CHAPTER 53

80.6K 950 14
                                    

Arianne's POV:

Makalipas ang isang buwan na pag-hihintay namin kay drake sa wakas uuwi na sya ngayon dito. Sa isang buwan na wala sya sa tabi namin, sobrang lungkot pero tinisiin ko kasi alam kong mahalaga ang pinunta nya doon.

Di na nga kami masyadong nag tatawagan o kahit text man lang, ewan ko ba kung bakit pero naintindihan ko naman kasi di biro yung nangyari sa company ng daddy nya pero sana okay lang sya at walang masamang nangyari sa kanya at sana na ayos na yung gulong nangyari sa company nla.

"Uy ar anong nangyari sayo? Natutula ka jan bigla, may problema ba?" tanong ni vheena sa akin, kumuha sya ng tubig sa ref.

"Ah wala may iniisip lang ako vheena" sagot ko sa kanya at tumango-tango sya sa akin.

"Si insan ba? Nako wag mo na syang isipin pa kasi palipad na yun dito at gosh I'm so excited sa trip natin soon" excited na sabi nya sa akin.

"Ako rin, isama mo si brandy para mas maging masaya ka nun" sabi ko sa kanya at sumimangot agad sya.

Pa minsan-minsan dumadalaw si brandy dito at alam naman yun ni drake kaya okay lang na bumibisita si brandy dito para kay vheena.

"Gusto ko nga pero si drake eh baka magalit yun tsk" sabi nya sa akin at nasilayan ko ang lungkot sa mukha nya.

"Don't worry ako na ang bahala sa kanya" sabi ko kay vheena at ngumiti sya abot tenga hahaha jk lang, pero ngumiti sya at masaya na ulit ang aura nya.

"Talaga? Salamat ar ang bait mo talaga" masayang sabi nya sa akin at niyakap nya ako. Nakakagaan ng feelings, parang kapatid na din ang turing ko kay vheena.

"Aysus! Ikaw pa, malakas ka kaya sa akin eh. By the way, nag text ba si drake sayo?" sabi ko sa kanya at umiling-iling sya.

"Bakit ar? Di ba sya nag text sayo?" seryosong tanong nya sa akin.

"Oo, text nga ako ng text sa kanya pero wala man lang reply kahit HA o ni HO man lang. Nag-alala na talaga ako baka kung ano na ang nangyari sa kanya, jusko wag naman sana." nag-alalang sagot ko sa kanya.

"Baka pagod sya o di kayay lowbat yung phone nya, don't worry nasa maayos na kalagayan yun at maya-maya nandito na yun" sabi nya naman sa akin.

"Hindi sya lowbat, tinawagan ko sya kanina at ring lang ng ring ito" malungkot na sabi ko sa kanya. Nag-alala lang talaga ako ng sobra, baka ano na ang nangyari sa hubby ko at miss na miss ko na talaga sya.

"Ganon ba? Wait kukunin ko ang phone ko sa salas, susubukan ko syang tawagan" sabi nya sa akin at tumango-tango nalang ako sa kanya.

"Sige, malapit na din akong matapos sa niluluto ko dito" sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

Tumalikod na sya palabas dito sa kusina namin at tumalikod na din ako para taposin ang mga ginagawa ko dito para sa pagbabalik ng hubby ko. Sana ayos lang sya, sana walang masamang nangyari sa kanya at sana ayos lang din kaming dalawa.

Miss na miss ko na sya at miss na miss na din sya ng mga anak namin. Ewan ko ba medyo kinakabahan ako, hindi ko mawari kung saan ako kinakabahan. Bahala na nga, tataposin ko nalang muna to para sa hubby ko.

-------

"Mommy" rinig kong sigaw ni sky at dali-dali akong pumasok sa kwarto nila.

"Yes baby? Anong nangyari? May masakit ba sayo?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Ate naman relax ka nga, natataranta ka na agad" singit ni megan sa amin.

"Bakit baby?" tanong ko ulit sa anak kong si sky.

"I don't want to wear this polo shirt po mommy, I want to wear this spongebob shirt po mommy" nakangusong sabi nya sa akin. Tss akala ko kung ano na ang nangyari, kinabahan tuloy ako sa batang iri.

"Okay baby, hubarin mo na yang polo mo para masuot mo na tong spongebob shirt mo" sabi ko sa kanya at dali-dali nya itong hinubad. Tinulungan ko na din syang maisuot yung spongebob shirt na gusto nyang suotin, hays nag bibinata na talaga ang kambal ko.

"Lena nasaan si matt?" tanong ko sa kanya, di ko kasi sya nakita dito sa loob ng kwarto nila.

"Nag cr po ate" sagot nya sa akin at tumango-tango nalang ako sa kanya.

"Ate what time makakauwi si kuya drake?" tanong ni megan sa akin, sasagutin ko na sana sya pero inunahan ako ni lena tsk.

"Bakit megan ha? Miss mo na si kuya drake no? Nako dzai wag ka nga, may gusto ka ata sa amo natin tsk masama yan, nakakasama yan sayo lagot ka kay ate arianne" singit ni lena.

"Gaga! Nag tatanong lang ako, may gusto na agad? Don't me lena" sabi naman ni megan kay lena.

"Ayan na naman kayo, sige na mag bihis na din kayo at mag bibihis na din ako" sita ko sa kanilang dalawa.

"Okay sge ate, mag paganda ka na dali" sabi ni megan sa akin.

"Oo nga ate, gooooo mag paganda ka na para sa hubby mo" segunda naman ni lena.

"Sige, kayo na ang bahala sa mga anak ko. Mag bibihis na din ako" sabi ko sa kanila.

"Okay ate, sige na lumabas ka na ate dali.an mo na ate" sabi ni megan sa akin. Palayasin ba naman ako tssk, hayaan na nga. Di ko na sya pinansin pa at lumabas na ako sa kwarto ng kambal ko.

Ang sabi ni vheena sa akin, nasa airport na daw si drake. Nagtataka tuloy ako kung bakit di man lang nag text sa akin si drake, sana wala lang tong kabang nararamdaman ko ngayon.

Pumasok na ako sa kwarto namin ni drake, maliligo muna ako "1 2 3 ligo" lang ang gagawin ko.

Excited na akong makita ang hubby ko, miss ko na talaga sya.

_________

Hi Guys!

Bitin ba? Sensya na. May kasunod pa po tong chapter na to ^_^

****

Don't Forget to;

VOTE

COMMENT

FOLLOW ME ^_^

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon