CHAPTER 4 - HER

194K 3K 48
                                    

Nagising ako dahil may mabigat na bagay sa dibdib ko.

Oh God!

Hindi isang bagay ang nakapatong sa dibdib ko kundi isang kamay, KAMAY NG ISANG LALAKI! Dahan-dahan ko itong kinuha at nilagay sa kama, tumingin ako sa lalaking katabi ko OHMYG ano tong pinasok ko! Dahan-dahan akong tumayo, nakahubad lang ako hindi ko kasi makuhakuha ang kumot kasi na higaan nya ito. Nakita ko yung evidence na wala na sa akin ang V-Card ko. Oh God! Bakit binigay ko yung iniingatan ko sa isang lalaking hindi ko naman kilala.

Ang tanga ko nga naman!

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at nag bihis na rin ako agad dahil kailangan ko ng umalis dito bago pa magising ang lalaking tulog sa kama. Pagkatapos kong mag bihis tinignan ko muna ang lalaking mahimbing na natutulog sa kama, shit ang gwapo nya kahit tulog ang lolo nyo. Gumalaw sya kaya dali-dali na akong lumabas sa kwarto. Kala ko nasa isang motel or hotel ako dinala ng lalaki 'yon, yun pala nasa isang condo pala kami at unit ata nya 'to. Bumaba na ako at tumabako palabas sa kwarto nya, lumabas na ako sa unit nya at nilock ko muna yung doorknob at sinarado ko na ang pinto bago ako umalis sa lugar na iyon.

kagagahan ko nga naman!

Masakit yung ano ko pero tiniis ko lang para makalabas na ako rito at makauwi na ako sa boarding house ko.

Nakasakay na agad ako ng taxi. Hindi nag tagal nakarating na ako sa boarding house ko kaya bumaba na agad ako ng taxi.

Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ko agad ang towel at nag hubad na ako para maligo. Pumasok na ako sa banyo, buti vacant ang mga banyo ngayon.

kiskis dito kiskis doon, sabon dito sabon doon.

Pang apat na beses akong nag sabon. Ewan ko ba naririndi parin ako hanggang ngayon. Ano ba 'tong pinasok ko.

Tapos na akong naligo, mga isang oras talaga. Kiniskis ko ng mabuti ang katawan ko, leeg ko, nag toothbrush ako mga tatlong beses at nag mouth wash. Wala lang parang ang dumi-dumi ko na kasi dahil sa nangyari sa amin nung lalaki pucha talaga.

After kong magbihis humiga ako sa kama ko kahit basa pa ang buhok ko, inalala ko yung mga nangyari sa amin pero jusko wala akong maalala kahit isang scene man lang, grabi lasing na lasing yata talaga ako, first time ko pa naman uminum pero ito na agad ang napala ko, ang gaga ko talaga.

Napapaisip ako sa nangyari sa akin at medyo na tawa ako ng konti dahil sa katangahan ko! Kaya ako hiniwalayan nung gagong ex ko kasi hindi nya makuhakuha yung gusto nya pero ito ang nangyari ngayon at naibigay ko lang iyon sa hindi ko man lang kilala.

Ugggh! Great!

Para tuloy akong bayarang babae sa isang bar na pwede ma take-out sa kahit na sinong lalaki na gusto akong matake-out!

Pero walang bayaran na nangyayari!

Sana hindi mag bunga ang nangyari sa amin nung lalaking yun.

Ano nalang ang gagawin ko sa buhay.









Di na talaga ako iinum ulit!

Lesson learned: Huwag uminom pag hindi mo kaya dahil paniguradong disgrasya ang aabutin mo.

Kung sakaling pupunta ka sa bar, huwag mag pabaya. Pag hindi na kayang uminom huwag na pilitin pa na kaya mo pa.

Dapat ang alak sa tyan nilalagay hindi sa utak.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon