C31 - V-Beach Resort

136K 1.8K 37
                                    

Arianne's POV:

Matapos ang mga trabaho namin sa mansion kanina umalis agad kami dun at bumalik sa resort ni vheena.

Kakagising ko lang, naligo agad ako para puntahan ko ang kambal ko. 8am na ngayon, 3am na kami nakauwi galing sa mansion ng mga montegrande.

Knock knock knock

May kumakatok sa pinto ko kaya naglakad na ako pa punta sa pinto at binuksan ko agad ito, sina matt lang pala so ready na sla.

"Mommy are you done?" tanong ni matt sa akin.

"Yes baby, lets go?" tanong ko sa kanya at tumango naman sya sa akin. Naglakad na kami papunta sa elevator para baba at kakain sa restaurant nila dito.

After 5 minutes

Nakapasok na kami sa restaurant nla vheena at nakita namin ang iba sa amin na nandito na sa loob.

"Good Morning Babies" bungad agad ni mae sa amin, sinalubong nya ang kambal ko.

"Morning mommy ninang" sabay nilang bati kay mae.

"Tara kain na kayo" aya nya sa amin at umupo na kami sa isang mesa na inupuan kanina ni mae.

"Si vheena nasan?" tanong ko sa kanya.

"Nag c.r lang babalik agad yun" sagot nya sa akin.

"Lena at megs kuha na kayo ng pagkain nyo, kunan nyo na rin ang kambal" utos ni mae sa kanila at tumango naman ang dalawa.

"Ikaw kuha ka na rin dun arianne" sabi nya sa akin.

"Mamaya na" sabi ko sa kanya.

"Ok, nga pala ano ba talaga ang nangyari kagabi? Ang sabi ni jose nakita ka nyang sinundo nung katulong nila doña michelle" tanong nya sa akin, kwenento ko naman sa kanya.

"Sino naman yang amanda na yan? Aba! Kung nasampal nya si sky makikita nya ang hinahanap nya!" asar na sabi ni mae.

"Anak ni anaconda jera! Nakakaasar ang pagmumukha nya ang sarap tapunan ng mga shuriken" biglang singit ni vheena sa amin at natawa kami ni mae sa sinabi nya hahahaha pucha.

"Hahahahahaha sayang di ko napanood kasi nandoon ang angkan mo vheena hahahaha" tawang-tawa nyang sabi kay vheena.

"Tsk ang sarap talaga nyang patayin may pa ganito pa sya ARE YOU BLIND OR WHAT? Tskk sarap nyang iumpog sa mesa nung mga oras na yun" inis na sabi ni vheena hahaha, hanggang ngayon naiinis talaga sya dun sa babae.

"Chill ma'am vheen, here mango shake para lumamig ang nag-iinit mong ulo" singit ni brandy sa amin at binigay nya ito kay vheena with kindat pa tskk, kalandian ng lalaking ito.

"Thank you handsome" vheena giggled, like what the f? Anong meron sa kanila?? Katabi ni vheena si brandy, sila na ba?? Matanong ko nga mamaya.

"Stop that guys, pwede ba ang aga-aga pa, ang lalandi nyo na" sabi ni mae sa kanila, tumawa lang si brandy at si vheena.

"Ang aga-aga pero ang bitter mo na" sabi naman ni vheena kay mae.

"Tsk ewan ko sainyo, excuse me kukuha lang ako ng pagkain" sabi ko sa kanila at tumango naman silang tatlo sa akin, tsk di ko tuloy namalayan na nandito na sila lena at megan.

After 10 minutes

Nakabalik na ako sa mesa namin, nagsimula na kaming kumain at nag kwentuhan din kami.

"Nga pala anong gagawin natin ngayon?" tanong ni mae sa amin.

"Boys hunting" sabay na sagot ni megan at lena tsk.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon