19

89 1 0
                                    

Chapitre 19

MIXA POV

“Tanging ang malakas at malamig na hanging umiihip sa paligid ang nagpapawi ng mga luhang patuloy na pumapatak mula sa kanyang mga mata.

Isang katahimikang nakakabingi kung papakinggan, ng pusong sawi, wasak at sugatan.

Panahon na, para sa katotohanan. Katotohanang minsan nang ipinagkait sa kanya ng kapalaran.

Pagmamahal na hindi naipaliwanag, bibigyang daan para maibunyag.”

-Francisco Gabriel. BRISTON Linggo ng Wika Poem Writing 1st prize

Sa oras na to, ilang sa mga linya sa tulang ginawa ni Paco nung High school ang tanging tumatakbo sa isip ko. Tulang ginawa ng isang taong walang pinaghugutan kundi ang pagmamahalan ng dalawa nyang kaibigan. Hindi nga namin inasahang mananalo sya noon. Wala daw syang masabi sa tula kaya kami ang napagdiskitahan. Ngayon, hindi ko alam, pero talagang tinatamaan parin ako ng tulang yon..

“b..bakit? p.. p.. pa ..no Mixa?” tanong nya habang nagpipigil ng luha. Napaupo sya, siguro sa sobrang panlalambot sa mga nalaman nya tungkol sa akin.

Lalo akong naiyak dahil sa reaksyon nya. Parang hindi ko kayang makita sya sa ganung sitwasyon. Gusto ko syang lapitan, yakapin, pero pinili kong manatiling nakatalikod sa kanya hindi dahil naduduwag ako, kundi dahil ayokong makita nyang nasasaktan ako.

“nung nagkaron ng pagsabog noon, nasunog ang buong katawan ko. May isang pamilya ang nakakita sa akin sa pampang kinaumagahan kaya kinuha at ginamot nila ako. Sabi ng doctor, na-coma ako ng ilang bwan dahil sa sobrang lala ng tinamo kong sugat. At sa tinamo kong ‘yon, naisipan nila akong iplastic surgery, nagising nalang ako, hindi na ako ang itchura ng taong mahal mo..”

“ano?” Hindi sya makapaniwala.

“nung sinabi sa akin ng pamilya na walang naghanap sakin, nagalit ako, nagtaka kung bakit.” Lumingon ako sa kanya. “it’s crazy right? I’m one of the best chef’s in the cruise but no one looked for me. No one.. sabi ni Charm, may iniuwi silang bangkay dito, which is not me. Nahirapan daw kasi silang i-identify yung mga katawan doon dahil sa sunog kaya nagbase nalang sila sa kwintas na nakita ni Charm na suot ng babae, kwintas na pagmamay ari ko na regalo nya sa akin nung 20th birthday namin. Isang oras bago kami magtrabaho, hiniram ng roommate kong si Reuxette ang kwintas ko dahil lucky charm nya daw yon para sa presentation. Kaya si Reuxette ang nakuha nila. Samantalang ako? Palutang lutang na inaagos ng tubig papuntang dalampasigan.” Sobrang naiiyak na talaga ko dahil sa mga naaalala ko na sinapit ko.

“Chandria David really does exist. Sya ay ang yumaong anak ng mag asawang kumupkop sa akin, alam kong narinig mo akong kausap sila kanina sa phone. Surgeon ang asawa ni mommy Loraine, si daddy John, kaya naman ginaya nya ang itchura ng anak nila. Nagulat nalang din ako.. wala na akong nagawa.”

“nanirahan ako sa kanila ng ilan pang bwan matapos akong magising sa mahabang pagkakatulog. Tinuring nila akong anak kasama ang isa pang anak nilang babae, si Brigette. Pero gabi-gabi, oras-oras, hindi ko parin matanggap na wala na talaga ang lahat ng pamilya ko, hindi ko maisip kung paano nila tinanggap ang pagkawala ko, hanggang sa maisip kong kontakin si Charm. Hiningi ko yung contact number sa embassy kahit mahirap.”

“kaya pala maraming pictures sa cellphone mo na magkasama kayo sa Paris!”

“nanirahan kami pareho sa isang hotel sa Laguna, walang nakakaalam. Kundi kami lang dalawa, pero alam mo? Wala akong maipagkaila sa inyo, lalo na nung makita ko nung una ang kapatid ko sa party ng mga Fox.. you don’t have any idea how I missed everything so badly..”

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon