Chapitre 25
Tawa nang tawa sila Kleina. Pano ba naman, hindi ko alam na vinideo-han pala nila Charm yung audition ko.
“huy grabe, totoo yung luha nya oh..” sabi ni Ash. “grabe talaga, Mish hanga na talaga ako sayo!”
“nakakainis kayo, hwag nyong ikakalat yan hah!”
“ano ka ba, eto na yung chance mo na makilala ka!” sabi ulit ni Ash.
“makilala? Wala yun sa mga plano ko! Hay naku grabe, sobrang kabado talaga ako, what if makuha nila ako, tapos sa Ariston pa magpe-perform, naku talaga!”
“mao-overcome mu din yan, diba nga inspired ka?” sabi ni Charm.
“hi girls, anong agenda dian hah?” biglang dumating sila Nickele kasama na yung iba pang boys.
“come here babe, look! Na-video ni Charm ang audition ni ate Mish!”
Nakakasusot, inaasar pa tuloy nila ako. Pero syempre nung huli puro compliments at good lucks.
“ang galing mo pala naman umakting eh!” bulong sa akin ni Alex. Ngumiti lang ako. “thanks!”
“kapag napili ka, ako mismo magtuturo sayo!” kinindatan nanaman nya ako! O sige, ako na kinikilig talaga!
After ng classes, dumaan muna kami sa Jollibee para bumili ng pasalubong kay Buen tapos daily routine na ulit, piano lesson saka chat kay Alex.
Alex: grabe, congrats kanina, galing mo!
Mish: grabe nga din yung kaba ko eh, kala ko nakalutang na ako kanina!
Alex: sana nga makuha ka, mukhang mas gaganahan ako kapag iba naman ang leading lady. J
Hindi na ako nagreply kasi bigla akong na-speechless. Parang umurong yung dila, este yung utak ko pala, nung sinabi nya sa akin yon. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Paco sa akin, na maharot daw itong si Alex. Nakakatakot naman pala kung ganun lang yung gawain nya, walang seryosohan!
Bago ako natulog, gumawa muna kami ni Charm ng munchin para dadalhin bukas. Muntik na nga nyang maubos kaka tikim, free taste daw dapat.
“naalala mo yung sinabi nya? Wala daw panulak, anu kaya kung lagyan natin ng panulak?” suggest ko.
“itulak ko kaya sya!” tumawa si Charm.
“di nga, seryoso! Ano sa tingin mo?”
“eh ano namang ipantutulak?”
“syempre liquid!”
“edi yung babagay dapat sa munchin! Pwede namang kape, or juice!”
Kinaumagahan, dumaan muna kami sa isang coffee shop at nagpa take out ng kape. Sabi ni Charm sa vendo machine nalang daw sa canteen. Eh sarado pa nga yun ng 6am tuwing dumadating kami, kaya no choice. Muka nanaman kaming magnanakaw dito sa locker ng boys.
“best may parating! Do you copy?”
“oo! Sinung parating? Over!”
“hindi ko maaninag! Basta lalaki, mukang junior din!”
“sandali palabas na ako!”
Nagmadali na akong tumakbo palabas ng locker ng boys. Maingat kong isinara yung pinto at naglakad na palabas pa ulit ng pinto. Remember, dalawa yung pinto. Pero dala ko yung kape. Mamaya malalaman nyo kung bakit hindi ko inilagay. Hawak ko sa likod.
“o Nick! Aga mo ah?” bati ni Charm. Phew! Sya lang pala!
“oo eh, start na kasi ng training namin. Nag join kami ni babe sa C.A.T!”

BINABASA MO ANG
Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3
Mystery / Thriller"SECRET has always been the mysterious one.." -ShiseG. "Anong gagawin nyo kung isang araw, mawala yung taong minamahal nyo? Ang masaklap pa, magkalayo kayo. Tipong nasa two different sides of the planet ang layo nyo. Tapos isang araw may makikilala...