyita sa min? si Kleina lang. Hell happens to be her world. Since first year, dito na kami kumakain dahil never nyang nagustuhan ang amoy sa loob. Sari sari daw na putahe, nakakasuka. Oh see? Napakaarte talaga!
“Hmm, ayun--” hindi ko natapos ang sinasabi ko. Pinapaikot ikot ko lang sa tinidor yung spaghetti.
“Ayun, may umaali-aligid na agad sa kanya!” pang aasar ni Charm. Sinamaan ko sya ng tingin.
“woah.. who’s the fucking lucky guy? Haha..” sabi ni Kleina.
“speaking..” sabi ni Charm habang nakatingin sa paparating na sina Kian at JC kasama sila Alex at Paco. Nagtaka naman agad kami ni Charm kung bakit sila magkakasama. May hawak na pagkain.
“o guys! Gusto nyo?” pang aalok ni JC dala ang siomai.
“San kayo galing? At san nyo napulot yang dalawa nyong kasama?” napakasarkastikong tanong ni Kleina habang nakasandal sa likod ng boyfriend na si Nickele na nag c-candy crush sa tablet. Napatingin naman si Nickele.
Nakita ko ang reaction sa mukha ni Paco pati ang pagkagulat ni Alex.
“Ah, mga kadota namin sila nung bakasyon, hindi namin naikwento, kasi alam nyo naman, laging out of town yung isa dian” Sagot ni Kian. Pinaparinggan nya si Kleina dahil laging umuuwi sa kanila sa Paris pag bakasyon.
“Oi, ikaw pala, Miss #3AG19!” nagsalita si Alex. Napatingin si Ash. Tumingin din ako sa kanya.
“So ano? Part na kayo ng grupo?” tanong ulit ni Kleina.
Biglang dumaan ang isang taga Class B na si Christian. “Woah, may bago na sa The Cousterz? Parang bago yun ahh? Pre, goodluck!” nakipag apir sya kay Paco. Inapiran nalang ni Paco kahit di kilala. Mga lalaki talaga, hindi big deal kung kilala mo o hinde. Haha.
“hoy Christian! Sabihin mo lang kung gusto mo pang masinagan ka ng araw bukas!” banta ni Kleina. Napangisi kaming mga babae.
“Babe naman, meron ka ba?” inasar ni Nickele si Kleina habang tutok parin ang mata sa tablet na nilalaro.
“Hoy Nick! Baka kulang sa halik yang girlfriend mo! Basbasan mo muna! Masyado pang maaga para magisa ako!” pang aasar ni Christian sabay takbo. Inirapan lang sya ni Kleina.
“O ano pare? Sabay na kayo samin lagi hah? Dito lang naman kami lagi sa table na ‘to. Oo nga pala guys, eto si Alexis at eto naman si Francisco este Paco” Pagkkwento ni JC kila Alex.
“What? So ganun nalang yon? Member na sila agad? That’s unacceptable!” mataray na sabi nya. Mahirap sigurong tanggapin dahil simula nung first year, alam naman namin lahat na ang The Cousterz ay from words “cousins” at “brothers” na binubuo ng magpipinsan at magkapatid na lalaki kaya naging The Cousterz.
“Eh anong gagawin nila?” tanong ni Kian.
“ok, kung gusto nyo talaga, you just have to pass through my needle-like-hole-question..” nag isip si Kleina habang nakaabang kaming walo. “If I, Kleina, and Mixa were ALPHAS, Nickele makes an ECHO, Kian was born on NOVEMBER, Ashley came from YANKEE, JC’s second name was Charlie, and Cherish visits Hotel, what could be yours?” tanong nya kay Paco.
Nag isip sila pareho. “Sa tingin ko alam ko na ang akin!” sabi ni Alex.
“Sure! Spit it out! Kapag nagkamali ka, you’ll be out of the game!” ngumiti si Kleina, nakakaloka.
BINABASA MO ANG
Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3
Misteri / Thriller"SECRET has always been the mysterious one.." -ShiseG. "Anong gagawin nyo kung isang araw, mawala yung taong minamahal nyo? Ang masaklap pa, magkalayo kayo. Tipong nasa two different sides of the planet ang layo nyo. Tapos isang araw may makikilala...