CHAPTER 7 - HER

176K 2.9K 77
                                    

Ilang taon rin ang lumipas, sa mga taong nag daan sobrang nahihirapan akong alagaan ang dalawang anak ko pero hindi parin ako pinapabayaan ni God dahil binigay nya sa akin si Jera. Inaalagan at tinutulungan nya kami ng mga anak ko.

Hirap mag alaga ng sanggol kaya hindi biro ang maging single mom kaya saludo ako sa mga single mom o single dad at malaki ang respeto ko sa kanila.

Ilang taon ang nag daan pero hanggang ngayon hindi ko na ulit na kita ang ama ng mga anak ko.

Malalaki na ang mga anak ko, kambal sila. Graduate na rin ako sa wakas. Kahit sobrang hirap ng sitwasyon ko nakaraos din, kumuha si Mae ng dalawang yaya para sa kambal ko para may mag-aalaga sa kanila habang nag-aaral kami ni Mae noon. Kailangan kong kumayod sa buhay para sa mga gastusin at mga kailangan ng mga anak ko. Ayoko kasing umaasa kay Jera sobrang abala na ako sa kanya.

Sa ngayon hindi na ako sa unit nya tumutuloy, may apartment na ako ngayon kasama ko ang kambal kong mga anak at ang kanilang dalawang yaya.

Malaki-laki na rin ang sahod ko, manager na kasi ako ngayon sa restaurant ni Mae. Sikat na sikat na rin ito ngayon at pinalitan nya na ang pangalan ng restaurant nya. JM's Restaurant to JM Cuisine and Restobar, sa 1st floor pwede kang uminom dun may live band din soundproof para hindi ma di-disturbo yung customers sa taas at sa second floor dun ang restaurant nila.

"My are you done there?" tanong ni Sky sa akin.

Meet my baby, Nathan Skyler Ferrer. 8 years old. Sweet na bata. Masayahin, mabait, sobrang kulit, mahilig sa gadget, mahilig mag laro at mapagmahal na bata kahit nga ang yaya nila mahal nya bilang isang ate.

"Almost baby" sagot ko sa kanya.

Nandito kasi ako sa banyo ng kwarto ko, may lakad kasi kami ngayon day-off ko kasi ngayon at si Mae muna bahala dun sa JMCR.

Lumabas na ako at nakita ko yung kambal ko na nakaupo sa kama ko.

"Matt come here" tawag ko sa anak ko.

Sya ang panganay sa kanilang dalawa ni Nathan Skyler.

Meet my eldest baby, Matthew Skyler Ferrer, 8 years old. Kabaliktaran naman sya ni Sky, si Matt kasi ay tahimik lang, bilang lang kung ngumiti, parang may sariling mundo, mahilig magbasa ng books at syempre mapagmahal din na anak at kuya sa kanyang bunsong kapatid na si Sky. Mahal nya rin ang mga yaya nila kaya pamilya na rin ang turing namin sa kanila.

Si Matt ang unang lumabas sa kanilang dalawa at ilang minuto lang sumunod naman si Sky.

"Why mommy?" tanong nya sa akin at lumapit agad sya sa akin.

"Zipper mo nga ito baby please" utos ko sa kanya, tumalikod ako at lumevel ako sa kanya para maabot nya ito pataas.

"Done" sabi nya sa akin.

"Thank you baby" sabi ko sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi nya.

"So boys are you ready?" tanong ko sa kanila.

"Yeah! Let's go, My"

"Yes yeeeheeey"

sabay na sagot nila sa akin.

Gusto kasi nila mag mall ngayon, gusto ni Sky mag laro sa Tom's World kaya yun pinagbigyan ko nalang kasi mahal ko sya eh tsaka ganoon din si Matt pinagbigyan nya lang din ang kapatid nya.

"Promise me one thing babies" sabi ko sa kanila.

"What is it mommy?" tanong ng panganay ko, si Matt.

"Behave kayo ha? Huwag kayong lalayo sa tabi ni mommy at sa mga ate nyo, okay?" sabi ko sa kanilang dalawa.

"We will my" sabay na sagot nila sa akin at hinalikan nila ako sa pisngi ko, si Nathan Skyler sa kaliwang pisngi ko at si Matthew Skyler sa kanang pisngi ko humalik.

Minsan kasi nawawala sila sa paningin namin eh.

"Good. Then let's go babies" sabi ko sa kanila at lumabas na kami sa kwarto ko.

May 3 room kasi ang apartment namin, yung dalawa nasa 2nd floor at yung 1 nasa baba. Yung isang room sa akin, yung isa sa kambal ko share lang sila ng room same gender lang din naman sila eh at yung room sa baba sa dalawang yaya ng kambal.

"Call your Lena and Megan, Matt" sabi ko sa kay Matt kasi busy na ang bunso ko sa ipad nya.

Umupo muna kami ni Sky sa sofa namin at tumakbo agad si Matt papunta sa kwarto ng mga ate nila.

Afterwards lumabas na silang tatlo. Kaya tumayo na kami ni Sky at lumabas na kami sa apartment namin, timing dahil pagkalabas namin sa apartment may taxi na agad na papalapit sa amin at pinara agad yun ni Lena sya ang yaya ni Matt. Sumakay agad kami nung huminto yung taxi sa harapan namin.

"Sa MGM po manong" magalang na sabi ko sa drive nitong taxi na sinasakyan namin.

______________

Good Afternoon To All 😊

Enjoy Reading :)

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon