Carbon Copy

163K 2.8K 39
                                    

Drake's POV:

Nakapasok na kami sa resto ni insan, sinalubong agad kami nung receptionist.

"Good Afternoon sir/ma'am" bati nya sa akin.

"Table for five" sabi ko agad sa kanya.

"This way, please follow me sir" sabi nya sa amin kaya sumunod kami sa kanya.

Binigyan na nya kami ng table at pinaupo ko muna yung kambal bago ako umupo sa pwesto ko. May lumapit agad na isang waiter sa amin, ito ang gusto ko dito maganda magtrabaho ang mga crew ni insan.

"Good Afternoon sir/ma'am" bati nya sa amin, tumango lang yung dalawang babae at ngumiti. Hindi ko pa alam ang pangalan nla, tatanungin ko nalang sila after namin mag order.

"Can I take your order sir?" tanong nya sa akin at tumango lang ako kaya binigyan nya kaming lima ng limang menu nla.

"Girls pili na kayo ng gusto nyo" sabi ko nalang sa kanila.

"Huwag na po yung kambal nalang po sir, salamat po" nahihiyang sabi nung isa sa kanila sa akin.

"Kakain tayong lahat and that's final" sabi ko sa kanya at tumango-tango silang dalawa. Nag order na rin silang dalawa, ganon din yung kambal at syempre ako rin gutom na rin kasi ako hindi pa ako kumain ng lunch kanina.

Nakalimutan ko sa sobrang excitement na naramdaman ko kanina.

Inulit nung waiter ang mga order namin then after that umalis na sya kaya pwede na akong magtanong-tanong sa kanila.

"What's your name?" tanong ko sa unang nag salita sa kanila kanina.

"I'm Megan po sir" sabi nya sa akin.

"Lena po sir" sabi naman nung isa.

"Oh okay, call me Sir Drake" sabi ko sa kanila, tumango at ngumiti lang sila sa akin.

Nag kukwentuhan lang kaming lima dito, yes kasama na sila Lena at Megan sa usapan namin. Tawa sila nang tawa, joker din kasi tong si Sky eh. Minsan nga sumasabay ako sa tawanan nila, ang saya nilang kasama parang gusto ko na tuloy magkaroon ng mga anak, magkaroon ng sarili kong pamilya.

Marami na rin akong alam sa kanila, matagal na rin pala sila Lena at Megan na nagtatrabaho bilang nanny nila Matt at Sky. Kitang-kita ko rin sa kanila na mahal nila ang mga alaga nila na para bang kapatid nila ito.

Hindi nag tagal bumalik na yung waiter at dala-dala nya yung mga order namin.

"Excuse me sir" sabi nung waiter at nilapag na nya yung mga pagkain sa mesa namin. Marami kaming order, halatang gutom nga kaming lima ngayon especially ako, gutom na ang mga alaga ko sa tyan ko.

"Thanks" sabi ko sa waiter ng matapos nyang mailagay yung mga pagkain namin sa mesa.

"So lets eat" sabi ko at kakain na sana ako ng biglang mag salita si matt.

"Let's pray po muna Tito Seb" sabi nya sa akin at pucha nahiya ako sa inasal ko.

"Ah oo sige" nahihiyang pagsang-ayon ko sa kanya.

Nakakahiya ka talaga Drake.

"Amen" sabay naming sabi.

Nagsimula na kaming kumain at nag kwentuhan kami habang kumakain.

"Hey Seb?" tawag ni Crisha sa akin, alam ko na sya ang tumawag sa akin. Sa boses nya pa lang at yung tawag nya sa akin, konti lang ang tumatawag sa akin sa pangalang seb kaya lumingon agad ako sa kanya.

"Oh tama nga ako na ikaw ang nakita ko" sabi nya sa akin at tumingin sya sa mga kasama ko.

"So who are they?" tanong nya sa akin, di nya pa nakita ang mukha ng kambal.

"This is Lena and Megan" pakilala ko sa kaniya.

"Oh, Hi girls I'm Crisha" pakilala nya kina Lena at Megan.

Sariling sikap.

"Hello po, Ma'am" sabay na bati nila kay crisha.

"Oh, drop that Ma'am thingy girls. Crisha nalang" sabi ni insan sabay ngiti.

"Okay po, Crisha" sabay ulit nlang sabi kay insan.

"Good! And this two handsome boys here?" tanong nya sa akin. Lumingon agad yung dalawang bata sa kanya at nakita kong shock na shock yung mukha nya.

"I'm Matthew Skyler Ferrer po" pakilala ni Matt sa kanya.

"And Nathan Skyler ferrer po, 8 years old na po kami ni Kuya Matt po" pakilala naman ni Sky sa kanya.

"Oh, uhhhm I'm Tita Crisha kids" utal na utal n'yang pakilala sa kambal.

"Nice to meet you po, Tita Crisha" sabay na sabi nila kay crisha at ngumiti lang ito sa kanya.

"She's my cousin" sabi ko nalang sa kanila at tumango lang yung kambal, binalik na agad nila ang atensyon nila sa mga pagkain nila.

"Seb, lets talk privately" sabi ni Crisha sa akin at tumango ako sa kanya.

"Excuse us" sabi ko sa kanila at tumango lang sina Lena at Megan yung kambal busy sa pagkain nila. Sumunod ako kay Crisha, naglakad na kasi sya papunta sa office nya at narinig ko yung bulong nya.

Shit! Carbon Copy talaga.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon