3rd Duty

8.3K 141 4
                                    

Alam na alam na sa mga kasamahan nila Steffi na crush niya si Doc Kim. Yung ibang nurse tawa lang ng tawa kapag kinukwento ni Steffi.

"Steffi, crush mo daw si Doc Kim?" Confirm ni Siv.

"Oo." Masayang sagot ni Steffi habang kumakain.

"Steffi, hindi ko akalain na ganoon hilig mo. May daddy issues ka pala." Sabi ni Kit.

"Ha? Bakit naman? Wala ha! Super close kaya kami ni Daddy nung buhay pa siya!" Depensa ni Steffi kay Kit.

"Sure ka na si Doc Kim ang crush mo?" Tanong ni Siv na parang hindi naniniwala.

"Oo nga, ang kulit!" Sagot ni Steffi.

"Eh Steffi-" Hindi na natuloy ni Kit ang sasabihin niya, biglang tinawag kasi ni Nurse Carol si Steffi

"Steffi! Si Doc Kim nasa Surgery ward ngayon. Dali! Pinapatawag ka ni Nurse Rina, para daw maabutan mo!" Aya ni Carol kay Steffi.

Hindi na naman tinapos ni Steffi yung kinakain niya at dali-daling tumakbo papasok sa ospital.

"Babayaran ko po yan mamaya, Ate Jeng!" Sigaw ni Steffi sa may ari ng tindahan.

Para bang hinahabol ng zombie si Steffi sa takbo niya, mabuti nga't wala siyang mabunggo na mga tao. Ang galing niya.

"Nandito na ako! Nasaan na si Doc Kim??!!" Sigaw ni Steffi nang makarating siya sa Surgery ward.

"Wow! Naakyat mo ang 3rd floor nang ganoon kabilis??" Sabi ni Nurse Thea.

"Syempre naman po! Nasaan na si Doc Kim?" Tanong ni Steffi.

"Who's looking for me?" Napatingin naman silang lahat.

"Doc, si Steffi po. Nurse intern namin, crush daw kayo." Sabi ni Nurse Rina.

Hindi nakapagsalita si Steffi sa gulat. Si Doc Kim ang nasa harap niya....

Si Doc Kim yung matandang lalakeng doktor na naabutan niyang nakaupo sa nurse's station noon na napagkamalan niyang nurse!!!

"Ka..kayo p..po si D..doc Kim??" Nauutal na tanong ni Steffi.

"Yes." Sagot ni Doc Kim.

"Sorry po, nagkamali po ako." Sabi ni Steffi.

"Sabi ko naman sayo Steffi eh. Kaya ilang beses kang tinatanong ni Siv." Sabi ni Kit nang makahabol sa taas.

"Doc! Sorry po! Akala ko po kayo yung mystery doctor ko! Nagkamali po pala ako!" Paliwanag ni Steffi kay Doc Kim.

"Nurse Rina! Iba po yung doktor na sinasabi ko. Maputi po siya, mapungay yung mata, yung parang pang korean na hairstyle! Hindi siya korean! At bata pa siya." Paliwanag ni Steffi kay Nurse Rina.

"Si Doc Kim lang naman naabutan ko last time eh, wala ng iba." Sabi ni Nurse Rina.

"Siya ba yung tinutukoy mo?" Napalingon si Steffi nang magsalita si Doc Kim.

May tinuro na lalake si Doc Kim.

This time ang moment ng pagiging speechless niya ay totoo na!

Si mystery doctor na talaga ang nasa harap niya!

Pero naka-mask pa din!

"Ako??" Naguguluhang tanong ng mystery doctor.

"Hi doc. I'm Steffi Lacson po, kung okay lang...pwede ko po malaman yung name niyo?" Lakas loob na tanong ni Steffi.

Binaba naman ni mystery doctor ang mask na nakatakip sa ilong at bibig niya.

At sa wakas nakita na ni Steffi ang mukha ng doktor na matagal na niyang hinahanap.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon