17

93 4 2
                                    

Chapitre 17

MIXA POV

"Oh my God Alex, pano napapunta sau yan? Yan yung nawawala kong kwintas nung reunion!" sabi ni Charm. Napatingin din ako sa kanya. Si Alex napataas ng kilay. Si Kleina halatang hindi makarelate sa pinag uusapan since hindi nya alam yung tungkol dun.

"What?" singhal ni Alex.

"Yes, yan yung.. yung kwintas na regalo mo kay Mish nung graduation. Nasakin ‘to, kasi alam mo na.. nung inayos yung mga gamit nya noon, kinuha ko yung iba." paliwanag nya.

OKAY. Alam ko na, pinagtatakapan nya ko kaya nakisama narin ako. Grabe, sinulid ba sya? Bata palang kami anggaling nna nya lumusot!

"Paano naman ‘to mapupunta sa kwarto NILA ?" idiniin nya yung word na “nila.”

"Uhm,.." hindi sya makasagot.

"Baka nahulog yan nung ihinatid mo ako sa room ko nung sumama yung pakiramdam ko nung gabi din na yun!" sabi ko kay Charm at tumingin ako kay Alex.

"So, Alex, you're saying that this is Mixa's necklace and you found it on Chandria's room?" tanong ni Kleina.

Nagsisilipan kami ni Charm ng tingin bago nakasagot si Alex. Alam kasi nya na naawawala yun nung tinawagan ko sya kinaumagahan.

"nakita ko yan suot ni Xandra, at sabi nya napulot nya, sa kwarto mismo nila. At sabi nya, maaaring sayo yan, Chandria."

"Oh, gaya nga ng sinabi ng chef mo, baka nahulog ko yan nung ihinatid ko sya sa room nya. Suot ko kasi yan nung reunion." ngumiti si Charm. Wala naman akong makitang convinced face sa mukha ni Alex. "kaya kung pwede, kukunin ko na ulit? pakisabi nalang sa kapatid mo na sa akin ‘to. Alam naman nya na nakapasok na ako sa kwarto nya eh.."

Bigla kaming tumahimik.

"so... I think I should go? Baka gabihin pa ako eh, how about you Cher?" sabi ni Kleina.

"sure! I'm sorry Cherish, maybe we should talk next time." simpleng sabi ni Alex.

Ihinatid nya sila Kleina at Cherish sa labas. Pumunta naman ako ng kitchen para uminom ng tubig. Straight yung isang baso. Grabe yung kanina, akala ko talaga yun na ang katapusan ko bilang si Chandria David. Napakadami kong iniisip sa mga oras na ‘to. Halos di ko na namalayan na antagal na palang nakabukas ng ref sa harapan ko.

"alam kong sanay ka sa lamig pero hindi naman yata pwede na pasingawin mo sa harap mo ang lamig ng fridge.." sabi nya na ikinagulat ko. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sya sa pinto ng kitchen. Isinara ko tuloy nang biglaan.

"sorry sir." tapos tinitigan nya ko. Lumapit sya ng konti. Ay hindi pala konti kasi sobrang lapit na talaga na halos amoy na amoy ko na yung pabango nya sa leeg. Napaatras ako ng konti kasi wala akong idea sa anu mang gagawin nya. Bigla syang lumapit sa tenga ko at bumulong. "I want a very hot bicol express for my dinner tomorrow, are we clear?" hindi parin sya umaalis sa posisyon nya na halos magtouch na yung katawan namin. Hawak ko parin yung baso kaliwang kamay ko.

"y..yes.. s...s...sir!" tumungo tungo ako na parang isang kabadong binablack mail.

"Good!" sabay alis nya sa posisyon. Ako naman, nakatulala lang at hindi ko namalayang umalis na sya.

HINDI MAAARI ITO. HINDI AKO NAGLULUTO NG MGA MAAANGHANG.

AT ALAM KONG ALAM NI ALEX ANG BAGAY NA YON TUNGKOL SAKIN, KAY MIXA.

ALEX POV

HINDI Talaga ako nakumbinsi sa mga paliwanag nila. O sige, sabihin na natin na nasakanya nga ang kwintas na iyon ni MIxa, Pero pano yung nireport sakin ng investigator ko? Anong paliwanag meron dun na magkasama silang dumating dito sa Pilipinas? Naguguluhan talaga ako.

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon