2nd Duty

8.7K 141 2
                                        

Afternoon duty si Steffi nang utusan siya ni Nurse Rina, isa sa mga nurse sa Surgery ward na mag-rounds para daw masanay siya.

Hindi naman tumanggi si Steffi. Tulak tulak niya yung table/cart at nakapatong doon ang mga clipboard ng mga pasyente.

Ginawa naman niya yung mga tinuro sa kanya ni Nurse Thea noong mga nakaraang araw. Masaya naman siya na nagagawa niyang tama.

"Patient XX?" Tanong niya sa isang room, walang sumasagot. Tinignan niya isa-isa yung mga pangalan sa bed pero di niya makita.

[Patient XX: Hindi na lang ako naglagay ng name ng patient. Baka maguluhan lang kasi kayo guys]

Bumalik siya sa nurse's station para itanong kay Nurse Rina pero ibang lalake ang nakita niya na nakaupo sa kaninang inuupuan ni Nurse Rina.

"Sir, alam niyo po ba kung saang room si Patient XX?" Tanong niya sa lalake, tinignan naman siya nang parang nagsasabi na hindi mo ba ako kilala?

Narealize niya na doktor pala ang pinagtanungan niya. Natahimik si Steffi.

"Ituro mo siya sa pasyente." Utos ng doktor na pinagtanungan ni Steffi.

Naguluhan naman si Steffi kasi hindi niya alam kung sino yung kausap nang doktor. Nang mapalingon siya sa kaliwa niya nakita niya ang mystery doctor sa tabi niya.

Nagkatinginan silang sandali. Inis na inis si Steffi, kasi kahit na two feet lang ang layo sa kanya ng mystery doctor niya eh hindi pa din niya makita ang buong mukha nito dahil naka-mask pa din ito.

Nagulat na lang si Steffi nang hilahin siya ni mystery doctor. Hindi naman nagsalita ang mystery doctor ni Steffi. Kahit si Steffi, lahat ng tanong na binuo niya sa isip niya if ever magkasalubong sila eh nawala.

Hindi siya nakapagsalita sa gulat dahil hawak siya sa kamay ng mystery doctor niya. Hindi niya alam ang irereact niya hanggang sa maituro siya sa pasyente.

"Nurse, okay ka lang?" Tanong sa kanya ng relative ng pasyente.

Ilang segundo na pala siya nakatayo sa harapan ng pasyente. Tsaka siya natauhan.

"Doc-" Paglingon niya wala na ang mystery doctor niya, kaya naman inis na inis siya sa sarili niya.

Tinapos niya nang mabilis ang rounds niya, baka kung sakali maaga siya matapos maabutan pa niya ang mystery doctor niya.

Ang laki ng ngiti niya habang pabalik sa nurse's station, nirereminisce niya yung time na hawak siya ni mystery doctor.

Nawala lahat ng ngiti na iyon nang makita niya na si Nurse Rina na ang nakaupo sa station at wala na ang mystery doctor niya.

"Ang bilis mo natapos ha. Good job." Sabi ni Nurse Rina kay Steffi.

"Naabutan niyo po ba yung doktor dito?" Tanong ni Steffi.

"Ah! Oo, si Doc Kim. Naabutan mo din kanina dito?" Sagot ni Nurse Rina.

"Si Doc Kim po ba iyon? Hala! Nurse Rina! Crush ko po siya!" Kilig na kilig na sabi ni Steffi.

Natawa naman si Nurse Rina nang malakas.

"Nako Steffi, masama ata sayo ang mapagod." Sabi ni Nurse Rina habang natatawa pa din.

"Nako hindi po! Okay lang na ako ang mag rounds palagi, basta ba makikita ko si Doc Kim palagi! Hinawakan niya ako sa kamay ko kanina!" Patuloy si Steffi sa pagkwento at kilig na kilig naman.

Sila Nurse Rina at ang ibang nurse, tawa naman ng tawa. Hindi naman na pinansin ni Steffi iyon, ang mahalaga sa kanya eh nahawakan siya ng mystery doctor niya.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon