"Ms. Lacson will tell her side of the story. She will tell what happened that day." Sabi ni Dr. Kim.
"Steffi, you don't have to do this. Wala kang kasalanan dito." Pigil ni Robi kay Steffi.
"Doc Robi, I need to." Sabi ni Steffi.
"Ms. Lacson, pwede ka na magsimula." Sabi ni Atty. Renan kay Steffi.
"Ako po ang sumalubong sa pasyente.." Sabi ni Steffi.
Kinuwento ni Steffi lahat ng nangyare noong araw na iyon.
"Pagkatapos pong subukan na i-revive ng tatlong beses at hindi pa din responsive ang patient sinubukan pa rin ni Dr. Quio lahat ng paraan para magising ang patient. Pero ng hindi na talaga kaya si Dra. Filomeno na ang nag call ng time of death.
"Bakit ang sabi ni Dr. Filomeno eh naabutan niya si Dr. Quio na mag-isa na naggagagamot sa patient?" Tanong ni Atty. Renan.
"Pinapunta po ako ni Dr. Quio sa blood bank para kumuha ng dugo dahil kailangan na siya masalinan." Sagot ni Steffi.
"Ms. Lacson, alam mo ba na maaaring mgakaroon ng certain complications ang gagawin ni Dr. Quio na procedure since wala kayo sa sterile area?" Dagdag ni Atty. Renan.
"Opo, alam ko po." Sagot ni Steffi.
"Pero pumayag ka sa gusto niyang gawin na operation?" Patuloy ni Atty. Renan.
"Opo.." Sagot ni Steffi.
"Kung alam mo pala na mali bakit ka pumayag na tulungan siya? Bakit hindi mo siya pinigilan?" Tanong ni Atty. Renan.
"Dahil alam ko na pwedeng yun lang ang dahilan para maligtas niya ang pasyente. Kaya kahit alam kong mali, tinulungan ko siya." Sagot ni Steffi.
"We cannot just take away Dr. Quio's license. Ginawa lang niya ang trabaho niya as a doctor." Sabi ng isang member sa panel ng investigation.
"We can only suspend him for a time and hold all of his salary and promotions. After that we'll evaluate his competency for working as a surgeon again." Sabi ng isa pa sa panel.
"Ito lang ba ang magagawa niyo? Paano naman ang client ko?" Tanong ni Atty. Renan.
"We'll settle a fine for Dr. Quio to compensate for your client's loss. Pero wala kaming nakikitang dahilan para tanggalan ng license si Dr. Quio." Patuloy ng isang panel member.
"Hinayaan nila na isang nurse intern ang mag handle sa anak ko! How dare you!" Galit na sabi ni Mrs. Gecos.
Hindi naman sumasagot si Robi.
"How incompetent this hospital can be?! Allowing unlicensed people to handle emergency cases!" Patuloy ni Mrs. Gecos.
"Mrs. Gecos, calm down. We will settle this." Pigil sa kanya ni Dr. Kim.
"I'm not finished with you all! Hindi ako papayag na ganyan lang ang maging desisyon! Magsasampa ako ng mas mabigat na kaso laban sayo Dr. Quio!" Patuloy ni Mrs. Gecos.
"Dr. Quio did everything para maligtas ang anak niyo! Lahat ginawa niya!" Rason ni Steffi.
"And you! Even though you graduate as a nursing student, I will make sure you won't be able to take the board exam. I swear you will never be a registered nurse! Haharangin ko lahat ng pwedeng harangin wag ka lang maging nurse!" Galit na sabi ni Mrs. Gecos bago subukang sugurin si Steffi.
"Mrs. Gecos, huminahon muna kayo." Pigil ni Atty. Renan.
"Let's go, Steffi." Sabi ni Albert at nilabas si Steffi sa kwarto.
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Teen FictionThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.