18th Duty

5.4K 112 0
                                        

"Masaya ka ata ngayon? Akala ko pa naman matotrauma ka sa nangyare kahapon sa ER." Sabi ni Nate.

"Ano ka ba! Nakakatakot kaya talaga noon! Pero buti na lang din nandoon si Doc Robi, medyo nawala yung takot ko." Nakangiti na sabi ni Steffi.

"Ah..mabuti naman." Matamlay na sagot ni Nate.

"Mag-lunch na kayo! Sinundo ka na nila Siv at Kit." Sabi ni Nurse Thea kay Nate at Steffi ng makabalik sa Nurse's station.

"Steffi, Tara na gutom na ako." Aya ni Siv kay Steffi.

"Mauna na kayo, may pupuntahan lang ako." Sabi ni Steffi.

"Saan naman? Dalian mo na!" Reklamo ni Kit kay Steffi.

"Basta mauna na kayo. Hindi muna ako sasabay ngayon." Sabi ni Steffi at nagpaalam na kina Kit at Siv.

Pumunta naman si Steffi sa conference room at hinintay na lumabas si Robi. Matagal-tagal siyang nag-hintay bago lumabas si Robi.

"Steffi? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Robi ng makita na nakaupo si Steffi sa waiting area.

"Hinihintay kita para sabay sana tayo mag-lunch." Sagot ni Steffi.

"Sorry, may meeting pa kami. Hindi kita masasamahan mag-lunch." Sabi ni Robi.

Nalungkot naman si Steffi sa sinabi ni Robi, pero wala siyang magagawa.

"Sige, next time na lang." Sabi ni Steffi.

"I'm sorry, tsaka hindi ko din alam kung allowed ba kayo na sumabay sa mga doktor. Baka mamaya mapagalitan ka." Sabi ni Robi.

Bumigat naman lalo yung pakiramdam ni Steffi sa narinig niya.

"Robi, report mo na." Tawag ni Josh kay Robi.

"I got to go." Paalam ni Robi.

Naiwan naman si Steffi sa waiting area. Wala na siyang magagawa, bumaba na lang siya mag-isa at sinubukan hanapin sila Siv at Kit.

"Uy! Tapos na kayo kumain?" Tanong ni Steffi kay Siv at Kit ng makita niya.

"Oo, kanina pa. Ang tagal mo kasi eh." Sagot ni Kit.

"Akala ko ba hindi ka na sasabay?" Dagdag ni Siv.

"Ah..eh hindi na ako tumuloy dun sa pupuntahan ko." Sagot niya.

"Ah. Hindi ka na namin masasamahan kumain kasi kailangan na din namin umakyat." Sabi ni Siv.

"Okay lang! Baka hinahanap na kayo ng mga kasama niyo sa taas." Sabi ni Steffi at pumilit na magbigay ng ngiti.

"Sorry Steffi, next time na lang ulit tayo sabay." Sabi ni Siv.

Naiwan si Steffi at siya na lang ang kumain mag-isa, kasama din na naiwan sa kanya yung sinabi ni Robi.

Pagkatapos niya kumain ay bumalik na din siya sa Nurse's station at bumalik na din sa trabaho.

Makalipas ang ilang oras ay uwian na ni Steffi.

"Nurse Rina! Mauna na po ako!" Paalam niya.

Hinanap niya si Robi sa ospital pero hindi niya ito makita. Hanggang sa tinext na lang niya ito at sumagot si Robi na nasa conference room siya.

Agad-agad namang pumunta si Steffi. Hinintay naman niyang lumabas si Robi.

Pag labas ni Robi sinalubong niya ito ng ngiti.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Robi

"Uuwi na ako." Sagot ni Steffi na nakangiti.

"Ah. Sige, mag-ingat ka." Sabi ni Robi.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon