CHAPTER 55

86.8K 1K 11
                                    

Lena's POV:

"Hoy lena" tawag sa akin ni megan.

"Hoy ka din, oh bakit?" tanong ko sa kanya.

"Tapos ko ng kopyahin ang mga contact ko sa lumang sim ko, eh ikaw ba?" sagot nya sa akin.

"Tapos na din" sagot ko sa kanya.

"Good, sabay nalang natin ibigay kina jelly at rosa yung lumang cellphone natin" sabi nya sa akin.

"Oh sge" sabi ko sa kanya at dali-dali akong pumunta sa cabinet ko, may sarili kaming cabinet ni megan sa kwarto ng kambal.

"Ibibigay mo din ba yung lumang sim mo?" tanong ni megan sa akin.

"Hindi" sagot ko sa kanya.

"Eh anong gagawin mo sa lumang sim mo?" tanong nya sa akin, tsk malamang itatapon.

"Hahatiin ko at itatapon ko megan, kung gusto mo pwede mo ding kainin yung lumang sim mo tsk" inis na sagot ko sa kanya, gaga talaga tong babaing to tsk.

"Grabi ka naman lena, nag tatanong lang naman ako eh" sabi nya sa akin at sumimangot pa talaga tsk.

"Ang gags mo kasi tsk. Ewan ko sayo megan, tara na nga puntahan na natin sila jelly" aya ko sa kanya at tumango sya sa akin.

"Hey kiddos" tawag ko sa kambal na alaga namin ni megan.

"Yes po ate lena?" tanong ni matt sa akin.

"Lalabas muna kami ni ate megan nyo para maibigay na namin kina ate jelly tong lumang cellphone namin ni ate megan nyo, dito lang muna kayo ha. Wag kayong lalabas ha? Babalik agad kami, okay ba yun?" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Okay po ate lena" sabay na sagot nilang dalawa sa akin.

"Good, sge mag-laro na ulit kayo" sabi ko sa kanila at tumango-tango lang sila then bumalik na ulit ang atensyon nila sa bagong laruan na binili ni kuya drake para sa kanila.

"Tara na" aya ni megan sa akin at lumabas na kami sa kwarto namin.

______

"Mang allan" tawag namin sa isang hardenero sa mansion na ito. Nandito kami ngayon ni megan sa malaking garden dito sa mansion.

"Oh bakit iha? Anong kailangan nyo sa akin?" tanong nya sa amin.

"Wala naman po, mag tatanong lang po sana kami kung nasaan po sina rosa at jelly?" tanong ni megan kay mang allan, anak nya kasi si rosa.

"Ah si rosa ba? Nandoon sila jelly ngayon sa bahay, nag hahanda kasi daw aalis kayo mamayang gabii, totoo ba yun mga ineng?" sagot at tanong nya sa amin ni megan.

Yung bahay na sinasabi ni mang allan is yung mga bahay ng mga trabahante dito sa mansion, kung mag kakapamilya kayo na nag tatrabaho dito may sarili kayong bahay di masyadong malaki at di rin masyadong maliit hmmm tama-tama lang. May maids quarter din sa loob ng mansion, doon natutulog ang mga kasambahay na babae ni kuya drake, may dalawang guard house din na malapit lang sa malaking gate sa mansion na ito----lahat ng guards doon nakatira.

"Opo mang allan" sagot ko sa kanyang tanong.

"Oh sya sge puntahan nyo na sila doon sa bahay at akoy may gawain pa dito mga ineng, mag-iingat kayo mamaya" sabi nya sa amin.

"Sge po at salamat po mang allan" sabi ko sa kanya.

"Aalis na po kami, salamat po" segunda naman ni megan at tumango lang si mang allan sa amin. Bumalik na ulit sya sa kanyang gawain.

Nag-lakad na kami papunta sa likuran ng mansion. Hays grabi ang yaman talaga ni kuya drake, akalain mo yun ang mamahal ng mga pasalubong nya sa amin at lahat kaming nag tatrabaho dito sa mansion may pasalubong na t.shirt fresh from japan. Ang swerte talaga namin ni megan dahil mababait ang mga amo namin at higit sa lahat parang tinuring na nila kaming kapamilya kaya kahit anong mangyari hinding-hindi ko sila tatraydurin at nasa kanila lang talaga ang loyalty ko.

Mr. Billionaire's Twins (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon