C42 - OHHH MYYY!

121K 1.5K 61
                                    

Arianne's POV:

"Bakit ang dilim ate? Baka may multo dito ate?" takot na takot na tanong sa akin ni megan. Mahina lang ang boses nya.

"Ssshhhh. Wag kayong matakot" sabi ko naman sa kanila. Marami naman kami at anjan si mang rudy.

"Mang rudy? Nasaan si sir drake?" tanong ni lena, pero walang sumagot kay lena.

"Mang rudy nasaan ka?" tanong ko sa kanya. Pero wala paring sumagot sa akin, nasaan kaya si mang rudy?? O.o

"Mom and ate lena don't waste your time. Tay rudy's left us already" sabi naman ni sky sa amin---teka?? Umalis?? Bakit wala akong narinig na yabag or maybe because occupied lang talaga ang isipan ko ngayon.

"Lagot na ate iniwan na tayo ni mang rudy, baka may zombie dito ate o di kaya ay multo" takot na sabi ni megan at humawak pa talaga sa laylayan ng t.shirt ko, geeezzz parang bata.

"Ate megan ang tanda-tanda mo na takot ka parin sa multo?? Wala pong zombie at multo dito kaya wag kang matakot" sabi naman ni matt. Buti pa tong pogi kong anak, di takot sa multo.

"Sabi mo yan baby matt ha?" ramdam ko talaga ang takot ni megan.

"Yes po" siguradong sagot ni matt kay megan. Tumahimik naman ang huli, alam kong tumango-tango nalang sya sa sinabi ni matt, di ko sila makita kasi ang dilim tologo.

"Drakeeeeeee??? Nasaaaaaan kaaaaaa???" sigaw ko at bigla nalang lumiwanag ang paligid namin.

"Ay bongga ate" usal ni lena.

"Buti naman maliwanag na dito" nakahingang sabi ni megan.

Tumingin ako sa paligid, bakit walang tao dito?? Pinagloloko lang ba kami nung batang nag bigay ng papel na hawak-hawak ko ngayon?? Tangina bakit ko ba kasi naisipan na sundin ito -.-

"Mommy check this out po!" sigaw ni sky, pinuntahan ko agad sya.

"What is it baby?" tanong ko sa kanya ng makalapit na ako sa kanya, may kinuha sya sa pader at inabot nya ito sa akin.

"GO UPSTAIRS, don't be afraid" basa ko sa papel na binigay ni sky sa akin.

"Whaaaattt?? Ate balik na tayo kay mang rudy" angal ni megan.

"Oo nga ate, wala ngang multo o zombie dito pero baka naman MAMAMATAY tao ang nandito at papatayin nila tayong lahat ate, jusko day di ko pa nakikita at nakikilala ang Mr. Forever ko kaya lumabas na tayo ate" mahabang sabi ni lena sa akin.

"Wag kang paranoid lena" sita ko sa kanya.

"Totoo naman ate eh baka killer ang nasa taas, ayoko pa pong mamatay ate" sabi nya pa sa akin.

"Susubukan natin, walang mawawala. Hawakan nyong mabuti si sky at matt" utos ko sa kanila at sumunod naman sila sa akin. Curious ako eh kung anong meron sa taas.

"Pero wait muna ate" sabi ni megan, di pa ako nakapag-salita sa kanya kasi bigla nalang syang tumakbo palabas dito sa building na ito.

"Anong ginagawa nya lena?" tanong ko sa kanya.

"Ewan ko ate" sagot nya sa akin.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon