Chapitre 24
Ewan ko kung ano na bang tawag sa nararamdaman ko ngayon kay Alex, in-crush ba, in-like, in-puppy love, o in-love na. Kasi parang biglang naging pangit yung ibang lalaki sa paningin ko, tapos parang sobrang gwapo talaga ni Alex para sa akin, tapos naman bigla akong nakaramdam ng insecurity sa ibang babae na tinitingnan ni Alex, lalo na kay Bea- yung all time muse daw ng class A.
Biglang tumunog yung room intercom, hudyat na may announcement na kami lang ang makakarinig. Iba kasi ang tunog pag announcement na pang buong school.
“Good morning third Everest, I am calling the attention of Alexis Courtierre and Chelzy Bea Centeno for the play meeting. Please be noted that this is an important matter. Thank You!” sabi ng boses ng babae. Parang WIN IT TO MINUTE LANG. haha.
Napatingin ako. Yung ibang classmate namin, biglang nagsigawan.
“wooooh! May bagong play ang Alezy! Go Alezy Beybehz! Forever loveteam talaga kayo!” sabi nung isang babae dun sa dulo. Sabay silang lumabas.
“Alezy?” bulong ko. Parang sounds familiar. At saka anung play meeting?
“huy!”
“ay Alezy ka!” biglang tumabi sa akin si Paco.
“oh bat parang badmood ka? Hulaan ko, Red days mo noh?” napatawa sya.
“eh pano kung sabihin kong oo? Anung gagawin mo?”
“edi red days! Anong gagawin ko? May dapat bang gawin?”
“oo, shut up!”
“grabe naman ‘to..” tapos parang nagtampo sya kasi tumalikod sya sa akin at biglang nilandi yung katabi nyang babae. Bigla naman akong nakonsensya.
“huy.. sorry!” humarap ulit sya sa’kin.
“oh bakit? Tapos na agad red days mo?”
“hindi.. anu ka ba.. hindi ako red days, ano ba yung tungkol dun sa Alezy na yun? Sila ba ni Bea?”
“ahh yung Alezy? Play love team nila yun, Alex at Chelzy, bakit? muka bang sila? Hahahahaha.. “ inirapan ko sya.
“oo, bakit hindi man lang nya ipinapakilala sa grupo yung tungkol sa kanla?” palusot ko. Pero ang gusto ko lang talaga malaman ay kung sila ba. Nilagyan ko lang ng konting kaechusan para hindi masyadong halata na personal kong inaalam. (ang sama ko, dinamay ko pa yung grupo. Haha)
“eh kasi wala namang dapat ipakilala eh. Dahil hindi naman sila, kaya ganun sila ka-close kasi magkasama sila sa theater, hindi nyo nga pala alam yun dahil exclusively sa class A lang kumukuha ng mga players na nagper-perform. Ngayon alam mo na”
“how about the actors na nagpeperform dito satin?”
“vise versa lang, galing sila ng class A ng ARISTON..” kaya pala hindi familiar yung mga actors namin dito.
“ang galing naman, andami pala talagang aktibidades ng class A, pero bakit ganun pa? pwede namang dito nalang sila magperform?”
“self-confident ang pinapractice nila. Tinitingnan kung kaya nilang mag adjust ng ibang settings.”
“ah.. panu sila nakapasok sa pag i-stageplay?”
“yearly naman may auditions, kaso malakas talaga ang demand sa kanlang dalawa, nagbabayad kasi ang Ariston sa players. Ganun din ang Briston. At ang advantage pa, escort at muse sila noon pa man, kaya nga madalas mapagkamalan yung dalawang yun eh, nakakatuwa pati, magkatabi sila sa seating arrangement. Pero promise talaga, hindi sila, may boyfriend na si Bea, nasa senior year.. si Arvin”
BINABASA MO ANG
Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3
Mystery / Thriller"SECRET has always been the mysterious one.." -ShiseG. "Anong gagawin nyo kung isang araw, mawala yung taong minamahal nyo? Ang masaklap pa, magkalayo kayo. Tipong nasa two different sides of the planet ang layo nyo. Tapos isang araw may makikilala...