CHAPTER 68 - ROAD TO FOREVER

75.2K 1K 25
                                    

Arianne's POV:

Nasa salas lang ako ngayon, movie marathon lang with me, myself and I. Wala kasi ang mag-ama ko at wala din sila megan. Nakakatamad kasing gumala ngayon eh, kaya ito muna ang trip ko ngayon.

Currently watching: Suicide Squad

Mga tatlong movie lang muna sa ngayon, next kong titignan ang HOW TO BE YOURS PO then ang panghuli ay ang BFG.

Grabi ang cool lang ng movie nato, esp si joker.

After 1 hour

Natapos na din ang Suicide Squad kaya dali-dali kong pinalitan ito.

Nasa kalagitnaan na ako ng HOW TO BE YOURS PO-----may biglang nag busena at yung sasakyan nila matt yun.

Nakauwi na sila? Maaga pa ah, kinabahan ako bigla baka kasi may masamang nangyari kaya umuwi sila ng maaga.

Kinuha ko ang remote at pinindot ko yung pause button. Dali-dali akong tumayo at lumabas agad ako sa mansion. Nakita kong nag park si mang esko sa harapan ng mansion, pagkahinto nya sa sasakyan dali-dali syang bumaba at tumakbo pa punta sa akin.

"Oh mang esko? Bakit ang aga nyo?" takang tanong ko sa kanya, sumilip ako sa likod nya kasi nagtataka ako kung bakit di pa bumababa ang mga anak ko.

Nasaan sila? Bakit mag isa lang si mang esko?

"Ah ano kasi ma'am, ano po----" tarantang sabi ni mang esko.

"Ano mang esko? May nangyari ba? Nasaan ang kambal? Sila lena at megan? Anong nangyari?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Ma'am sumama nalang po kayo sa akin ngayon" sabi ni mang esko sa akin.

"Bakit? Saan naman? Answer my questions mang esko" takang tanong ko sa kanya.

"Please ma'am, sumama na po kayo bago ma huli ang lahat" sabi ni mang esko na mas nagpakaba ng husto sa nararamdaman ko ngayon.

Shocks! Anong nangyayari?

Buti nalang talaga tapos na akong maligo jusko kung di pa ako naligo kanina, ewan ko nalang talaga.

"Tara mang esko" sabi ko sa kanya at tumakbo na ako pa punta sa kotse.

Pinag-buksan nya ako ng pinto sa katabi ng driver seat, pumasok at umupo na agad ako. After kong mag pasalamat sa kanya, dali-dali na syang pumunta sa driver seat.

After 30 minutes

"Anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Malalaman mo rin ma'am" sagot nya sa akin.

Bumaba na sya at pinagbuksan nya ako ng pinto, lumabas na ako.

"Bakit tayo nan------" di ko natapos ang itatanong ko sana kay mang esko kasi bigla nyang tinakpan ang ilong at bibig ko gamit nung panyong hawak nya.

Bakit ganito ang amoy?

Anong ginagawa nya?

Damn!

Gusto kong sumigaw pero parang hinahatak ako, parang inaantok ako.

Oh God, anong gagawin nya sa akin?

"Sorry po ma'am" rinig kong sabi nya then after that nag-dilim na ang paningin ko.

____________________

Nagising na ako, pero ang dilim parin.  Bakit parang umaandar tong upuan ko, shocks ang tanga mo arianne malamang sinakay ka na naman nya sa kotse arianne.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon