Moments

160K 2.9K 133
                                    

Drake's POV:

Kakapasok ko lang dito sa mall ko, tumakbo agad ako sa elevator at dali-daling pumasok sa loob.

Nasa second floor kasi ang WOF.

Tiiiiiiing

Pagkabukas ng elevator tumakbo agad ako palabas at yun nakita ko na yung WOF.

Pumasok agad ako sa loob, nilibot ko ang paningin ko sa paligid at yun nakita ko si matt at ang mga kasama nya sa basketball machine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumasok agad ako sa loob, nilibot ko ang paningin ko sa paligid at yun nakita ko si matt at ang mga kasama nya sa basketball machine.

Naglakad ako pa punta sa kanila, malapit na ako kaya tinawag ko na si Matt.

"Matt" tawag ko sa kanya at lumingon sya sa akin. Tumakbo sya pa punta sa akin at bigla nya akong hinug.

"Tito Seb" sabi nya sa akin, hinug nya heta ko maliit pa kasi sya kaya heta ko lang ang naabot nya.

Ang sarap sa pakiramdam tong ginawa ni Matt sa akin. Shit! Mag papacheck-up na kaya ako? Baka malapit na akong ma baliw kaya nagkakaganito ako shit.

"Kumain na ba kayo, Matt?" tanong ko sa kanya.

"Opo, Tito Seb" sagot nya sa akin at tumingin sya sa kapatid nya kung saan nag lalaro ito ng basketball.

"Sky! Sky! Sky come here" tawag nya sa kambal nya, lumingon agad yung kambal nya sa kanya.

"Why po, Kuya?" takang tanong ni Sky sa kanya pero lumapit parin ito sa kanya.

"This is Tito Seb" turo nya sa akin.

"Hello po, I'm Nathan Skyler ferrer 8 years old na po ako. Nice to meet you po Tito, let's play po?" magiliw na sabi nya sa akin. Nakakagigil ang batang ito, ang jolly at sa tingin ko makulit tong batang to keysa kay Matt, si Matt kasi serious type.

"Okay Sky, let's play" sabi ko sa kanya at nabigla ako ng bigla nyang hilahin ang kamay ko pa punta sa machine na yun.

"Chill young man" tawang-tawa ako sa ginawa nya at take note first time kong tumawa sa public place.

Ang weird ko na talaga ngayon.

What the hell is wrong with me? Nababaliw naba ako?

"Magaling po ako maglaro nito Tito Seb, laban po tayo" aya nya sa akin at tumango lang ako sa kanya.

"Ikaw Matt?" tanong ko sa kanya.

"I'm fine po with my books po Tito Seb" magalang na sagot nya sa akin. Di ko namalayan na may dalawang libro pala syang dala.

"Oh okay Matt" sabi ko nalang sa kanya. So mahilig sya sa mga libro, parang ako lang nung kabataan ko pa. But shit! Bakit ko ba laging sinasabi to? Tsk.

"Lets start po" sabi ni sky sa akin. Teka! Fvck wala nga pala akong tokens tsk tanga mo talaga Drake.

"Wait. I'll buy tokens" sabi ko sa kanya.

"I still have some tokens po tito seb" sabi nya sa akin at nag hulog sya ng dalawang tokens sa machine na nasa tapat ko.

"Thanks young man" pasasalamat ko sa kanya at ginulo ko ang buhok nya.

"Welcome po" sabi nya sa akin at ngumiti. Kala ko mag sisimula na syang mag laro pero nagsalita sya ulit sa akin.

"but please don't touch my hair again po" seryosong sita nya sa akin.

"Hahahahahahahaha" di ko mapigilan ang sarili ko kaya napahalakhak ako, shit! Kahit walang nakakatawa heto ako tumatawa parang tanga pucha.

"Okay okay" seryosong sabi ko sa kanya kasi naman binigyan nya ako ng DEATH GLARE.

"Sorry" hinging paumanhin ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

"Okay na po, laro na po tayo sayang po yung apat na tokens natin eh" sabi nya sa akin, ngayon ko lang napansin na time na pala tsk sayang nga.

"Okay" sabi ko sa kanya.

Naglaro lang kami nang naglaro dito sa WOF bumili rin ako ng bagong tokens, grabi ang saya ko. First time ko dito at sobrang enjoy na enjoy ako sa company ng kambal, tung dalawang babae na nasa likuran ni matt nakatayo lang di ko pa din sila kinakausap at ganon din sila sa akin.

Ilang oras din kaming naglalaro at ilang tokens na rin ang nagagamit namin pero I really don't mind. I don't know pero ang saya ko lang ngayon.

"Kids, kain muna tayo?" tanong ko sa kanila baka gutom na sila at yung dalawang yaya nila.

"Wag na po, uuwi na po kami Tito Seb kasi wala po kaming budget para pangkain ulit" pagtanggi ni Matt sa akin at shit nakaramdam ako ng kirot pucha ewan ko ba kung bakit.

"No I insist kakain tayo, my treat" nakangising sabi ko sa kanya.

"Sge po, I want fried chicken po" si Sky ang sumagot sa akin.

"So it's settled, lets go?" aya ko sa kanila at naglakad na kaming lima palabas sa WOF. Hindi parin umiimik yung dalawang babae, mamaya ko nalang sila kakausapin sa resto ni Crisha.

Yeah sa resto ni Crisha ko sila dadalhin, doon ko kasi nakilala si Matt and masarap ang pagkain sa resto ni Crisha.

Gusto ko pa silang makasama ngayon.

Ewan ko ba kung bakit?

Siguro gusto ko lang subukan na mag bonding kasama ang mga bata.

Si Crisha lang kasi ang tinuturing kong litte girl sa tanang buhay ko kahit dalaga na sya.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon