10th Duty

6K 121 8
                                        

*ring ring*

Inabot naman ni Steffi yung cellphone niya sa sidetable.

"Hello..." Groggy niyang sagot.

"Steffi! Bakit wala ka pa dito? Late ka na!" Sabi ni Nurse Thea sa kanya pagkasagot.

"HA?!" Gulat na sabi ni Steffi at nagmadali ng kumilos.

Ng makarating siya sa ospital dumiretso siya sa nurse's station.

"Sorry I'm late." Bati ni Steffi pagkakita niya kay Nurse Rina.

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Nurse Rina kay Steffi.

"Uh..duty po?" Nagtatakang sagot ni Steffi.

Tinignan naman ni Nurse Rina yung schedule nila.

"Off mo kaya today, bakit pumasok ka pa?" Sabi ni Nurse Rina.

"Ha?! Sabi kasi ni Nurse Thea late na daw ako." Sabi ni Steffi.

"Oh..ayan na pala si Nurse Thea." Turo ni Nurse Rina ng makita niya na naglalakad papalapit si Nurse Thea.

"Steffi!" Bati naman ni Nurse Thea.

"Bakit pinapasok mo pa si Steffi?" Tanong ni Nurse Rina kay Nurse Thea.

"Gusto ko kasi malaman kung ano nangyare sa date nila kahapon!" Kinikilig na sabi ni Nurse Thea.

"Pwede mo naman hintayin sa ibang araw eh." Sabi ni Nurse Rina.

Hinila naman niya si Steffi at pinaupo.

"Eh mas maganda ang story kapag fresh sa memory. So...ano nangyare?" Tanong ni Nurse Thea, naupo din sa tabi nila si Nurse Rina na parang interesado din.

"Nag dinner lang kami tapos naglakad lakad lang, kwentuhan. Ganun." Sagot ni Steffi.

"Tapos?" Sabay na sabi ni Nurse Rina at Nurse Thea.

"Uh..ano pa ba..." Nag-iisip nang sagot si Steffi, gustuhin man niya kwento lahat ng nangyare nahihiya siya.

Hindi niya rin alam kasi kung maniniwala ba sila sa kkwento niya dahil ibang personality ni Robi yung nakita niya kahapon.

Yung pala ngiti at sweet na Robi, na hindi nakikita ng madaming tao.

Gusto niya na itago sa sarili lang niya yon. Hindi siya madamot, pero ngayon gusto niya ipagdamot at itago yung Robi na nakita niya kahapon.

"Ano paaaa??" Pangungulit ni Nurse Thea.

Napahawak naman si Steffi sa kaliwang kamay niya, naalala niya yung time na magkahawak sila ni Robi ng kamay.

"May dumating na bang results?" Napatingin sila sa counter.

Nakita nila si Robi.

"Yes doc, may inakyat po from lab." Sagot ni Nurse Rina at sinenyasan si Steffi na siya ang magbigay kay Robi ng mga clipboards.

Sumunod naman si Steffi at inabot ang mga hinihingi ni Robi.

"It's nice." Sabi ni Robi ng mapansin niya na suot ni Steffi yung binigay niyang bracelet.

"Syempre, galing sayo to eh." Sabi ni Steffi.

"Aray!" Reklamo ni Nurse Thea ng mabangga siya sa kanto ng table.

Napatingin naman silang dalawa.

"Sige, rounds na ako." Paalam ni Robi kay Steffi, as he brushed his fingers on Steffi's hand.

"O..okay." Natulalang sabi ni Steffi.

Lumingon naman ulit si Robi at ngumiti kay Steffi.

"Nagpapacute ka sa akin noh?!" Asar ni Steffi kay Robi.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon