7

78 1 0
                                    

Chapitre 27

Kinaumagahan, ewan. Pero parang maganda gising ko. Ganun siguro ata kapag may something. Diba naramdaman nyo na naman yun? Yung tipong kahit antok na antok ka pa pero iba yung intense na sigla kapag may inspirasyon, tila excited na excited pumasok.

There’s some change of routine nga pala. Ganun parin naman, bibili parin kami ni Charm ng espresso macchiato pero hindi na maaga, not like the past few weeks na talaga namang kailangan pa namin mag sneak in sa locker ng boys. Pagpasok namin sa room, may mga mangilan ngilan na nandun na, pag daan ko sa harapan, inilapag ko na din yung kahon ng munchins at kape. Wala pa si Bea kaya hindi nya nakita. Kaso may isang problema. Parang hindi pa ako ready na malaman ng The Cousterz ang tungkol dun, syempre maliban sa dalawa pang girls.

“anu ka ba, kay Alex nga naamin mo eh diba? What more pa sa group?” pag e-encourage nanaman ni Charm. Eto ang maganda pag may totoong best friend, it won’t let you down. Haha, rexona lang ang advertisement?

“eh kasi parang, sobrang nakakahiya..?”

“sus! Ano namang nakakahiya don? Bakit may sayad ba sya? Wala naman diba? Di bale kung pulubi yan eh, nakakahiya talaga! Kaya mo yan.. tiwala ako sayo.”

Nung breaktime dala na ulit ni Alex sa circ-hell ang kahon.

“woah ‘tol, good mood ka ata?” puna ni Kian.

“oo eh, ewan ko, baka inlove na ako!” muntik nanaman akong masamid sa sinabi nya. May kinalaman ba ako dun?

“talaga dude? Naks naman, kanino naman?” tumingin sa akin si Alex pero hindi naman nakita nung iba.

“ah, eh, tatanungin ko pa sya kung okay lang sa kanya na ipakilala ko na sya sa inyo, baka kasi alam nyo na, mahiya bigla!”

“naks talaga! Level up ka na! anong level mo na?” sabi naman ni JC.

“ano bang sinasabi nyo dian, kumain na nga lang kayo!”

“nako ‘tol, seryoso nga tong isang ‘to! Tinamaan ng lintek!” pang aasar nanaman ni Paco. Nagtitinginan lang kaming mga girls. Di ko pa nga pala nasasabi sa kanila yung mga nangyari.

**

Dumating ang hell week. Kanya kanya kami ng review. Pero magkakasama kami sa circ-hell.

“anung ginagawa ni Berlin?” tanong ni Paco.

“duh, isn’t it obvious? She’s reviewing!” pagtataray nanaman ni Kleina.

“reviewing? While listening to music? While singing? Eh anong papasok sa isip nya kung habang nag aaral sya eh nakikinig at kumakanta sya at the same time??” sabi nya, kala nya siguro hindi ko sya naririnig. Napatingin din ako sa kanya. Si Ash biglang sumabat.

“multi-tasking!” tapos nag smile kami. Napa “ahh” nalang si Paco samantalang yung ibang boys eh nag rereview din. Minsan nga nahuhuli ko si Alex na tumitingin sa akin. Napapatingin din ako syempre. Chance na yun eh!

Siguro mga isang oras na kami nagrereview, hina-highlight ko yung mga keyword gamit yung stabillo. Medyo nangangawit na yung kaliwang kamay ko kaya yung kanan naman ang ginamit ko. Tapos sunod nalang na nakita ko, nakanganga na si Paco habang nakatingin sa akin.

“Mish tingnan mo si Paco!” bulong sakin ni Charm. Napatingin ako syempre. Tapos bigla akong  napa bungisngis. Napatingin si Kleina sa akin.

“hermania?” sabi nya with “shut-up-im-reviewing” face reaction.

“kasi si Paco, bakit ka ba nakatitig?”

“nagugulat lang kasi ako sa mga nakikita ko tungkol sayo..”

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon