Cont: C40

118K 1.6K 34
                                    

Arianne's POV:

Nakababa na kaming lahat, nandito na kaming lahat sa hapagkainan. Nakabihis na din sila matt at sky, may pasok kasi sila ngayon at nilipat na nga pala sila sa school na pagmamay-ari ni vheena ang MU----MONTEGRANDE UNIVERSITY.

"Ako na ang maghahatid sa inyo sa school nyo matt at sky" sabi ni drake sa kanila.

"Mom where's mang rudy?" tanong sa akin ni matt, si mang rudy ang driver nila matt at sky. Deadma nya na naman ang ama nya tsk.

"Nandito lang anak, bakit? May kailangan ka sa kanya? Ipapatawag ko." sabi ko sa kanya at umiling-iling naman sya sa sinabi ko tskk.

"He'll drive us to school mom and I don't want him to drive us to our school" sabi ni matt sa akin at tumingin agad ako kay drake ewan parang tinitiis nya ang sarili nya na wag magalit o kung ano man sa sinabi ni matt. Ang him---ay si drake, hanggang ngayon galit parin ito sa ama nya.

"O-Okay" utal kong sang-ayon sa kanya.

"Inday, pakisabi kay mang rudy na maghanda na sya kasi sya ang maghahatid sa mga bata at kina lena!" utos ni drake sa isang kasambahay nya na nasa gilid namin, sa boses ni drake mahahalata mong galit ito tssk nga pala may tatlong maids na nakatayo sa gilid namin in case na may iuutos kami sila ang gagawa nun ang mga pangalan nila ay sina Inday, Daday at Lily ang naka-assign ngayon at bukas iba naman. Tapos na silang tatlong nag breakfast, kakain muna sla ng maaga bago sila tatayo sa gilid namin para di sila gutomin pag nasa harapan namin sila tsk sa daming pagkain dito sa mesa I'm sure tulo laway sila pag di sila kumain ng agahan nila.

"Opo sir" sagot naman ni inday at naglakad na ito papunta sa pinto. May bahay din kasi yung mga lalaking taohan ni drake dito sa mansion, nasa likod ng mansion ang malakaing bahay na iyon at puno ito ng mga kwarto (limang kwarto at dalawang tao lang sa isang kwarto ang pwede dun) at may malaking kusina din, may sariling banyo ang lahat ng kwarto dun may mga aircon din dun at may living room may tv, dvd player at iba pa. Dito naman sa loob ng mansion ang mga babae, dalawang tao sa isang kwarto din may saraling banyo na din ito at aircon.

"Wait, where are you going?" tanong ko sa kanya. Tumayo na kasi sya, di pa nga ubos ang pagkain nya eh tsk.

"Aalis na ako, malalate na ako sa trabaho ko" malungkot na sagot nya sa akin.

"Teka ang aga pa ha and how about your food?" takang tanong ko sa kanya tsk.

"I'm full, bye kids. Lena at megan kayo na ang bahala sa kambal, tawagan nyo ako or si ate arianne nyo pag may problema sa school nla" sabi naman ni drake sa amin.

"Yes po sir, kami na ang bahala sa anak nyo" sabi ni lena.

"Don't worry sir, tatawag agad kami pag may mangyaring di kaaya-aya sa M.U" sabi naman ni megan.

Kita ko talaga kay drake na protective sya sa kambal, nga pala may apat na body guard silang kasama dalawa kay sky at dalawa din kay matt--sa isang kotse yung apat sasakay at susunod sila sa kotseng sakay nila lena.

Si sky tumango lang, si matt? Walang pakialam sa mundo, kain lang sya ng kain.

"Sge drake, mag-iingat ka ha? Text mo ko pag nasa office ka na, pasensya na talaga drake" sabi ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin at hinalikan nya ako sa noo ko, bumulong din sya sa akin.

"I understand, don't worry nasaktan lang ako but I'm fine" bulong nya sa akin at tumango-tango nalang ako sa kanya.

Naaawa na talaga ako ng bonggang-bongga kay drake.

"Sge aalis na ako, kita nalang tayo mamaya" sabi ni drake sa akin.

"Okay sge ingat ka, drive safely" sabi ko sa kanya at tumango sya sa akin. Nagsimula na syang maglakad papunta sa pinto ng mansion.

May trabaho din ako ngayon at mamayang lunch magkikita kami ni drake, pumupunta kasi si drake sa resto ni mae pag lunch time na, sinusundo nya ako kasi sabay kaming kakain ng lunch namin sa labas. Always kaming sabay kumain ng lunch sa labas at sinusundo nya din ako pag-uwian na namin.

"Matt, galit ka pa din ba kay tito seb?" tanong ko sa kanya.

"Yes mommy!" sagot nya sa akin pero yung atensyon nya nasa plato nya.

"Anak, please para sa mommy kausapin mo na sya bigyan mo naman sya ng pagkakataong magpaliwanag sayo---sainyo ni sky at sana mapatawad nyo na sya" sabi ko sa kanya at tumingin sya sa akin ng seryoso.

"No mom!" matigas nyang sabi tsk di ko alam na may katigasan pala sa ulo ang panganay ko.

"Anak naman, wala naman talagang kasalan ang ama nyo. Complicated lang talaga kami nun, pagsasabihin ko sa inyo yung nangyari sa amin ng ama nyo noon di nyo rin  yun maintindihan" sabi ko sa kanya, gusto ko na maging okay na silang tatlo kasi naman naaawa na talaga ako kay drake tsk.

"Tell us mom, di naman kami bobo para di namin yun maintindihan kung ano man yun" sabi naman nya sa akin tsk.

"Pagmalaki na kayo sasabihin ko, ipapaliwanag ko sa inyo mula simula hanggang dulo pero not now matt mga bata pa kayo para dun" sabi ko sa kanya.

"Tsk! Fine, tara na nga ate lena alis na tayo" inis na aya nya kina lena.

"Matt! Sumusobra kana ha" galit kong sabi sa kanya.

"I'm sorry mom" sabi nya sa akin.

"Good b--"

"But I'll not obey you this time" putol nya sa akin tsk. Pagkatapos nyang sabihin yun tumayo na sya at nag lakad na ito palabas ng mansion, tumayo na din si sky at hinalikan nya ako sa pisngi ko then after that tumakbo sya para sundan ang kuya matt nya tsk.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa batang iyon. Ayoko kasing sabihin sa kanila kung ano lang kami ng ama nila noon kasi naman ang babata pa nila para sa ganoong bagay at higit sa lahat natatakot ako na baka mangdiri lang sila sa akin.

"Sge ate arianne alis na din kami, nag walk out na ang mga alaga namin" paalam ni lena sa akin at tumango ako sa kanya.

"Ingat kayo at alagan nyo ang dalawang iyon" sabi ko sa kanila.

"Opo naman ate, mahal namin sila matt at sky as our little brothers" sabi ni megan sa akin.

"And don't worry ate, sooner or later maayos din ang gusot ng mag-ama mo" sabi naman ni lena sa akin.

Sana nga, sana nga.

"Thanks lena at megan, sge na sundan nyo na baka mainis pa ng husto si matt" sabi ko sa kanila.

"Okay po ate, byeeersss" sabay nilang sabi sa akin.

My gosh! Tatanda talaga ako ng maaga nito dahil sa katigasan ng ulo ni matt.

_________

Don't forget to;

FOLLOW ME :)

Votes and Comments :)

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon