Sino sya?!

156K 2.3K 50
                                    

Smile before you start your day :)
________________________

Arianne's POV:

Maaga akong nagising, inayos ko muna ang sarili ko. Ginawa ko muna yung morning rituals ko bago ako lumabas ng kwarto ko at bumaba sa baba upang magluto para sa agahan namin.

Nagsaing na ako at kumuha ako ng limang hotdog sa ref, tatlong ham at limang bacon strips. Kumuha na din ako ng tatlong itlog at sinimulan ko ng lutoin ang mga ito. Hotdog and Bacon ang favorite ng kambal ko para sa agahan nla, yung tatlong ham para sa amin ni lena and meg favorite ko kasi ang ham eh.


Hindi nag tagal naluto na rin yung kanin namin at mga ulam namin, tumingin muna ako sa wall clock namin dito sa salas namin kung anong oras na.

Time Check: 5:00 AM

Umakyat na ako para puntahan sila Matt and Sky, maliligo pa ang mga yun at may pasok na rin sila ngayon kaya dapat maaga silang baba ngayon para kumain ng agahan nila at baka malate pa sila sa school nila.

Binuksan ko na yung pinto ng kwarto nila, 'di ko pinapalock yung kwarto nila at kina Lena rin para in case of emergency madali lang namin itong ma buksan. Nakita ko ang mga anak ko na mahimbing pang natutulog sa mga kama nila, una kong nilapitan si Matt.

"Hey baby ko, gising na baby" paggising ko sa anak ko pero umungol lang siya.

"Matt wake up may pasok pa kayo ni Sky" this time niyugyog ko na sya pero mahina lang baka kasi maalog ang brain nya eh and effective naman kasi minulat nya ang mga mata nya.

"Good morning mommy" bati nya agad sa akin at hinalikan nya ako sa pisngi ko.

Oh sweet ng baby ko :)

"Good morning too baby" balik bati ko sa kanya, hinalikan ko rin sya sa pisngi nya and after that ginising ko na si Sky at medyo natagalan ako sa paggising sa kanya tsk tulog mantika kasi tong bunso ko eh.

"Good morning my beautiful mom" bati nya sa akin at hinalikan nya ako sa pisngi ko, tsk bolero talaga tong Sky.

Baka sa ama nya nag mana.

"Good morning my handsome baby" bati ko rin sa kanya at hinalikan ko rin sya sa pisngi nya.

"Sige na tumayo na kayo at maligo na kayo" utos ko sa kanila.

"Okay po my" sabay na sabi nila sa akin.

"Good! Gigisingin ko muna sila ate Lena and ate Megs nyo para mabihisan kayo mamaya" sabi ko sa kanila at tumango naman sila sa akin. Marunong na silang maligo mag-isa kaya nga lang medyo matatagalan sila sa banyo nila kasi maglalaro pa ang mga yun esp si Sky pero ayos lang maaga pa naman eh.

Lumabas na ako sa kwarto nila at bumaba agad ako para gisingin yung dalawa sa baba.

Afterwards nakababa na ako at nasa harap na ako ng kwarto nila, binuksan ko agad yung pinto nila at pumasok. Kinapa ko ang switch ng kwarto nila at inon ko ito, madilim kasi ang kwarto nila at yun nakita ko silang dalawa, si Lena niyakap si Meg at ganon din si Meg kay Lena with matching tanday pa ito kay Lena. Lumapit na ako sa kanila at ginising ko na sila pero langya humihilik parin silang dalawa, ginising ko ulit pero wala paring effect tsssk.

"Gising! Gumising na kayong dalawa" sigaw ko sa kanila pero ayon tulog parin ang mga lola nyo.

"Megaaaaaaaan! Leeeeeenaaaaaa! Gisingggggg! Nasusunogggggg ang bahaaaaaaaaayyyy natinnnnnnnn!" sigaw ko no scratch that todong sigaw ko sa kanila, effective naman kasi tumayo agad sila sa kama nila.

"Sunog? Sunog? Asan ang sunog?" sabi ni Lena at dali-daling pumasok sa banyo nila, yes may banyo rin ang kwarto nilang dalawa at may banyo rin sa salas namin para sa mga bweseta este bisita namin.

"Oh my gosh Sir Drake sunogggggggg helppppp ussss" tarantang sigaw ni Megan, teka sinong Sir Drake? Magtatanong na sana akong ng biglang lumabas si Lena sa banyo at may dala-dalang balde.

"Nasaan ang sunog? Nasaan? Sabihin mo nasaan ang sunog ate" tanong nya sa akin. Pffffft para silang mga baliw

hahahahahaha 😂😂😂

"Tara patayin natin ang sunog, nasaaan ate? Teka! Baka kulang pa yan Lena" sabi naman ni Megan, papasok na sana siya sa banyo nila para siguro kumuha ng tubig pero natigilan sya dahil humalakhak na talaga ako, gezzz 'di ko mapigilan eh tsk nakakatawa kasi silang dalawa.

"Pfffft! Hahahaha para kayong mga baliw, walang sunog dito. Umayos nga kayong dalawa at Lena ibalik mo yan sa banyo para kang tanga eh" saway ko sa kanila hahaha laughtrip talaga.

"Ho? Walang sunog? Bakit sumigaw kayo? Ate naman" sunod-sunod na tanong ni Lena.

"Ang tagal nyong gumising eh mga tulog mantika kasi kayo tsk" sagot ko sa kanya.

"Haynako ate" sabi ni Lena at pumasok na sya sa banyo nila. Tsskk ONYOK? Ikaw ba yan? Hahaha djk lang.

"Ikaw naman Megan punasan mo nga yang laway mo" sabi ko sa kanya at dali-dali nya itong pinunasan gamit ang kamay nya.

"Sge na maligo na kayo at pagkatapos nyo puntahan nyo na ang kambal sa kwarto nila, sa salas nalang ako maghihintay sa inyo para sabay na tayong kumain ng agahan, maaga pa naman kaya hala larga kilos na" sabi ko kay Megan.

"Opo ate, sge po" sagot nya sa akin at lumabas na ako sa kwarto nila.

Hahahaha nakakatawa yung mga mukha nila kanina, tsk esp si Lena kumuha pa talaga ng tubig sa banyo nila hahahahaha.

________

Good Morning Readers 😄😄😄

☕️☕️☕️☕️☕️☕️☕️

*****

Anyways ang next UD ko ay continuation lang sa chapter na ito :)

Pero bukas na ulit ang next UD kasi inaantok na ako. Nagising lang kasi ako para mag cr eh pero di na ako nakatulog ulit kaya naka pag UD ako ngayon.

Enjoy Reading Guys :)
Sana napangiti ko kayo ngayon :D

*****

Votes

Comment

Follow me :)

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon