SPECIAL CHAPTER (Jera-Kyle & Megan-Max)

56.3K 595 10
                                    

Jera's POV:

"Sweetie tulog na si jarred" sabi ni kyle sa akin.

"Mabuti naman, ang nana nya tulog na din ba? Baka wattpad lang yun ng wattpad" tanong ko kay kyle.

"Hahahaha! Hayaan mo na sweetie, nag wawattpad lang naman yun pag tulog na si jarred" sabi ni kyle sa akin.

Lumapit sya sa akin at hinaplos-haplos nya ang tyan ko.

"Hi princess, malapit ka na namin masilayan" sabi ng hubby ko sa anak namin.

Yes! Buntis ako, manganganak na ako next month. Si jarred naman ang lalaking anak namin at ang panganay namin ni kyle.

"Oh God! Sweetie, gumalaw sya" masayang sabi ni kyle.

Tinitignan ko lang sya habang hinaplos-haplos nya ang tyan ko. Napapangiti nalang ako kasi di na sya na sanay tuwing gagalaw ang anak namin sa tyan ko.

"Uy wag kang oa kyle! Para kang bakla bigla-bigla nalang tutulo ang luha mo tsk" sita ko sa kanya.

Bigla kasi syang umiyak.

Bakla ata tong mahal ko, wag naman sanang manahin ni jarred ang kabaklaan ng ama nya.

"Lumabas kana princess, excited na kaming makita at mahawakan ka" sabi ni kyle sa anak namin.

Di nya talaga ako pinansin tsk.

KNOCK KNOCK KNOCK

"Tsk! Disturbo naman" inis na sabi ni kyle pero tumayo parin sya at binuksan nya ang pinto.

"Oh bakit manang?" rinig kong tanong ni kyle kay manang, ang mayordoma namin dito sa mansion. Tumayo na ako at naglakad ako papunta sa kanilang dalawa.

"May bisita kayo hijo" rinig kong sabi ni manang.

"Sino ho manang?" takang tanong ni kyle.

Wala kasi kaming expected visitor ngayon kaya nag taka ang hubby ko at gabi na din.

"Si ma'am megan at sir max hijo" sagot ni manang kay kyle.

Ano kayang kailangan ni buntis? Himala at bumisita sila dito na ganitong oras tsk.

"Sge manang, susunod kami. Ipaghanda mo sila ng snacks manang" singit ko sa kanila.

"Sge hija, pupuntahan ko muna sila" sabi nya sa akin at nag paalam agad sya sa amin ni kyle.

"Ano kayang pakay nila max?" tanong ni kyle sa akin.

"Aba malay ko, tara na nga puntahan natin sila baka may problema sila" sagot ko sa kanya.

Di na sya nag salita pa at inalalayan nya akong maglakad.

"Ano ba naman! Di naman ako lumpo para alalayan mo, buntis lang ako kyle buntis lang ako" inis na sabi ko sa kanya.

"Tsk! Ikaw na ang nag sabi na buntis ka kaya iingatan kita at ang prinsesa ko" sagot nya sa akin.

"Oo nalang" inis na sabi ko sa kanya.

Nakalabas na kami sa elevator at naglakad na kami papunta sa living room. Nakita namin si megan na malaki na din ang tyan nya, nilalantak nya ang pagkain na nasa mesa habang si max naman umiinom ng red horse stallion.

"Oh buntis, anong problema?" bungad ko agad na tanong sa kay megan.

"Wala naman buntis, gusto kong makita si baby jarred" sagot ni megan sa akin.

Akala ko may problema na, si jarred lang pala ang sadya nya dito. Gigil na gigil kasi sya kay jarred, pinaglilihian nya ang anak ko.

"Tulog na sya, 8pm na kaya. Grabi tong buntis na to, gabing-gabi na pumunta ka pa talaga dito. Tignan mo nga yang si max parang zombie, ano bang pinaggagawa mo sa kanya megan?" sagot at tanong ko sa kanya.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon