Sinulit nila ang oras nila sa pagsswimming at pagkain ng seafoods na hinanda sa kanila ni Manang Rosa.
Dahil ang plano lang naman nila ay weekend ito na ang huling gabi nila sa rest house nila Nate.
"Nate, lahat kami curious...paano pala kayo ganito kayaman?" Tanong ni Siv.
"Sa parents ko lahat ng to, may business kasi pareho ang family ng dad at mom ko kaya ganito." Sagot ni Nate.
"Talaga? Ang saya siguro ng ganito noh. Parang wala kang problema." Sabi ni Kit.
"Madami nga kaming pera, pero hiwalay naman ang parents ko...so parang wala din lahat ng to. Kaya nga masaya ako sa family ni Chienna, naramdaman ko ulit yung magkaron ng family." Sabi ni Nate.
Ngumiti naman si Chienna sa kanya.
"Teka! Bakit ba ang drama natin! Hindi ba dapat masaya tayo, celebration to, tsaka despedida na natin kay Steffi to."
"Chienna!" Saway ni Steffi.
"What?? Eh totoo naman diba, ilang araw na lang aalis ka na." Sabi ni Chienna.
"Sinong aalis?" Tanong ni Robi pagpasok niya sa sala habang nagpupunas pa ito ng buhok.
Natigilan naman silang lahat.
"Hayyy! Inaantok na ako, mahaba pa byahe natin bukas. Tara na, Chienna. Pumunta na tayo sa kwarto." Hila ni Kit kay Chienna.
"Teka! Kit—" Protesta ni Chienna pero hindi na siya nakalaban kay Kit.
"Ako din, inaantok na ako. Goodnight na." Paalam ni Siv.
"Kakausapin ko lang sila Mang Edgar, para ma-ready na nila yung van bukas." Paalam naman ni Nate.
Naiwan naman si Steffi at Robi sa sala.
"Inaantok ka na ba?" Tanong ni Robi kay Steffi.
"Hindi pa, gusto ko sulitin yung huling gabi natin dito." Sabi ni Steffi.
Lumabas sila papunta sa may garden. Medyo maliwanag naman dahil sa bawat corner ay may ilaw at maliwanag ang buwan ngayon.
"Sorry kung napa-bakasyon ka agad kahit na kakabalik mo lang ng ospital ha." Sabi ni Steffi habang naglalakad.
"Okay lang, nag-enjoy naman ako eh."
"Mabuti naman..."
"Pagbalik natin sa Manila bukas ano ng plano mo?" Tanong ni Robi.
"Hindi ko pa alam..." Sagot ni Steffi.
"Subukan mong mag-apply sa St. Andrew's ha. Sure naman ako na hindi sila magdadalawang isip na kunin ka nilang nurse." Sabi ni Robi.
"Mukhang imposible yun."
"Bakit naman? Eh gustong-gusto ka nga nila doon." Sabi ni Robi.
"Uhm..Robi, matagal ko nang gustong sabihin sayo to..."
Napatingin naman si Robi kay Steffi at hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Steffi.
"Nakapasok ako sa isang externship program." Sabi ni Steffi.
"Really?! That's great news—"
"Sa New York." Dagdag ni Steffi.
Natigilan si Robi.
"Binalita sa akin ni Kuya Andrei na nakapasok ako sa program, sabi ni Kuya it's a great opportunity and I've dreamt to be in New York since I was a kid, so...."
"Wait...what??? Are you telling me that you're gonna leave?" Naguguluhang tanong ni Robi.
"Robi, inaayos ko pa yung papers. Nothing's sure until mabigay yung ticket—"
![](https://img.wattpad.com/cover/60581802-288-k388464.jpg)
BINABASA MO ANG
The Doctor is Out!
Novela JuvenilThe very cheerful and happy-go-lucky Steffi meets the very serious type Doctor, Robi. A funny and romantic story of an "isang patay na patay na Nurse intern with a hotshot Doctor." Let's see if the Doctor is in or if the Doctor is out.