Chapitre 6
CHANDRIA POV
Nagsimula na nga ang party. Unang naganap ay ang freedance. Meaning, everyone is allowed to join the dancing session with the celebrant Kyle.
Busy sila lahat. Si Paco, kumukuha ng pictures. Si Xandra ay nakikipag usap ulit sa mga friends nya. At ako naman, ipinatawag ni lola Celia dahil gusto daw akong makausap ng head chef ng catering na kinuha namin dahil manghang mangha sila sa sarap ng luto ko. Halos gusto na nga nila akong kunin bilang chef din nila pero hindi pumayag si lola. Hindi din naman ako papayag kung sakali.
Matapos namin don ay umupo ako sa isang vacant table since wala naman akong masyadong kakilala dahil puro French visitors ang nandito. Yung iba nginingitian ako dahil alam nila na ako yung MC at ako din yung head chef ng resort.
Nakita ko si Xandra hinihila si Alex mula sa kinauupuan nito palapit sila sa akin.
"hi ate Cha! gusto kang makasayaw ni kuya oh.." sabi ni Xandra habang nakahawak pa sya sa wrist ni Alex.
Gustong makasayaw? Eh nakita ko nga syang hinihila nya si Alex na para bang mababalian na ng buto.
"hah? ah.. eh.. hindi kasi ako sumasayaw eh.." sabi ko. Totoo naman kasi. I suck at dancing.
"oh? see ? payag daw sya.. sige iwan ko na kayo.. hahahaha" sabi ni Xandra sabay takbo palayo.
What the heck? Nasaan sa sinabi ko ang salitang 'oo sige'? Naging awkward nanaman kami. Yang awkward na yan. Wala nang katapusang awkward eh.
"tara na! nandito nalang din naman ako.."
Wow lang, parang sya pa tong may ganang magsungit! parang ako pa yung nagyayakag sa kanya. Tiningnan ko lang sya.
"okay. Fine! Chandria? let's dance!!" mahinahon nyang sabi.
Hinawakan ko yung nakalahad nyang kamay. Pagsang ayon na makikipagsayaw ako. Gusto ko nadin matapos tong awkward moment namin. Dinala nya ako sa gitna. Nakakailang dahil sweet dance yung ginagawa nung mga sumasayaw. Biglang tumigil yung orchestra.
"tapos na ata yung tugtog.. tara balik na tayo.." sabi ko. Parang nakakaasar kasi. Hindi pa nga kami nagsisimulang gumalaw eh huminto bigla yung kanta. Biglang nagsalita si Kyle sa mic.
"Je suis désolé mais mon petite amie a demandé une nouvelle chanson ainsi j'espère que chacun aimera ceci. Merci !"
"ano daw?" sabi ni Alex.
"ah… nagrequest daw yung girlfriend nya ng bagong kanta.."
Bigla namang tumugtog yung violin. SOLO. My heart will go on- na ikinagulat ko.
Hinawakan nya yung waist ko. Ano ba to. Bakit sa dami ng kanta yun pa? Ipinatong ko rin yung both hands ko sa magkabila nyang shoulder. Pero nakatungo lang ako.
"bakit hindi ka makatingin sa akin?" tanong nya.
Oo nga naman, bakit nga ba? Kaya naan tumingala ako agad nang makaisip agad ako ng sagot.
"hah? ah, bakit ba? automatic na ba ngayon na tumingin ng diretso sa kasayaw mo?" medyo naiilang pa ako dahil sobrang lapit namin dahil dumadami na yung sumasayaw at sumisikip nadin.
"alam mo.. you look mysterious.." sabi nya. Muntikan pa nga akong matapilok.
ALEX POV
WEIRD. That's what I felt nung hawakan ko yung kamay nya. Parang bumilis yung tibok ng puso ko. I can't believe this.
Sa totoo lang, ito na siguro yung matagal na iniintay kong pagkakataon na makakausap ko sya nang sarilinan at seryoso. Chef ko sya pero parang hindi sya komportable sa akin. OO aaminin ko na kaya hindi ko din sya matrato nang maayos ay dahil ngayon lang ako kumuha ng ibang chef. Sabi kasi ni Mixa sa akin dati, pag nabuo ko daw itong resort na to, sya ang magiging chef ko. Pero hindi nangyari. Hanggang sa si manang Celia nalang ang tumayong chef ko dahil marunong naman sya. Pero wrong timing ata ang pagpasok ni Chandria sa buhay ko.Ewan. Basta. Misteryosa sya.
BINABASA MO ANG
Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3
Mystery / Thriller"SECRET has always been the mysterious one.." -ShiseG. "Anong gagawin nyo kung isang araw, mawala yung taong minamahal nyo? Ang masaklap pa, magkalayo kayo. Tipong nasa two different sides of the planet ang layo nyo. Tapos isang araw may makikilala...