Cont: C17

153K 2.4K 34
                                    

Hindi nag tagal nandito na kami ngayon sa hapagkainan, nakaligo na rin ako at bihis na bihis na rin ang mga anak ko.

"Wow hotdog and bacon" masayang sabi ni Sky.

"You like it baby?" tanong ko sa kanya.

"Yes po my, always po" sagot nya sa akin, tinignan ko naman si Matt at tinanong ko rin sya.

"How about you baby?" tanong ko sa kanya.

"I like it too my, thank you po" sagot nya sa akin.

"Welcome baby, love ko kasi kayo kaya ayan yung favorites nyo" sabi ko sa kanila.

"Let's pray first po" sabi ni Sky, halatang excited na syang kainin yung hotdog and bacon nya.

"Okay, you lead the prayer" utos ko sa kanya at sumunod naman sya sa akin, good boy kasi 'tong mga anak ko eh.

"Amen" sabay naming sabi at nag simula na kaming kumain.

"Nga pala, Megan? " tawag ko sa kanya.

"Bakit po ate?" tanong nya sa akin.

"Sino si Sir Drake?" balik tanong ko sa kanya, sasagot na sana sya ng biglang sumingit si Sky.

"Si Tito Seb po?" tanong nya sa akin. Tito Seb? Sino naman yun?

"Sino naman si Tito Seb, Sky?" seryosong tanong ko sa kanya, pag di ko sila tinatawag na baby isa lang ang ibig sabihin nun it's either seryoso ako or galit na ako.

"Si Tito Seb po ay friend namin ni Kuya Matt po" sagot nya sa akin.

"Saan nyo sya nakilala?" tanong ko sa kanya.

"Friend po sya ni Kuya Matt po at sa MGM ko po sya nakilala mommy dahil na rin kay Kuya Matt po" mahabang sagot nya sa akin.

"Ok, so Matt saan mo nakilala yung Tito Seb nyo?" seryosong tanong ko sa anak ko. Baka mamaya nyan masamang tao tong si Seb and Drake at mapahamak pa 'tong mga anak ko, baka ma rape pa tong dalawang dalaga ko jusko 'wag naman po sana.

"Sa MGM po, sa resto po na kinainan natin nung isang araw po" sagot naman ni Matt sa akin.

"Oh okay. Pero mga anak baka masamang tao yan at baka mapahamak kayo sa kanya" nag-alalang paalala ko sa kanila.

"Don't worry my mabait po si Tito Seb po" sabi ni Sky.

"Opo my, mabait po sya at sobrang gwapo po kagaya po namin ni Sky pogi po" segunda naman ni Matt.

"Okay pero please careful kayo ha? Huwag kayong sasama sa kanya na wala sina Ate Lena at Ate Meg nyo. Okay?" sabi ko sa kanila.

"Opo my" sabay na sagot nila sa akin at tumango ako sa kanila, kumain na sila ulit.

"You megan, sino naman si Sir Drake? Boyfriend mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi po ate ha, langit sya at lupa lang ako" sagot nya sa akin.

"Tsk drama mo! So sino nga sya?" tanong ko ulit sa kanya, kulit din ng lahi nito tsk.

"Ah si Sir Drake po yung may-ari ng MGM ate" sagot nya sa akin. What?! Kilala nya ang may-ari ng mall na iyon? Big time ang na bingwit nya hah, mahilig kasi sa lalaki tong si Megan eh laging nag boboys hunting.

"Big time ang na bingwit mo ngayon Megan hah" biro ko sa kanya.

"Ay Ate naman ano kala mo kay Sir Drake? ISDA?" sabi nya sa akin sabay tawa,  lokaloka talaga tong isang to.

"So paano mo nga sya nakilala?" seryosong tanong ko sa kanya, kahit mayaman pa yun hindi dapat ako pakampante baka masamang tao rin to.

"Dahil din po kay Matt eh" sagot nya sa akin.

"Dahil kay Matt?" takang tanong ko sa kanya.

"Opo ate" sagot nya sa akin.

"Matt? Saan mo rin nakilala tong si Sir Drake kuno?" tanong ko sa anak ko.

"My,  si Sir Drake at Tito Seb po ay iisa lang po sila" sagot nya sa akin. Langya 'tong si Megan, paligoy-ligoy pa ang mga sagot nya sa mga tanong ko.

"Ah okay, basta mag-iingat kayo huwag kayong basta-bastang sasama sa kanya kahit sya pa ang may-ari ng mall na 'yon, naintindihan nyo ba ako?" seryosong sabi ko sa kanila.

"Opo my" sabay na sagot nla sa akin.

"Kayo naman Lena at Megan, bantayan nyong mabuti 'tong mga alaga nyo ha. Pag may masamang mangyari sa kanila malilintikan kayong dalawa sa akin, sinasabi ko sa inyo" sabi ko sa kanila.

"Don't cha worry po kami ang bahala sa alaga namin" sabi ni Lena.

"Okay! Good!  Nililinaw ko lang" sabi ko sa kanila.

"Yes po, Commander" biro naman ni Megan sa akin.

"Sige na bilisan nyo na baka malate pa tayo ngayon" sabi ko sa kanila. Ihahatid ko pa kasi sila sa school nila Matt at Sky, kasama rin nila sina Lena at Megan.

"I'm done na po, mommy" sabi ni Sky.

"Me too" sabi naman ni Matt.

"Me three" sabi ni Lena.

"Me four" sabi naman ni Megan.

Pucha! Ginagao ako ng dalawang 'to.  Hinayaan ko nalang sila sa mga kalokohan nila.

"Okay, so lets go" sabi ko sa kanila.

Work for the future :)

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon