C27 - GOLDEN WEDDING

127K 1.8K 19
                                    

Arianne's POV:

Malapit ng mag simula ang party, madami na din ang mga bisita ng mga Montegrande.

Si lena, megs, matt, sky at yung apat na security guard nandito rin. Pinaupo sila ni megan sa isang circle table, ewan ko bigla nalang sinabi ni vheena na dadalo sila dito. Naka polo shirt at jeans yung apat na security guards, naka dress naman sina lena at megan, naka polo shirt at jeans din ang kambal ko.

Busy kami ngayon ni mae, chinicheck namin ang mga pagkain at iba pang hawak na trabaho sa group namin mahirap na baka magkamali kami ngayon.

Parami na ng parami ang mga bisita nila, kaya ano mang oras mag sisimula na ang party nla.

After 5 minutes

Good Evening ladies and gentlemen, please let us welcome

Mr. and Mrs. Michelle Montegrande.

Rinig kong sabi nung emcee sa stage, may mini stage kasi silang nilagay. Tumingin din ako sa stage na yun at nakita ko sila na naglalakad pa punta sa emcee, grabi ang ganda nung babae kahit matanda na at ganon din yung matandang lalaki ang gwapo pa din.

Nagpalakpakan ang mga bisita at ganon din kami syempre. Maya-maya tumahimik naman kami at nag salita agad yung mag couple sa stage

Di ko namalayan na tapos na pala sila mag salita at ang narinig ko ay yung huli nilang sinabi.

Please enjoy your foods

After nun nag palakpakan ulit ang mga bisita at yun na ang hudyat para buksan na namin ang mga takip sa mga pagkain sa buffet tables.

Ang mga lalaking waiter naman ay nag simula na sa kanilang mga trabaho, nag bibigay sila ng mga inumin sa mga bisita at yung ibang waitresses naman ay nagbibigay din ng inumin sa mga babaing bisita--ladies drink. Yung iba naman ay nag seserve na ng pagkain sa lahat ng mesa, sobrang busy kami ngayon. Nakita ko din ang mesa ng kambal ko at may mga pagkain na din sila dun, soft drinks lang ang inumin nila lena, megan at ang kambal ko, yung apat na security guards naman ay hard drink naman ang sa kanila.

"Ayos lang ba ang lahat?" tanong sa akin ni mae, lagi syang nag tatanong sa amin ng ganyan.

"Oo wag kang mag-alala mae ayos na ayos" sagot ko sa kanya.

"Good, grabi ang bongga talaga dito" sabi nya sa akin.

"Oo nga, ang gaganda ng lahi nila grabi" sabi ko sa kanya, totoo naman eh. Si vheena pa lang grabi ang ganda na, ewan ko lang sa ibang apo ni Mr and Mrs. Montegrande.

"Oh sya mamaya na tayo mag-uusap, focus muna tayo sa trabaho natin dito" sabi nya sa akin.

"Oo sge, pupuntahan ko muna ang buffet table natin at kukumustahin ko sila dun" sabi ko sa kanya at tumango naman sya kaya umalis na ako para puntahan ang buffet table namin.

Dalawang malaking buffet table ang nandito sa garden ng mga montegrande, sa magkabilang gilid ito naka pwesto at ang chocolate fountain with desserts nasa isang table din puro desserts ang nandoon at nasa gitna nun ang chocolate fountain.

" | _ | " ganyan ang ayos ng dalawang buffet tables at ang isang table na may mga desserts.

"Jose" tawag ko sa isang waiter na papalapit sa amin.

"Yes ma'am?" sabi nya sa akin at huminto sya sa harapan ko.

"Pumunta ka muna sa kusina at pakisabi kay erika na kunti nalang ang mga kanin" utos ko sa kanya.

"Okay po ma'am, yun lang po ba ma'am?" tanong nya sa akin.

"Hmmmm. Oo yun lang sge na pumunta kana, salamat" sabi ko sa kanya at tumango naman sya sa akin.

Author pwede bang wag muna ako please lang? Sa iba ka naman mag POV kita mong busy ako ngayon.

[a/n;] fine, ohsya mag trabaho ka na tsk.

_______

Dahil mahal ko kayo "shaaaar" 😉😉

~ nakiwifi nalang ako sa kapitbahay namin hahaha shit nakakahiya :-))

******

Follow me :)

Votes and Comments!

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon