Pagdilat ni Steffi ng mga mata niya, bumungad sa kanya yung kape.
"Huh? Kanino naman to?" Tanong niya sa sarili niya. Hinawakan niya at medyo mainit pa.
May prescription paper sa ilalim ng kape at may nakasulat. Binasa naman niya ng makita niya ang pangalan niya dito.
"Go back to work."
Sabi sa sulat. Tumingin naman siya sa paligid, pero wala namang ibang tao sa paligid niya.
Tinignan niya ulit yung prescription letter na hawak niya.
Nanlaki ang mga mata niya at nagising lalo siya ng makita niya na pangalan ni Robi ang nakapirma sa prescription paper na hawak niya.
Tumayo siya at hinanap ng mata niya si Robi. Nang matanaw niya si Robi, nakita niyang umiinom din ito ng kape.
Tinignan niya yung cup niya, tinignan niya yung cup na hawak ni Robi. Tinignan niya ulit ang sa kanya, tinignan niya ulit ang kay Robi. Ilang beses niyang ginawa yun.
Para bang sinisigurado niya... Pareho sila ng cup.
"Bigay to ni Doc Robi!!" Kinikilig na sabi ni Steffi na pabulong.
"Mwa mwa mwa mwa mwa!!" Hinalikan paulit ulit ni Steffi ang kape na binigay sa kanya ni Robi, hindi naman niya ininuman ito.
Masaya siyang bumalik sa trabaho. Hanggang sa dumating na ang kapalitan niya na nurse.
"Steffi, nandito na si Nurse Yumi. Pwede ka na mag-out para makatulog ka na." Sabi ni Nurse Jenna sa kanya.
"Sige po." Sagot ni Steffi.
Hinanap niya si Robi at nakitang may mga kausap pa siyang doktor. Gusto niya sana magpaalam pero ayaw na niya istorbohin sa trabaho si Robi kaya umalis na siya.
Naglakad siya palabas na hawak-hawak pa din yung coffee na binigay sa kanya ni Robi. Hindi naman niya ininuman yun.
"Steffi!" Biglang may tumawag sa kanya. Paglingon niya, nakita niya si Chienna papalapit sa kanya.
"Steffi! Pauwi ka na?" Tanong ni Chienna ng maabutan niya si Steffi.
"Oo. Bakit?"
"Gusto mo sumabay na sa amin? May car na dala yung friend ko, si Joanna. Uh.. Para apology ko na din about last time. Sorry kung naging rude ako sayo, nastress lang ako that time. I hope you forgive me." Sabi ni Chienna.
"Wala yun. Okay lang, naiintindihan ko." Sabi ni Steffi ng nakangiti.
"Thank you!! Kaya nga babawi ako sayo, kaya sabay ka na sa amin." Aya ni Chienna.
Sumama naman si Steffi sa kanya papunta sa parking lot. Hawak-hawak pa niya sa balikat si Steffi habang naglalakad.
Napansin naman ni Chienna na hawak ni Steffi yung kape.
"Uh.. You drink coffee din pala." Sabi ni Chienna.
"Ah.. Oo."
"Bakit di mo pa ubusin? Mainit pa ba?" Taning ni Chienna.
"Hindi naman. Gusto ko lang iuwi, special kasi tong coffee na to." Sagot ni Steffi.
"Yan yung pinabili sa akin ni Doc Robi kanina, sayo niya pala yan binigay." Nakangiting sabi ni Chienna.
"Talaga? Ikaw bumili nito?"
"I just bought it, Doc Robi paid for it." Sabi ni Chienna.
"Kahit na, thank you pa din, Chienna." Sabi ni Steffi.

BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Novela JuvenilThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.