WHAT IF

153K 2.6K 41
                                    

Drake's POV:

Pagkalabas ko sa office ni Crisha naglakad na ako pabalik sa mesa namin kung saan iniwan ko sila Matt at mga kasama nya.

"Tito Seb, we're done na po" sabi ni Matt sa akin.

"Good, so busog na ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Opo Sir Drake, salamat po" sagot ni Lena sa akin.

"Opo Sir, nako salamat po talaga Sir Drake" sagot naman ni megan.

"Yes po, Tito Seb" sabi ni naman ni Sky.

"And thank you po talaga, Tito Seb" pagtuloy ni Matt sa sinabi ni Sky sa akin, minsan sabay sila at minsan naman ganito sila so damn cute right? Bakit parang nababakla nako?

Hindi parin mawala sa aking isipan ang mga sinabi ni insan kanina sa akin, pano kung tama ang hinala nya? Pero impossible naman mangyari iyon kasi may dala o gamit akong condom sa t'wing may ikakama ako. Pero what if ak----

"Tito Seb? Tara na po, uuwi na po kami" sabi ni Matt sa akin, tsk naputol tuloy ako sa kaka-what-if ko.

"Oh sge tara, baka mag-alala na yung mommy nyo sa inyo" sabi ko sa kanya at tumayo na rin sila.

Lumabas na kami sa resto ni Crisha. Na gulong gulo ang isipan ko, oh fvck ginugulo lang nila ang isipan ko, nga pala may sundo kaya sila? Matanong ko nga baka pwede ko silang maihatid sa kanila at para malaman ko kung saan sila nakatira.

"May sundo ba kayo, Megan?" tanong ko kay Megan.

"Wala po Sir Drake, mag tataxi lang po kami Sir" sagot ni Megan sa akin.

"Is that so? Hatid ko na kayo" sabi ko sa kanila pero umiling-iling lang sina Lena at Megan.

"Why?" takang tanong ko sa kanila, bawal kaya?

"Nako Sir, ayos lang po kami. Nakakaabala na po kami saiyo Sir, salamat nalang po Sir" sagot ni Lena sa tanong ko.

"Its okay, mas safety kung sa akin kayo sasakay pagabi na rin oh" sabi ko sa kanila.

"Nako Sir nakakahiya na po talaga" nahihiyang sabi ni Megan.

"I insist, so lets go" ma awtoridad na sabi ko sa kanila at sumunod naman sila sa akin, good girls.

"Tito Seb?" tawag ni sky sa akin.

"Yes Sky, may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Wala po, may kotse po ikaw, Tito Seb?" tanong nya sa akin.

"Yes, BMW" sagot ko sa kanya.

"Woooow!" sabay na sabi nila no scratch that sabay na sigaw nila sa akin, so mahilig din pala sila sa kotse gaya ko.

Hindi kaya?

Tama ang hinala ko?

Pero damn, imposible.

"Gusto nyong sumakay?" tanong ko sa kanila.

"Yes po, Tito Seb" excited na sagot ni Sky sa akin at tumalon-talon pa sya.

"Tsk, low your voice Sky" sita ni Matt sa kanya.

"Sorry po, Kuya" hinging paumanhin ni Sky sa kuya nya.

"How about you, Matt?" tanong ko sa kanya.

"Gusto ko rin po, Tito Seb" sagot nya sa akin.

"Are you okay, Matt?" tanong ko sa kanya parang may mali kasi sa kanya.

"I'm fine po Tito Seb, I'm so tired na po tito seb" sagot nya sa akin. Oh kaya pala nawala yung energy nya, hindi gaya kanina .

"Okay lets go home, hatid ko na kayo" sabi ko sa kanila, nag lakad na kami papunta sa parking lot.

After 1 hour

Nakarating na kami sa apartment nla, katabi ko si Matt at si Sky naman nasa back seat with Lena and Megan. Nag drive thru rin kami, order namin ay 4 fries, 4 cokefloat and 4 burger kasi gusto ni Sky kumain ulit.

Takaw na bata.

Hindi nag tagal nakarating na kami sa apartment nila.

Bumaba na sila Lena at Megan karga naman ni Lena si Sky, knockout na si Sky kasi medyo malayo rin tong apartment nila sa MGM.

"Sir salamat po talaga, ingat po kayo pa uwi" sabi ni Megan.

"No probs, sige pasok na kayo gabi na" sabi ko sa kanya, pumasok naman agad sila pero si Matt nandito parin sa loob ng kotse ko.

"Thank you po ng marami, Tito Seb" sabi nya sa akin.

"Welcome Matt" sabi ko sa kanya.

"Pasok po muna kayo, Tito Seb. Papakilala kita kay Mommy ko" aya nya sa akin.

"Next time nalang ha? Malayo pa kasi ang uuwian ni Tito Seb mo Matt eh" sabi ko sa kanya at tumango sya sa akin.

"Good night po Tito Seb, ingat po ikaw" sabi nya sa akin at biglang hinalikan nya ako sa pisngi ko.

God, bakit ang gaan sa pakiramdam?

"Good night" sabi ko sa kanya, fvck na shock ako sa ginawa nya pero ewan parang kinilig ako, fvck so damn gay.

"Drive safely po, Tito Seb" paalala nya sa akin at pumasok na sya sa loob ng bahay nla.

Ang saya ko sobra.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Kung panaginip lang 'to, sana hindi na ako magising pa.

___________

Good Eves Guys.

Sensya na medyo late akong nag UD dapat kanina ko pa to na publish eh pero wala eh nag luto pa kasi akong ng ulam namin.

Adobong Manok :)
Gusto nyo ba?

Tara kain tayo 😂😂😂

***

Votes

Comments

Follow me :)

*****

Comment lang po kayo kung na gustuhan nyo po itong MBT or ano 😂

Second story ko po to, yung unang story ko ayon binura ko nalang. Hindi kaya ng powers ko na daladalawa eh kaya yun hmmmmp yung COMPLICATED LOVE yung binura ko kasi parang mas gusto nyo ang MBT eh.

********

ENJOY READING GUYS! :D

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon