3

58 2 0
                                    

Chapitre 23

The other next day, regular class na. Pero may mga times na hindi ako makapag-focus dahil iniisip ko parin yung tungkol sa site na sinasabi ni Alex. Ang alam namin, site lang yun, as in dun mo titingnan yung mga grades nyo kasi hindi naman mine-mention ng teachers. Lalong hindi rin ako makapag focus dahil Algebra ang subject. Okay lang naman ako sa math, nakakainis lang minsan.

“okay, class dismiss..” sabi nung teacher.

Nagulat ako kasi parang ambilis ng klase. Maganda din pala minsan pag maraming iniisip, hindi mo namamalayan ang oras. Ngayon alam ko na ang gagawin ko twing P.E class.

Friday ng hapon nagyaya si Kleina, sleep over daw sa kanila. Nakow, asa namang payagan ako ni papsi, eh may lesson pa ako ng piano ng alas singko. Kaya sabi ko sa kanla titingnan ko pa.

“don’t worry hermania, ipagpapaalam kita kay tito.. if you want, dun muna kami sa inyo hanggang sa matapos ka sa piano lesson mo, and I’ll help you if you want.. the masteris here!” sabi ni Kleina at kumindat pa. Iba talaga pag sya ang nagyakag, parang laging may kasamang evil plan. Well, wala nang bago dun, evil naman kasi talaga sya.

“oo nga naman Mish..” sabi ni Charm.

“ikaw naman, kung maka “oo nga” ka dian, parang hindi ka kay papsi magpapaalam ah? Baka nalilimutan mo? You..” medyo pabiro ko syang dinuro “are under my father’s consent?” sabi ko sa kanya.

“eh syempre, papayag yun, dun lang naman kila Kleng eh, eh ilang subdivision lang ba ang layo nun sa atin?”

“oo na sige na, pero promise talaga Kleng hah? Pag ikaw lang.. hindi ka umayos..”

“ano!! Anong gagawin mo?” matapang na pagkakasagot nya.

“edi.. wala! hindi ka maayos.. hahaha” nagtawanan kami. Wala kasi akong masabi.

Pagdating namin sa bahay, kasama si Kleng, Ash, at Charm, sinalubong agad kami ni mamsi.

“oh? Aba’t napadalaw ang mga dalaga?”

“nasan si papsi? May sasabihin kami..” sabi ni Kleina at talaga namang  feel na feel ang pagsabi ng ‘papsi’.

“ayun, hindi makakauwi, baka bukas na daw ng tanghali at maraming inaasikaso sa trabaho ngayon, bakit?”

“uhm auntie, ipagpapaalam ko po sana si ate Mish, sa amin po tutulog, kasama po sila Ash at Cherish, may group report po kasi kami sa Monday! Eh magpapatulong po ako sa pagdedesign nung visual aid.. hehe”

“oh? Sa lunes pa naman pala eh, baka naman pwedeng ipagpabukas nyo na lang yan?”

“uhm auntie ano po kasi..” hindi nya maituloy.

“ang alam ko hindi ka pwede bukas dahil may iba pa kayong report na tatapusin, diba?” sabi ni Charm tapos patagong kumindat. Gets na agad namin. Ang galing nya talaga magpalusot.

“ay opo auntie, kaya please po?” cute na sabi ni Kleina.

Kung ako si mamsi, pipicturan ko ang itchura ngayon ni Kleng, aba, isang napakalaking chance na ito para makita na nagmamakaawa ang isang Lazarte. Hindi pa ata nagagawa ito ni Kleng sa buong buhay nya, kasi una sa lahat, first time nya mag yakag mag sleep over.

“ganun ba? O sya sige, may sasakyan ba?”

“opo opo auntie, nasa labas po yung van namin..” tumungo tungo lang si mamsi tapos tumingin sakin.

“Mixalei, I am watching you hah!” naningkit yung mga mata nya na parang nagbabanta.

“yes naman po mam! Saka pwede po bang wala muna akong piano lesson? H’wag nyo nalang sabihin kay papsi, please mam?”

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon