C43 - YES ❤️

119K 1.8K 71
                                    

Arianne's POV:

Pumasok kami sa isang resort, ewan ko lang kung anong pangalan ng resort na ito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, sa tingin ko bagong gawa lang ito. Ang ganda, simple pero elegante at nakaka-relax ang atmosphere dito.

"Janice ikaw na ang bahala sa kanila" utos nung lalaki sa janice daw.

"Yes sir, this way ma'am" sabi naman nung janice daw. Sumunod nalang kami sa kanya, dinala nya kami sa labas ng malaking convention room nila dito sa resort.

"Miss teka matanong ko lang, ano bang meron? Bakit nyo kami dinala dito??" tanong ni megan kay janice.

"Inutusan lang po kami na dalhin kayo dito, by hook or by crook po ma'am" sagot ni janice kay megan.

"Sinong walang hiya ang nag utos sa inyo na dalhin kami dito ha?!" galit na tanong ni lena kay janice.

"Malalaman nyo lang pag papasok kayo sa pintong iyan" kalmadong sabi ni janice at tinuro nya ang pinto.

"Ayaw namin baka bitayin kami jan no tsk" angal naman ni megan.

"Wag po kayong mag-alala di po kayo sasaktan ni sir, excuse me" sabi ni janice sa amin at iniwan nya kami. Sir?? So lalaki ang may pakulo nito at sino naman sya?? Wala naman akong naaalala na may nakaaway ako o kung ano man yan----tekaaaa nga baka sila megan at lena may nakaaway sila kaya ginagantihan sila at kasama kami.

"Kayo lena at megan baka kaaway nyo ang nagpadakip sa atin dito" akusa ko sa kanila at umiling-iling agad silang dalawa.

"Wala po akong nakaaway ate kahit babae wala po, as in wala talaga" sabi ni megan.

"Ako rin po ate, good girl kaya ako peksman mamatay man si raven" segunda naman ni lena tsk at sinali pa talaga si raven, si raven na walang malay.

"Talaga lang ha? Eh sino yung sir na sinasabi ni janice?" tanong ko sa kanila.

"Ewan ko ate" sabay na sabi nila sa akin.

"Lets find out who is he mommy" singit naman ni matt sa amin.

"Kuya naman baka may masamang mangyayari sa atin sa loob pagpapasok tayo dyan" angal ni sky sa kapatid nya.

"Don't worry sky, kuya is here poprotectahan kita sa kanila---kayo ni mommy" sabi naman ni matt.

"Talaga kuya?" nakangiting tanong ni sky sa kuya nya at tumango naman ang huli.

"Wow ang sweet naman, pero how about us baby matt?" sabi ni megan.

"Yeah how about us baby?" segunda naman ni lena.

"Si kuya ang bahala sa atin" sabi ni sky.

"At tayo ang kawawa" biro naman ni megan at nag smirk lang si matt sa kanya.

"Tara na pasok na tayo" sabi ko sa kanila para matapos na ang lahat ng ito tsk.

Binuksan na ni matt ang pinto, yeah si matt ang nag bukas ng pinto.

"Wow ate ang ganda, anong meron dito?" manghang sabi ni megan. Ang daming decorations may balloons, may mga maliit na candila na naka heart ang pag-kakaayos.

"Oo nga ang ganda pero aba malay namin kung anong meron dito" segunda naman ni lena.

Pumasok na kami sa loob at nasa gitna na kami pero di kami pumasok doon sa malaking heart ng biglang lumabas ang mukha ni drake---video nya iyon at doon ko nakita ang projector.

"Ay ang gwapo talaga ni sir drake pero bakit ayos na ayos lang ang mukha nya akala ko ba na----" di natapos ni lena ang sasabihin kasi nag play agad yung video.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon