13

97 15 6
                                    

Chapitre 13

ALEX POV

“san ka galing? Bat antagal mo?” tanong ko kay Cherish nang dumating sya dito.

“ahh.. ihinatid ko lang yung chef mo sa kwarto, mukhang hindi nanaman maganda ang pakiramdam..”

“nanaman? What do you mean nanaman? So alam mong laging hindi maganda pakiramdam nya? Ganon?” tanong ni Kleina.

“ahh.. nung last time kasi hinimatay sya, nung nag venue visit ako dito..”

“baka buntis!” sigaw ni Nickele. Tawanan naman yung iba.

“sinong buntis?” nagulat kami kasi biglang dumating si Paco.

“oh men! Musta?” bati ni JC at Kian, sila kasi dati ang magkakalaro sa dota. Kaya sila ang nagkakaintindihan.

“yung chef nito ni Alex!” sabay tapik sa balikat ko. Ano bang pinagsasasabi nito?

“what? Dude? Seryoso?” gulat na gulat si Paco. Tiningnan ko lang nang masama.

“what the—dude naman!! Bakit sya pa? alam mo namang gusto ko din yung chef mo!” nagtawanan ang tropahan. Kahit nakakainis yung mga sinasabi nya, natatawa na din ako.

“fvck! Ano bang pinagsasasabi nyo! I don’t know, wala akong masyadong alam sa kanya! Minsan nga lang kami magkausap eh, tapos sasabihin mo na mabubuntis ko sya? Bro naman..” tawanan nanaman kami.

“eh bakit ba naman kasi may narinig akong buntis? Sino ba nagsabi non?” sabay kagat nya ng apple.

“eh pano, yang chef daw ni Alex, laging sumasama ang pakiramdam at nahimatay pa daw nung nakaraan, eh diba isang sintomas un?” sagot ni Nickele.

“at ano namang alam mo sa pagbubuntis ha aber?” tanong naman ni Ash. Nurse nga pala sya kaya madaming alam sa mga ganun. “hapon na hapon hihimatayin? Hindi yun, at saka..” tumigil sya. “Alex! Have you two—?“

“for God’s sake Ashley don’t you dare ask me that, of course not!”

“wehhhh?” tanong ni Paco. “ikaw ha, baka nga mamaya mo hindi pala namin alam eh, itinatakas mo na si Chandria ha? Nako…..”

“guys.. nothing’s special between us, she’s just my chef, nothing else, stop teasing me!”

“but seriously guys, she have some similarities to Mixa!” sabi ni Kleina habang nagsasalin ng wine.

“alam nyo puro kayo Mixa! Tara! Maki-join nalang tayo sa iba nating batchmates! Baka sabihin nila na dapat tayo nalang ang nagreunion kasi tayo tayo lang din naman eh!” suggestion ni Cherish. Tama naman. Baka sabihin ng iba may sarili kaming mundo dito kaya pumunta na kami sa may pool side.

Nagkakasiyahan pa naman. Yung iba mga lasing na. may nagbabaraha. Pano nagkaron ng baraha dito? Anyways, baka dala nila. Kami naman napag disisyunan na mag swimming.

MIXA POV

07:00 Nag alarm na ang cellphone ko. Kinakapa ko yun sa ilalim ng unan ko habang nakapikit pa ang mata ko. Ang ingay kasi. Nakita ko may message.

Xandra baby

Ate nakaalis na ako, may pasok pa ako eh. Kaw muna ulit ang bahala sa site. Muah <3

 Ang aga naman nya umalis! Ni hindi ko naramdamang gumagalaw sya sa paligid kanina. Pagtayo ko, humarap ulit ako sa salamin. Naging mannerism ko na ata yon. Tapos tinitignan ko kung maganda parin ba ako kahit bagong gising. Sabi kasi ni Alex dati, ang tunay na maganda, kahit bagong gising, maganda talaga. Hanggang sa mapapunta sa leeg ko ang paningin ko. Nasaan yung kwintas na suot ko? Hinubad ko ba un kagabi? Naku.. lagot! Hindi pwedeng mawala yun, bigay sakin yun ni Alex nung graduation. OO ADIK AKO SA KWINTAS!

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon