16

83 4 0
                                    

Chapitre 16

ALEX POV

Wala na akong nagawa nung kinuha sya sakin ni Kleina na para bang matagal nadin silang magkakilala. Seriously what’s happening? Una, si Xandra, nung nakilala nya si Chandria parang ang gaan agad ng loob nya, sunod si Cherish, tapos ngayon si Kleina naman. Sino ba talaga sya?

*KRING* Biglang tumunog yung phone ko.

“Yes Arthur?”

“Sir, may mga nakuha na kong impormasyon sa kanya.”

“Sige, sabihin mo na sakin ngayon, wag ka nang mag abalang pumunta dito”

“Ah, sir, may nakuha po akong record sa isang airport, galing po syang Paris, France apat na bwan na ho ang nakakalipas, nakakuha din po ako ng impormasyon sa isang condo unit, same date nang maglanding sila dito, nakatira po sya sa isang Condo sa Laguna. Kasama po sa list ng residency nya ay isang babae, ang pangalan po ay Cherish Lovendino Dee.”

Tila nabingi ako sa mga huling sinabi ng prvate investigator ko.

“WHAT? Totoo ba iyan?” gulat na gulat ako.

“Yes sir, ayon ‘yon sa kaniyang NBI”.

“sige.. salamat, pumunta ka nalang dito para sa bonus mo”

Pinatay ko na ang phone. Hindi ako makapaniwala. Bakit nya kasama si Cherish? At galing ng Paris? Biglang may pumasok sa isip ko. This couldn’t be possible.

Lumabas ako ng room para pumunta sa kwarto nila ni Xandra para tingnan muli yung resume nya.

“sinu yan?” tanong ni Xandra sa loob.

“kuya!” mahinahong sagot ko habang nakasandal ang tagiliran ko sa gilid ng pinto.

“yes?” nakangiti nyang sabi habang hawak ang isang makinang na kwintas sa leeg.

Teka, parang namumukhaan ko yun ah?

“kuya!! I know hindi ka kumatok para lang titigan ako?” nag snap sya. “hello?”

“saan…” hindi ko maituloy “ saan mo nakuha yang kwintas nayan?”

“ah eto?” tinignan nya ang pendant. “nakita ko to the day after nung reunion nyo, nakakalat dito malapit sa pinto ng kwarto, kaya.. pinulot ko! bakit?”

“so hindi sayo yan?”

“kakasabi ko nga lang diba? Ano ba? Lasing kaba ha, kuya? Saka sa tingin ko baka kay ate Chandria ‘to, baka nahulog lang, eh hindi ko pa sya natatanong kasi you know naman what happened sa kanya!”

“it’s just.. can I take a look?” curious talaga ako.

“Kuya naman, paalis na ko ee.. saka anu ba talagang pakay mo? Wala naman si ate Cha dito!”

“just give me that damn necklace for Christ sake Alexandra!” nag killer look sya sakin, saka hinubad ang kwintas.

“OH! AYAN NA! KAINIS NAMAN TO! DYAN KA NA NGA! HUWAG KANG PAPASOK HA! HMP!” sabi nya sabay nag walk out.

Tinitigan ko yung necklace at hindi ako pwedeng magkamali. Eto yung regalo ko kay Mixa nung graduation namin ng high school. Tinitigan ko pang mabuti yung maliit na naka-engrave sa loob ng pendant, it says FAE. Stands for ForeverAndEver.

MIXA POV

“oh, speaking of the man, Alex is calling!” sabi ni Kleina matapos mag ring ang phone nya sa kalagitnaan ng masayang conversation namin tungkol nung high school.

Nagtinginan kami ni Charm bago nya sinagot.

“Okay girls, hang on a second.” Pinindot nya yung answer button. “yes milord? It seems you missed us already?” sarcastic nyang bati.

“could you please put my chef on phone?” rinig namin dahil naka handsfree sya.

“woah, that’s pretty hard to do Alex! Your Chandria is too big to put in my phone, she might damage my gadget! Hahaha!” napatawa din kami ni Charm pero mahina lang, yung hindi maririnig ni Alex sa kabilang linya.

“Kleina, not this time! Just want to talk to her!” nagtinginan naman kaming tatlo.

“fine! Chillax bro! hohoho..” binigay sakin ni Kleina yung phone. Ngayon, ako nalang ang nakakarinig tapos nagkwentuhan ulit silang dalawa habang nags-swing.

“Yes, sir?”

“I want you here, right now!” medyo hindi ko gusto yung tono na ginagamit nya. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib.

“Uhm… sure sir, we’ll be right there.” He hunged up. Kleina gave me a “ano-daw?” look.

“Pinapauwi nya na ako..” kabado kong sinabi.

“Hmm, so what can you say? Mukhang nagugustuhan na ng Alex mo ang babaeng “flight attendant” na si “Chandria”? pang aasar ni Kleina.

“Tsk, hmmm” huminga ako ng malalim. “ba’t ganun ung feeling ko? Parang, iba! Kinakabahan ako..”

“hep hep hep, kung ganyan ka nanaman, edi mabuti pang huwag ka na munang magmadali at baka atakihin ka nanaman ng pagkakaba mo” sabi ni Cherish.

“you think? Eh kasi..”

“wait.. Alex texted me, pinapapunta nya ako sa inyo ngayon!” sabi ni Charm matapos kalikutin ang phone. “andami nya pating missed calls oh..”

“edi  kaya pala sakin tumawag yan, pano hindi kayo sumasagot! Hala ka ate Mish, lagot ka sa Alex mooo..” inaasar ako ni Kleina.

“Kleng naman! Imbis na tulungan mo kong matanggal yung kaba ko eh!”

“eh kasi naman, nandito palang tayo, ganyan ka na, nakakatawa ka!”

“Is this just some kind of a joke to you?” seryoso kong sabi.

“I’m sorry, fine! Fine!” sabi na nakataas pa yung dalawang kamay na parang sumusuko. “ba’t kasi kinakabahan ka? Lalo kang mahahalata nyan..”

“so anong plano? Hindi tayo pwedeng magsabay pumunta don! Baka isipin nya magkasama tayo dito!?” tanong ni Charm.

“edi mauna ka nalang don Cherish, kasi ang alam ni Alex mas matagal ang byahe from here papunta don kesa sa alam nyang tagal ng byahe from your house to his!”

Kleina has a very intelligent point. Dito ako hanga sa kanya. Sa nakapa galing nyang sense of humor at magaling na observant.

“o edi sige sige, aalis na ako. text text nalang, okay?” sabi ni Charm.

Nauna na sya saka. After 30 minutes,sumunod nadin kami ni Kleina sa resort. Syempre natagpuan namin si Charm don na kunyare hindi namin alam.

“Oh! Cherish! Why are you here my dear?” lumapit si Kleina sa kanya at kunyaring niyakap.

“Ahh. Eto si Alex, tinext ako.. hindi ko nga alam kung bakit eh! Hi Chef!” sabay sabi ni Charm nung nakatingin lang ako sa mga acting nila. Ngumiti ako kunyari. Nakatayo lang si Alex sa gilid ng pader ng salas tapos naka cross arms sya. Hindi sya nagsasalita.

“Well Alex, as I promised, here’s your chef, salamat nang marami, ipapadeposit ko nalang yung money sa bank account mo as payment!”

Umupo kami sa tabi ni Charm na may binabasang magazine galing sa rack.

Nung nakaupo na kami, gumalaw na si Alex sa kinatatyuan at may inilapag sa salaming lamesa sa center table. OH MY GOD, THAT’S MY NECKLACE!

Pinilit kong wag tumingin nang diretcho kay Alex hanggat kaya ko.

“I believe this is yours..” tapos bumalik ulit sya sa kinatatayuan nya. Napatingin din si Charm at Kleina.

 I’M DEAD!!!

CUT KO MUNA ULIT! ANTOK AKO EH. TOMORROW ULIT, OR MAMAYANG MADALING ARAW.

VOTE AND COMMENT! MAHUHULI NA NGA BA SI MIXA? ABANGAN SA FINALLY HER SECRET REVEALED. HAHAHAHAH..

LOVES,

LadyRedWriter <3

Finally Her Secret Revealed Part 1,2 and 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon