EPILOGUE

89.9K 785 116
                                    

*THIRD PERSON POV*

"My king bilisan mo naman, ang bagal-bagal mong kumilos. Inip na inip na ang mga anak natin" sigaw ni arianne sa mahal nyang hari.

Nasa labas sya ng kwarto, iniwan nya muna kasi si drake kasi tinignan nya muna ang mga anak nya at yun nga tapos na sila kaya si drake nalang ang hinihintay nila.

Mag babakasyon kasi sila ngayon, sa isang resort. Dito lang sa maynila, mga tatlong araw lang sila kasi friday ngayon at walang pasok ang kambal hanggang linggo kaya mag fafamily bonding sila. Kasama din nila sina lena at megan as always naman.

"I'm almost done my love. Hintayin nyo nalang ako sa baba at susunod din ako pagkatapos ko dito" balik sigaw ni drake kay arianne.

"Alright, dali.an mo lang" sigaw ni arianne at bumaba na sya.

After 5 minutes

"Lets go, lena and megan ipasok nyo na ang mga maleta natin" bungad agad ni drake sa mga taong naghihintay sa kanya.

"Yehey! Swimming time and family time" masayang sigaw ni sky.

Napailing nalang ang kapatid nya sa kanya.

________________

Drake's POV:

Nasa isang sasakyan kami ni arianne at sa kabilang kotse naman sina lena, megan at ang kambal namin, si mang esko ang driver nila.

Tinignan ko si arianne, parang di sya mapakali.

"Love? What's wrong? Are you okay?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"I'm fine" sagot nya sa akin.

"You didn't look fine my love, namumutla ka nga" sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya bago sya nagsalita.

"Ewan ko ba drake, pero noong nakaraang araw parang may sumusunod sa akin na para bang binabantayan nya ang bawat galaw ko, kahit saan ako pupunta parang may laging nakabuntot sa akin. Di ko talaga alam kung napaparanoid lang ba ako o may tao talaga na laging sumusunod sa akin" pag-amin nya sa akin.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang bagay na yan?" tanong ko sa kanya.

"Kasi akala ko wala lang eh, akala ko titigil sya kung sino man sya pero ngayon parang may sumusunod sa atin eh" sagot nya sa akin.

Nasa unahan kasi namin ang kotse nila matt.

Tumingin ako sa likod namin gamit ang side mirror, may isang itim na van na nakasunod sa amin.

"Parang di naman love. Guni-guni mo lang yan, take a nap muna gigisingin lang kita pag nasa resort na tayo" sabi ko sa kanya.

"Okay, pagod lang ata ako kaya kung anu-ano na ang iniisip ko" sabi nya sa akin at tumango ako sa kanya.

"I love you drake sebastian montegrande, always remember that" sabi nya sa akin.

"I love you too wife, now sleep" sabi ko sa kanya.

Hinalikan nya muna ako sa pisngi ko bago sya natulog, napangiti ako kasi ang swerte ko dahil may maganda at mabait ako na asawa, may dalawang pogi pa akong mga anak. Wala na talaga akong mahihiling pa, nasa akin na ang lahat.

Di mawala ang ngiti ko habang nag mamaneho ako, tumingin ako sa side mirror at nandoon parin ang itim na van. Lumiko ang kotse nila matt, lumiko din ako at napatingin na naman ako sa side mirror. Kumunot ang noo ko dahil sumunod pa din ang itim na van.

Kinabahan ako bigla, di kaya sinusundan nila kami?

Di ko muna susundan sila matt. Susubukan kong ilihis ang direction ko at kung susunod pa din ang van na yun sigurado akong sinusundan nila talaga kami.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon