*cries*
Napalingon naman si Steffi kay Thomas ng marinig itong umiyak. Agad naman siyang lumapit kay Thomas at binuhat ito.
"Tommy, don't cry. It's alright." Tahan ni Steffi kay Thomas, pero hindi pa din matigil sa kakaiyak si Thomas.
Kinuha ni Robi si Thomas at sinimulan itong patahanin, sandali lamang ay tumigil na siya sa pag-iyak.
"Th..thanks.." Sabi ni Steffi at kinuha si Thomas sa braso ni Robi.
"Sleep na Tommy, I promise Auntie Steffi won't shout anymore." Bulong ni Steffi kay Thomas habang pinapatulog.
Nakaupo sila sa sofa bed kung saan pinapatulog ni Steffi si Thomas. Pinahinahon muna nila ang sarili nila dahil ayaw nilang magising pa ulit si Thomas sa pag-aaway nila.
"I'm sorry...kung nagising ko si Thomas." Sabi ni Robi.
"Okay lang..."
May katahimikan namang bumalot sa kanilang dalawa.
*ring ring*
Sinagot naman ni Steffi yung phone niya, nakita niyang si Andrei ang tumatawag sa kanya.
"Hello kuya?"
"Steffi, kumusta na kayo diyan ni Thomas?" Tanong ni Andrei sa kabilang linya.
"Okay naman, natutulog si Thomas."
"Mabuti naman, uh... Steffi, mukhang hindi kami makakauwi ni Farrah tonight. May snowstorm sa way namin pauwi baka mastuck lang kami sa gitna nang daan kapag tumuloy kami ngayon. Baka bukas na kami ng umaga makakauwi." Sabi ni Andrei.
"Ha?! Osige, nasaan kayo ngayon??" Alalang tanong ni Steffi.
"Nasa hotel na kami ni Farrah, uuwi kami tomorrow morning as soon as we can. Huwag na lang din kayo lumabas ni Thomas. Take care you two." Paalala ni Andrei.
"Okay, Kuya. Mag-ingat din kayo ni Ate Farrah. Bye." At pagkatapos ay binaba na ni Steffi ang call.
Napalingon naman siya kay Robi na nakaupo sa tabi ni Thomas.
"Si kuya...hindi daw sila makakauwi tonight kasi may snowstorm daw." Sabi ni Steffi kay Robi.
"Ganun ba.. uhm.. So I better get going, huwag ka na lang lumabas nang apartment. Magpahinga ka na." Sabi ni Robi at kinuha ang coat niya.
"Wait.." Pigil ni Steffi, napalingon naman si Robi.
"Mas maganda siguro kung magsstay ka muna dito... palipasin mo muna yung snowstorm, baka maabutan ka lang sa daan." Sabi ni Steffi.
"Are you sure?"
"Y..yeah, kesa naman mahirapan ka. Gabi pa naman na oh, tsaka kapag nagising si Thomas ikaw ang magpapatulog sa kanya." Sabi ni Steffi para subukang pagaanin ang paligid nila ni Robi.
"Okay.." Nakangiting sagot ni Robi. Umiwas naman si Steffi ng tingin kay Robi at pumunta sa kitchen para mag-prepare ng dinner.
Kumuha si Steffi ng mga ingredients, at nagsimulang magluto. Sinubukan niyang abutin ang mga plates sa may cupboard para makapaghain na siya.
"Ugh! Ang hilig kasi ni kuya maglagay ng mga gamit sa taas." Reklamo niya sa sarili niya habang inaabot yung plates.
"Let me." Rinig niya sa boses ni Robi galing sa likuran niya, natigilan naman si Steffi.
"Thanks..." At hinablot ni Steffi yung mga plates na inabot ni Robi at agad na umiwas.
Pagbalik naman niya sa niluluto niya eh nakita niya na color black na yung sauce.

BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
أدب المراهقينThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.