6

59 1 0
                                    

Chapitre 26

MIXA POV

Nung hapon, habang nagpipiano ako, napansin siguro ni papsi na malungkot ako. Kaya nung habang tumutugtog ako, pinigilan nya yung galaw ng metronome. Napatigil din ako syempre tapos napatingin sa kanya.

“something’s missing!” sabi nya na parang nag-aalala ang reaction.

“po? Ano po yun?”

“feelings! Alam mo kasi anak, kahit na gaano kalamya ang isang tugtog, hindi ka man nakikita ng mga audience, ramdam nila..” itinuro nya yung dibdib nya. Napabuntong hininga ako. “anong problema?”

“kasi papsi, nakuha po ako bilang isang stageplayer, naka sign na po ako ng contract, kaso hindi na ako pwedeng sumali sa cooking competition..” lumungkot lalo yung mukha ko. Medyo nagulat din sya.

“bakit mo naisipang pumasok sa stageplay?”

“uhm.. wala naman po papsi, nagtry lang naman po ako, kaso hindi ko naman din kasi inaasahan na makukuha nila ako eh.. tapos napaaga din po yung cooking competition”

“nasasaiyo na ang desisyon, suporta lang ang makukuha mo sa amin, kung ano yung nasa puso mo, yun lagi ang susundin mo, ikaw din..“

Nung kinabukasan, as usual, nag sneak-in nanaman kami sa locker ng boys. Pero may dala na kaming kape, same nung nakaraan. Pero may nakita kong note pagbukas ko ng pinto ng locker nya.

‘pwede bang malaman ang tawag sa binibigay mo? Saka yung pangalan mo na din’ with smiling face sa dulo. Napangiti ako kaya kinuha ko nalang yung note tapos inipit ko dun sa notebook na hawak ko.

“Charm tinatanong nya yung tawag dun sa munchin!” napangisi ako.

“pano mo naman nalaman? Tinanong ka nya diretchuhan?”

“hindi, eh may note ako na nakita dun,”

“talaga? Gumawa sya? Mukhang interesado sya ah?”

“ou nga eh, anong ilalagay natin dun? Pati yung pangalan ko hinihingi nya..”

“akong bahala..”

Nung breaktime, nakita namin na dala na ni Alex sa Circ-hell yung munchin saka yung kape.

“o himala ‘tol, nagkape ka ata? Eh diba pag umaga ka lang tumitira nyan?” sabi ni Paco.

“hinde ‘tol, kasama to dun sa bilogbilog.. sayang nga eh, malamig na.. pero masarap pa naman!”

“talaga? Wow ha? Improving, nagkaron ng panulak!” sabi ni Kian.

“ang galing naman nun, narealize nya na dapat may panulak!” sabi ni Alex.

“hinde, sinabi ko sa kanya, nagkita kasi kami ulit nung girl..” sabi bigla ni Charm.

“so ibig sabihin sya nga yun?” sabi ni Nick.

“yung nagtanong sa akin tungkol sayo? Oo sya nga..” pasimple ni Charm.

“owww, natanong mu ba pangalan?”

“hah? Ah hindi eh, parang nagmamadali kasi sya nun sumakay!”

Nung third class bago ulit mag lunch break, nagpaquiz si maam. Marami kasing hindi nakikinig. Biglang lumapit si Charm sa upuan ko.

“Mish peram nga ng notes mo, hindi ko kasi natapos yung isinusulat ni maam eh!” ibinigay ko yung notebook ko kasi isa rin sya sa mga lutang ang pag iisip kaya nagpapaquiz si maam ng de oras.

Nung magtatime na, pinasubmit na ni maam yung mga papel kahit di pa tapos magsulat yung iba.

Nung lunch break, nakakapanibago, parang hindi ako kinikibo ni Alex.

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon