Chapitre 28
Smooth lang yung naging pag d-drive nya. Sabi ko nga kasi first time kong sasakay ng motor. Wala kasi kaming ganung sasakyan sa bahay at hindi rin naman namin madalas nakakasama si kuya kaya wala din.
“kumapit ka sa bewang ko.. baka hanginin ka!” sabi nya nung mapatigil kami sa isang stop light.
“Grabe ka naman, hindi naman ako ganung kagaan para lang hanginin nohh!!”
“basta! Yumakap ka na! ayaw mo ba nun? Chansing na din yun diba? At saka pag ikaw nahulog.. papatayin ako ng parents mo!”
“chansing your face, at ako pa ngayon ang manyak ha?” kinurot ko yung face nya. Ang kulit kasi. Masaya naman kasama ang lalaking jolly. Hindi yung porke suplado at tahimik, cool agad. Tsk!
“ikaw naman, binibiro lang kita.. siguro mas okay kung ikaw mag d-drive, tas ako aangkas sayo, diba?”
“andami mong nalalaman, tara na, nag aandaran na yung iba..”
Medyo humarurot na ng konti yung takbo nya dahil malapad na yung daan. Humuhinto-hinto kapag may humps.
Nakarating nadin kami agad dahil wala masaydong traffic. Nung nag slow na sya papasok dun sa isang gate, may batang nakaabang. Sya siguro yung kapatid nya na sinasabi nya.
“kuya!!”
“Xandra!” sabi nya pagkahubad nung helmet. Hinubad ko na din agad dahil medyo nagugulo yung hairdo ko. Haha..
“hi!” simpleng bati ko. Pero parang snob sya. Ano kayang problema?
“nandian na ba sila mama?”
“oo, inaantay na kayo sa loob.. ready na din ang dinner..”
“tara!” kinuha nya yung kamay ko. Weh? Edi wala na akong kamay? Haha last na talaga!
Hinde joke lang syempre, kinuha nya, what I mean is hinawakan nya, yung intertwine!!! IN-TER-TWINE! Peste hindi pa kami ah? Aba? Anyway, pagpasok namin, pinaupo nya muna ako sa sofa.
“feel free to check the house!” sabi nya at saka pumunta sa kitchen. Ano ako? Inspector? Well, ayos naman ang bahay nila. Ang cute! Basta hindi ko na idedescribe pa at baka humaba pa. pero syempre nagtigin tingin ako, sa ceiling, sa mga paintings na nakasabit. Tapos meron silang malaking pendulum clock. Naalala ko tuloy na ipinatanggal ko yung ganun namin dati dahil sa sobrang kaparanoidan ko sa tunog pag alas dose.
“here! Juice ka muna!” inilapag nya yung isang baso at may kasamang cake. Aww.. ansarap! Nagugutom pa man din ako kasi parang drain na drain na yung tiyan ko.
“oh bakit ganyan mu naman tingnan yung cake? May nagawa ba yang masama sayo?”
“hah? Ah hehe.. wala naman! Bakit? Paano ko ba tingnan?”
“wala naman, parang kawawa lang kasi yung sasapitin nung cake!!”
“hah? Grabe ka naman..” pero kasi actually nagugutom talaga ako. May matandang lumabas sa kung saan mang room iyon, may suot na balabal, tingin koy nasa edad 60 na ata.
“iho, dumating na pala kayo..”
“ay hindi mami, mga hologram lang yan..” sabi ni Xandra. Napatawa tuloy ako.
“ikaw talagang bata ka..halina sa labas, iniintay na kayo ng mama mo doon..” niyakag na nya ako bale naiwan yung cake. Aww. Haha, pero syempre dinner nga diba. Mas mabibigat sa tiyan ang tiyak na nakahain.
“manang, this is Mixa nga pala, and Mish, this is my grandma Celia, from my mom’s side!” ngumiti ako. “hello po lola Celia!”
“napakaganda mo naman iha, at ang buhok mo, kay kintab kintab!!”
BINABASA MO ANG
Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3
Mysterie / Thriller"SECRET has always been the mysterious one.." -ShiseG. "Anong gagawin nyo kung isang araw, mawala yung taong minamahal nyo? Ang masaklap pa, magkalayo kayo. Tipong nasa two different sides of the planet ang layo nyo. Tapos isang araw may makikilala...