C25 - Hello Tagaytay!

125K 1.9K 28
                                    

Ariane's POV:

Kakalanding lang ng plane nla vheena, grabi ang yaman talaga nila. May sumundo sa amin, grandia din pero di kami dun sumakay. Pinasakay kami ni vheena sa limousine nya, kasama ko yung kambal ko, lena, megan at si mae.

"Vheena are you okay?" tanong sa kanya ni mae.

"Y-Yes I'm o-okay" nauutal nyang sagot nya kay mae.

"Okay ang tahimik mo kasi eh" sabi naman ni mae, yeah kanina pa sya tahimik nung nakilala nya ang kambal ko ewan ko ba parang ang weird ng mga tingin nya sa kambal ko.

"Wala lang, pagod lang ito" sabi ni vheena kay megan.

"Okay sabi mo eh" sabi ni mae sa kanya.

"Ate bakit parang ang scary ng mga tingin ni ma'am vheena sa kambal?" bulong ni megan sa akin.

"Ewan ko, kanina pa yan parang sinusuri nya ang kambal" balik bulong ko sa kanya.

"Kaya nga ate" bulong nya sa akin. Tinignan ko ang kambal ko na tulog na ngayon kina lena at megan.

"Malapit na tayo" sabi ni vheena at tumango-tango lang kaming lahat.

After 10 minutes

Nakarating na kami sa resort ni vheena, kami lang daw muna ang gagamit ng resort nya para daw private ang pag stay namin dito.

"Welcome to V-Beach Resort" masayang sabi ni vheena sa amin.

"Wow ang ganda mommy" manghang sabi ni sky sa akin, kitang-kita ko sa mukha nya na masaya sya sa nakikita nya.

"Wow" segunda naman ni matt.

"You like it boys?" tanong ni vheena sa kanila.

"Yes po tita V" sabay nilang sabi.

"Good to hear that boys, tomorrow maliligo tayo sa swimming pool" masayang sabi ni vheena sa mga bata.

"Talaga po tita V?" excited na tanong ni matt kay vheena.

"Yes matt" sabi nya kay matt.

"Di po ba pwede ngayon nalang tita V?" atat na tanong ni sky sa kanya.

"Sorry sky, di pwede ngayon may work kasi kami eh" sagot ni vheena sa tanong ni sky.

"Oo nga baby may work kami ngayon, diba sabi ni mommy may party mamayang gabii kaya may work kami mamaya baby, maglalagay kami sa mansion nla ng mga decorations at mag luluto din kami ng pagkain" sabi ko sa kanya.

"Okay po my bukas nalang po, yehey excited na ako" sabi nya naman at pumapalakpak-palakpak pa.

"Good boy, dito muna kayo ni ate lena at ate megan sa kwarto ha? Mag sisimula na kami mamaya after natin mag breakfast" sabi ko sa kanila at tumango naman sila.

"So boys sa 3rd floor kayo at tayo naman mga girls sa second floor. Kayo na ang bahalang pumili ng mga partner nyo na makakasama nyo sa iisang kwarto basta walang babae at lalaki ha" sabi nya sa amin, tumango naman kami at kanya-kanya na ng pili ng partner.

"Lena at megan kayo ang partner at syempre kasama ang kambal, ikaw naman arianne sa connecting room nila lena para madali mo silang masisilip" sabi naman ni vheena.

"Okay, sino ang makakasama ko sa kwartong iyon?" tanong ko sa kanya.

"Ikaw lang at ganon din sina jera and loisa sila lang sa mga kwarto nila" sabi ni vheena, si loisa ang manager nya sa resto nya.

"Okay thank you" sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.

"So pasok na kayo sa mga kwarto nyo para mailagay nyo na ang mga dala nyo, yan ang key card sa mga kwarto nyo" sabi nya sa amin, binigyan kasi kami ng mga key card nung lalaking kasama ni vheena.

"After nyong mailagay ang mga gamit nyo, maligo muna kayo then bumaba kayo dito para kumain ng agahan natin jan sa restaurant na yan" sabi ni vheena at tinuro nya ang restaurant na kakainan namin mamaya, tumango-tango lang kaming lahat sa kanya.

Nakita ko ang mga kasamahan namin na may mga partners na, sina mang ramon at mang isko ang partner, si mang diego at mang ismael naman ang mag partner sila ang security guard ni vheena sa resto nya.

"Sige yun lang, kita nalang tayo sa restaurant guys. Pumasok na kayo sa mga room nyo at ganon din ako" sabi ni vheena sa amin at tumango-tango kami sa kanya.

After 5 minutes

Nakapasok na kami sa mga kwarto namin, naliligo na ngayon ang kambal ko. Nakaligo na rin ako, pumasok ako sa kwarto nila lena para tignan kung tapos na ba sila.

"Tapos na ba sila?" tanong ko agad kay lena.

"Opo ate magbibihis na sila ngayon" sagot naman ni lena sa akin.

"Okay bilisan nyo para makakain na tayo" sabi ko sa kanila at tumango sila sa akin.

Afterwards nandito na kami sa restaurant at ang masasabi ko ay wow ang ganda, elegant and sobrang nakakarelax ang atmosphere dito.

Ang sasarap ng mga pagkain nila dito, ang daming assorted desserts. Ang kambal ko ay excited sa chocolate fountain at kumikislap-kislap pa ang mga mata nila dahil madaming pagkain sa harapan nila.

Tulo laway ko sa mga handang nandito.

_________

Hi guys!

*****

Alam kong mabibitin na naman kayo, pasensya na talaga mahina ang kalaban eh.

Nakakainis ang wifi ko!! >_<

************

Votes

Comments

Follow me :)

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon