CHAPTER 8 - HER

172K 2.9K 55
                                    

Nandito na kami ngayon sa loob ng MGM o mas kilala bilang Montegrande Mall.

"Mommy I want ice cream po" sabi ni Sky.

"Me too, Mommy" segunda naman ni Matt.

"Okay babies" sabi ko sa kanila at hinawakan ko silang dalawa.

"Yeheey! Ice cream" masayang sigaw nilang dalawa.

"Sshh don't shout" saway ko sa kanila.

"Sorry, My" sabay na sabi nila sa akin, tumango nalang ako at ngumiti sa kanila.

Nasa Ice cream parlor na kami, limang ice cream ang bibilhin namin. Ube kay Lena, mango kay Megan, rocky road kay Sky at Matt then chocolate yung akin. Si Megan at Lena na ang umorder, nakaupo lang kami ng kambal ko rito sa mesa namin.

"Kuya I want to play basketball later" sabi ni Sky kay Matt.

"Okay, lets play later" sabi ng kuya nya sa kanya.

Busy si Matt sa ipad nya, nag babasa ata sya kasi naman mahilig kasi sya sa mga libro at hobby nya mag basa pag walang pasok o kaya wala syang magawa sa bahay.

Dumating na rin sila Lena at nilapag nila yung ice cream namin sa mesa.

"Yeheeeyyyy ice cream" masayang sabi ni Sky, favorite ice cream nila ang rocky road eh.

Kumain na kami, nag selfie-selfie muna sila Lena at Megan kasama ang kambal ko. Close na close talaga silang apat, tinuring na nila Lena at Megan na kapatid yung mga alaga nila. 25 lang sila pero ang galing nilang mag-alaga ng bata, matagal na rin sila sa akin at mababait din silang dalawa.

Natapos na rin kaming kumain, nag order pa kasi kami ulit pero hindi na ako kasali tama na sa akin yung isang ice cream.

"Basketball po, Mommy" sabi ni sky sa akin.

"Okay baby" sabi ko sa kanya at nag lakad na kami papunta sa WOF o World of Fun.

Bumili agad sila Lena at Megan ng mga token, binigyan ko sila ng 300. Sapat na ata iyon sa kanilang apat, buti talaga nakuha ko na ang sweldo ko. Tumakbo agad si Sky dun sa basketball machine at sumunod agad si Matt sa kanya ganun din sila Lena at Megan. Mahilig si Sky sa basketball, sporty sya pero si Matt? Marunong syang mag laro pero hindi nya ito hilig.

"Megan kayo muna ang bahala sa kambal ha? Mag go-grocery muna ako, babalik agad ako rito kaya bantayan nyong mabuti sina Matt at Sky" sabi ko sa kanya.

"Opo, ate kami na pong bahala sa kanila" sabi ni Megan sa akin at tumango ako sa kanya.

"Tawagan mo agad ako kung may problema ha?" sabi ko sa kanya.

"Opo ate" sagot nya sa akin, ate ang tawag nya sa akin kasi 3 years lang ang tanda ko sa kanila ayoko kasing tawagin nila akong MA'AM eh.

"Matt come here" tawag ko sa anak ko.

"Yes, My?" sabi nya sa akin, hawak nya parin yung ipad nya.

"Behave kayo ha? Bantayan mo ang kapatid mo okay? May bibilhin lang si Mommy sa baba" bilin ko sa anak ko.

"Opo, ingat ka po" sagot nya sa akin at humalik ako sa kanya.

"I will baby" sabi ko sa kanya at humalik din sya sa akin.

Busy kasi si Sky kalalaro kaya hindi ko nalang sya tinawag.

Lumabas na ako then nag lakad na ako papunta sa eskelator at sumakay na agad ako. Pagkababa ko sa baba lumakad na ako papunta sa grocery store rito sa mall at kumuha ako ng isang basket kasi kunti lang kasi ang bibilhin ko, yung mga importante lang na kailangan at mga gusto nila Sky at Matt like hotdog, eggs and etc.

Tapos na ako kaya bumalik na ako sa 3rd floor nandoon kasi yung WOF. Pumasok na agad ako dun at yun nakita ko yung kambal ko na masayang naglalaro. Naglalaro na rin si Matt binigay nya na ata kay Megan yung ipad nya.

Regalo ng ninang Mae nila ang ipad nilang dalawa, may kay Sky din pero iniwan lang nya sa kwarto nila.

Mas gusto ni Sky ang Toms World, World of Fun at etc kesa sa ipad nya.

"Ate ako na po" sabi ni Lena sa akin, kaya binigay ko sa kanya yung mga binili ko kanina.

"Thanks" sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

"Mommy, I'm hungry already" sabi sa akin ni matt.

Kaya tumingin ako sa wristwatch ko, kaya pala 6:00 pm na.

"Okay let's eat after this baby" sabi ko sa kanya naglalaro pa kasi si Sky.

"I'll call Sky, Mommy" sabi nya sa akin, tumakbo na rin sya hindi man lang hinintay ang sasabihin ko tssk gutom na talaga ata yun.

Afterwards lumabas na kami at bumaba na sa 2nd floor. Pumasok kami sa isang restaurant dito sa loob ng mall.

"Good Evening, Ma'am. Table for how many pax ma'am?" bungad agad sa amin nung receptionist.

"Table for 5" sagot ko sa kanya at ngumiti rin ako sa kanya.

"Okay this way Ma'am" sabi nya sa amin kaya sumunod kami sa kanya.

Umupo na kaming lima sa mesa at may dumating agad na isang waiter binigyan nya kaming tatlo nung menu nila.

"What is your order, Ma'am?" tanong nya sa akin kaya tinanong ko yung kambal ko kung ano ang gusto nila.

"Matt, what do you want to eat?" tanong ko sa kanya.

"Fried chicken and spaghetti only, Mommy" sagot nya sa akin.

"How about you, Sky?" tanong ko kay Sky.

"Fried chicken and Black Forest cake po" sagot nya sa akin.

"2 fried chicken, 3 platter of Rice, 1 spaghetti, 1 slice of Black Forest cake, 2 pitchers of Iced Tea" sabi ko sa waiter, hindi ko kasi gustong uminom ng soft drinks ang kambal ko kaya iced tea ang inorder ko para sa drinks namin.

"Kayo Lena at Megan anong gusto nyo?" tanong ko sa kanila.

"Kahit ano po ate" sagot ni Megan sa akin.

"Okay, hmmm isang order ng pancit caton, chicken lollipop, at itong shrimps nyo" sabi ko sa waiter at sinulat nya naman lahat iyon.

"That's all Ma'am?" tanong nya sa akin.

"Yeah and 3 letche flan na rin" sagot ko sa kanya at tumango sya sa akin then after that inulit nya yung order namin at nag excuse na sya sa amin at umalis na.

Hindi nag tagal dumating na rin ang order namin at nilapag na nya ito sa mesa namin. Nag thank you ako sa waiter pagkatapos nyang malapag lahat ng mga yun sa mesa.

"Enjoy your meal, Ma'am" sabi nya sa amin at umalis na sya.

"Let's pray and Sky please lead the prayer" sabi ko sa kanila, sumunod agad si Sky sa utos ko.

"Amen" sabay-sabay naming sabi at after that nag simula na kaming kumain.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon