C22 - Announcement!

135K 2.1K 74
                                    

Jera's POV:

After 2 hours

Tapos na kaming mag usap ni vheena tungkol sa golden wedding event ng grandparents nya, bawat details na sinasabi nya sinusulat ko ito sa note pad ko. Sinabi nya na rin ang mga putahing lulutuin namin ng staffs ko, iba yung sa amin at iba din yung sa kanila para maraming pagpipilian ang mga guest nla.

"Oh di ko namalayan na lunch na pala" sabi nya sa akin.

"Oo nga eh, ang daldal mo kasi" sabi ko naman sa kanya, actually dapat kanina tapos na dapat kami kaso itong si vheena ang daldal sobra.

"Hahaha ayos lang, maganda naman ako eh" sabi nya sa akin at kumindat pa sya tsk.

"Oo nalang, wait tatawagan ko muna si arianne" sabi ko sa kanya at tumango lang sya sa akin.

Afterwards tapos na kaming nag telebabad ni arianne, sinabihan ko lang sya na may ipapakilala ako sa kanila at may announcement din kami kaya alam na ni arianne ang gagawin nya dun sa labas.

"Lets go, ipapakilala kita sa kanila" sabi ko sa kanya at tumango lang sya sa akin. Tumayo na sya kaya tumayo na rin ako, lumabas na kami sa office ko.  Nakita ko agad sila na nakatayo at hinihintay talaga nila ang paglabas namin, close muna tong resto para lang dito sa importanting announcement na ito.

"Guys this is Ms. Vheena Montegrande" pakilala ko sa kanila, bumati agad silang lahat kay vheena.

"Ms. Montegrande this is my manager slash best friend Ms. Arianne Ferrer" sabi ko naman kay vheena.

"Nice to meet you Ms. Ferrer" nakangiting sabi ni vheena.

"Pleasure to meet you Ms. Montegrande" sabi naman ni arianne at ngumiti din ito kay vheena.

"Anyways guys, this coming tuesday pupunta tayo sa tagaytay kasi may catering tayo dun. Golden wedding ang event na yun kaya pagbutihin nyo ang trabaho nyo, okay?" sabi ko sa kanila at sabay-sabay silang sumagot ng yes ma'am.

"Sinu-sino ang pupunta sa tagaytay ma'am mae?" tanong ni arianne sa akin, sasagot na sana ako pero inunahan ako ni vheena tsssk.

"Kayong lahat, walang maiiwan dito. Kahit ang bartender at ang waiter na naka assigns sa bar ay sasama, ang bartender dito at bartender ko sa resto ko ay silang dalawa ang bahala sa drinks na napili ni insan na gagawin nila dun at yung mga waiter naman ay sila ang mag seserve ng drinks sa mga guest dun" sabi nya sa kanilang lahat at tumango-tango naman yung bartender ko at yung sampong waiter ko.

22 kaming lahat, kasama na ako at si arianne.

"Excuse me Ms. Montegrande pero di po ako pwed'ng sumama kasi yung mga an---" di nya natuloy ang sasabihin nya kasi nag salita agad si vheena.

"I know, isasama mo sila at yung dalawang nanny ng kambal mo" nakangiting sabi ni vheena at nanlaki ang mga mata ni arianne.

"Pe---" aangal pa sana sya kaya lang nag salita ulit si vheena.

"No buts, end of discussion" seryosong sabi nya kaya no choice ang best friend ko, tumango-tango nalang sya hahahaha, no choice talaga si arianne kasi isa sya sa boss namin sa trabahong iyon.

"Anyways! free accommodations, fare and etc kayong lahat kaya wag kayong mag-alala masyado. Isa lang ang hihilingin ko sa inyo na sana maging maayos ang lahat at maging successful ang event na yun, makakaasa ba ako sa inyo?" tanong ni vheena sa kanila.

"Yes po ma'am" sabay nilang sagot kay vheena.

"Good! Dahil mababait kayo, after ng event no scratch that kinabukas may 1 day break kayo at magsasaya tayong lahat sa resort ko, inuman, kainan, bonfire and etc na gusto nyong gawin dun and take note libre lahat pero walang mag-aaway, kasi ayoko ng gulo" seryosong sabi nya sa kanila. Tango lang sila ng tango, pero kitang-kita ko sa mga mukha nla na masaya sila sa ideyang iyon.

"Thats all thank you" sabi nya ulit sa kanila. Nag pasalamat din ang mga staff ko kay vheena at nag excuse din sila sa amin bago sila umalis sa mga pwesto nila, lunch na kaya kakain na din sila ngayon.

"Ma'am mae ayos lang po ba na isasama ko sila? Nakakahiya naman po" tanong ni arianne sa akin pero hindi ako ang sumagot tskk.

"Nah, wag kang mahihiya at ayos lang. Sa resort ko naman tayo tutuloy eh kaya walang problema" sagot ni vheena kay arianne.

"Salamat po Ms. Montegrande" pasasalamat ni arianne sa kanya.

"Welcome but please call me vheena" sabi ni vheena sa kanya.

"Nako po, nakakahiya po Ms. Montegrande" nahihiyang anas ni arianne.

"Don't be or be my friend para di ka na mahiya sa akin" deretsong sabi nya kay arianne, beleb din ako sa babaing ito.

"Hu? Sigurado po ba kayo?" tanong ni arianne sa kanya.

"Yes, so friends?" tanong ni vheena at nilahad nya ang kanang kamay nya kay arianne.

"Friends" sagot agad ni arianne at inabot nya agad ang kamay ni vheena.

"From now on wag kanang mag po sa akin ha? Hahahaha ilang taon ka na ba?" tanong ni vheena kay arianne.

"Okay vheena, uhhhmm 25" sagot nya kay vheena.

"Oh I will call you ate arianne" sabi ni vheena kay arianne at tumango lang ang huli.

Langya out of place ang beauty ko. 😏 😏 😏

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon