CHAPTER 9 - LUKSO NG DUGO

176K 3.2K 75
                                    

His POV:

Nandito ako sa mall na pagmamay-ari ko and yes you read it right. Ako ang may-ari nito at hindi sa mga magulang ko. Puyat at pawis ang puhunan ko sa pag tayo ng mall na ito, ang Montegrande Mall o MGM.

Wala naman akong gagawin dito, just roaming around. Walang ibang nakakakilala sa akin dito maliban sa general manager, manager, supervisor and etc na mga highest ang rank lang dito sa mall ko ang may alam kung sino ang may-ari rito and they saw me personally pero yung ibang tulad ng saleslady, cashier and etc ay hindi pa nila ako nakikita sa personal pero they all know my name.

Mahigit dalawang oras din ako naglilibot sa mall, tinitignan ko lang kung ano ang mga ginagawa ng mga employee ko rito. Hindi nag tagal biglang kumulo ang tyan ko, gutom na ako kaya kakain muna ako sa resto ng pinsan ko. May sarili syang resto rito sa mall ko, nagbabayad din sya ng renta sa akin pero half lang kasi pinsan ko sya, pinsan nya raw ako kaya dapat may benefits syang makukuha sa akin kahit konti kaya pumayag nalang ako.

Sa negosyo kasi walang pamilya o kaibigan. Negosyo ay negosyo.
Pero dahil mahal ko naman sya, pinagbigyan ko sya sa gusto nya na may makuha syang benefits sa akin.

Kinuha ko ang iphone ko at tinawagan ko ang pinsan kong babae, yung may-ari nung resto na sinasabi ko kanina.

Calling Insan...

["Hello?"] bungad nya agad sa akin.

"Where are you?" tanong ko sa kanya.

["My resto, saan pa ba? Duh!"] sagot nya sa akin.

"Ok I'll be there, gutom na ako" sabi ko sa kanya.

["Okay! Bsta ba mag bayad ka ha hahaha"] sabi nya sa akin.

"Tsk" sabi ko nalang at binabaan ko agad sya.

After that naglakad na ako papunta sa resto nya.

"Good Evening, Sir" bati sa akin nung receptionist at tumango lang ako sa kanya.

"For how many pax, Sir?" tanong nya sa akin at ngumiti sya yung ngiting nang-aakit.

"I'm looking for Crishalen V" sabi ko sa kanya.

"Ohh si Ma'am V nasa office nya po, Sir" sabi nya sa akin at nawala ang landing ngiti na yun sa mukha nya.

Dapat lang, baka mawalan sya ng trabaho.

Bawal na bawal kasi ang lumandi ng customer. Paniguradong magagalit si Crisha or worst tagal ka sa trabaho.

"K" sabi ko nalang sa kanya at nag lakad na ako papunta sa office ng pinsan ko.

Napahinto ako dahil may isang table na nakaagaw sa atensyon ko, may tatlong babae at dalawang batang lalaki na para bang kambal sila no scratch that kambal ng sila.

"Mommy I want shrimp po" rinig kong sabi nung isang kambal. Ewan ko lang kung sino sa tatlong babae ang mommy nito.

"Okay baby" sabi nung babae sa bata. So, sya pala ang ina nila.

Hindi ko makita ang mukha nya kasi nakatalikod sila sa akin, yung dalawang babae lang ang nakita ko ang mukha at ang iba hindi ko na nakita ang mga mukha nila.

"Here baby ko" sabi nung babae at nilagyan nya ng shrimp yung plato ng anak nya.

"Thank you po mommy" sabi nung bata at hinalikan nya yung mommy nya sa pisngi.

How sweet.

"Welcome baby" sagot nung ina nya.

"Mommy, I need to pee po"sabi nung isang bata sa ina nya.

"Oh okay baby, samahan na kita" sabi nung ina nila at tatayo na sana ito ng pigilan sya nung bata.

"No thanks but I'm good po. I can handle myself Mom and big boy na po ako kaya kaya ko na po" sabi nung bata sa ina nya at tumawa yung ina nya sa kanya.

"Okay baby" sabi nung ina nya at tumayo na yung bata.

Hindi ko nakita ang mukha nya kaya sinundan ko sya sa banyo, dahil sa curiosity at pumasok na rin ako pagkapasok nya sa banyo. Afterwards na tapos na sya at lumabas sya sa isang cubicle. Binasa ko nalang yung kamay ko then after that kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang mga kamay ko. Nakita ko syang nakatayo sa tabi ko, hindi ko parin makita ang mukha nya kasi nakayuko sya at parang nahihirapan sya sa zipper nya kaya lumapit na ako sa kanya.

"Need some help, young man?" bungad ko sa kanya.

"Uhhhmm yeah po" nahihiyang sagot nya sa akin at umangat sya para tignan ako.

Kaya nakita ko yung mukha nya and fvck hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, fvckng shit anong nangyayari sa akin!

Wait! Shit.

Anong nangyayari sa akin?

Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko!

"Then let me help you" sabi ko sa kanya at nilevel ko ang sarili ko sa kanya.

"Thank you po, Sir" pasasalamat nya sa akin.

Dubdub dubdub

Fvckng shit!

May sakit na ba ako sa puso?! Ano ba tong nararamdaman ko ngayon!

"You're welcome" sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

Tinitigan ko sya ng mabuti.

This kid looks like me when I was like his age. Esp his eyes and his nose kuhang-kuha sa akin nung kasing edad ko pa lang sya fvck. Posible ba ang ganito? Sabagay may iba nga na magkamukha pero hindi sila mag kadugo.

"What's your name?" biglang tanong ko sa kanya, ewan ko ba kung bakit naitanong ko yun sa kanya.

Curious ako sa batang ito.

"Matthew Skyler Ferrer po" sagot nya sa akin at nag bow sya sa akin.

"Nice to meet you Matt and how old are you?" sabi ko sa kanya at ngumiti ako. Fvck this is not me, hindi ako basta-bastang ngumingiti pero ngayon fvck ngumiti ako.

"8 years old po and nice to meet you too, Si----" hindi nya natapos ang sasabihin.

"You can call me Tito Seb" putol ko sa kanya.

"Okay po Tito Seb" sabi nya sa akin.

Fvck parang ang saya ko na ewan ngayon, what the hell is wrong with me!

"Here if you want anything, Matt" binigyan ko sya ng isang calling card ko, private number ko ang nagalagay dito at tinanggap nya naman ito, ewan ko ba kung bakit ko sya binigyan pero parang may tumutulak sa akin na gawin ko 'to.

"Drake Sebastian Montegrande" basa ni Matt sa card na binigay ko sa kanya.

"Yeah that's my name kiddo" sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin.

"You own this mall po?" seryosong tanong nya sa akin at tumango nalang ako sa kanya. Hindi ko man lang nakitaan sa facial expression nya ang salitang shock.

"Thank you po rito, Tito Seb" sabi nya sa akin, tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

Fvck hindi ko mapigilan yung labi ko na huwag ngumiti, ewan ko ba.

"So lets go? Baka hinahanap ka na ng mommy mo" sabi ko sa kanya at tumango sya sa akin.

Naglakad na ito palabas kaya sumunod nalang ako sa kanya, fvck same attitude kami nito ah. May sinabi sya sa akin pero hindi sya lumingon sa akin bago sya tumakbo papunta sa table nila.

"I'll text you po and bye po, Tito Seb"

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon