11th Duty

6K 107 1
                                    

Nag volunteer mag-rounds si Steffi ngayong morning duty niya, kasama naman niya si Nurse Thea.

Habang nag-iikot sa ward natanaw ni Steffi si Robi.

"Doc Ro—" Hindi niya natuloy yung pagtawag niya ng may makita siyang kausap si Robi.

Ayaw kasi niyang iniistorbo si Robi sa trabaho niya, kaya kapag ganoon sapat na sa kanya na makita lang niya si Robi.

Madalas niyang makita na kasama ni Robi sila Dr. Josh at Dr. Albert, pero ngayon nagtaka siya kung sino yung kasama ni Robi na doktor. Nag assume na si Steffi na doktor ang kasama ni Robi dahil naka white coat din ng katulad ng kay Robi.

Matangkad na babae, slim at sobrang puti at sobrang kinis, mahaba ang buhok at chinita.

Nacurious naman siya dahil ngayon lang niya napansin yung babae na kasama ni Robi.

"Nurse Thea, kilala mo ba kung sino yun?" Tanong ni Steffi at nagturo sa direksyon nila Robi.

"Ah! Si Dra. Laica, bago nating cardiologist." Sagot ni Nurse Thea.

"Ahh...ganoon ba, kaya siguro sinasamahan pa siya ni Doc Robi." Kumbinsi ni Steffi sa sarili niya.

"Balita ko galing siyang Switzerland. Ang ganda nga niya! Parang kailangan ko mamasyal sa Switzerland para maging ganyan kaganda." Sabi ni Nurse Thea.

"Uh...oo nga, maganda nga siya." Pilit na sang-ayon ni Steffi.

Hindi naman makakaila ni Steffi na maganda talaga si Laica, tanggap naman niya na maganda si Laica.

"Hindi naman siguro ganyan type ni Doc Robi, mga type niyan parang Steffi." Biro naman ni Nurse Thea kay Steffi.

"Baliw ka talaga! Pero hindi naman talaga ako magtataka kung magkakagusto si Doc Robi sa kanya. Maganda siya, doktor pa." Sabi ni Steffi.

Bigla naman bumigat yung pakiramdam niya. Para bang may bumara sa lalamunan niya at hindi siya makalunok.

"Tara na, bumalik na tayo sa station." Aya ni Nurse Thea kay Steffi.

Naabutan nila si Nurse Rina sa station na nagaayos ng mga results ng mga patients.

"Oh, bakit ganyan mukha ni Steffi?" Salubong ni Nurse Rina sa kanila.

"Nakita kasi namin si Dra. Laica kasama si Doc Robi, ayan nagseselos na." Pang-aasar ni Nurse Thea.

"Hindi ma'am ha! Napagod lang ako." Sabi naman ni Steffi.

"Asus! Isipin mo na lang kayo ni Doc Robi nag-date na. Eh sila ba? Hindi naman! Kaya mas lamang ka pa din Steffi." Sabi ni Nurse Thea kay Steffi para bumalik ang confidence nito.

"Sabagay... Tama! Mas madami kaming moments ni Doc Robi." Sang-ayon naman niya at pinagaan ang loob ng sarili.

*
*
*

Pasimpleng sinundan ni Steffi si Robi kung saan man siya pumunta, palagi niyang kasama si Laica.

Napansin niyang parang tinuturo ni Robi yung ospital sa kanya. Kaya medyo nakampante si Steffi na magkatrabaho sila.

...hanggang sa biglang yumakap si Laica sa braso ni Robi. Bumigat ang dibdib ni Steffi at tumakbo pabalik ng station.

"Laica..." Iwas ni Robi.

"Oh..bakit? Hindi na ba ako pwede maging sweet sayo?" Pagrarason ni Laica.

"Nagttrabaho tayo." Diretsong sagot ni Robi.

"Fine." Bumitaw naman si Laica. "Pero kapag wala tayo dito it means pwede ako maging sweet sayo."

.
.
.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon