8th Duty

6.4K 125 0
                                        

Dumating na ang day ng announcement nang nanalo sa fund raising.

Good day! Naging maganda ang resulta ng fund raising natin. Nakalikom tayo ng malaking pera para magamit sa mga future medical missions.

Naging close fight din ang mga departments. Halata na gusto lahat manalo. Pero nakakalungkot na ibalita na isa lang ang mananalo ngayon.

Naging successful naman ang Zumba classes ng Admin ngunit sila ang may pinakakonti na nalikom na pera.

Sumunod naman ang mga Doctors na nag Bazaar. Malaki ang nailikom nila ngunit malaki ang agwat nila sa iba.

Nakakagulat na tie ang nailikom na pera  nang trainees at nurses! Pareho silang nagsikap ng mabuti para makaipon ng malaking halaga.

Ngunit may nagbigay ng last minute donation, galing kay Dr. Kim at idinonate niya ang 10,000 pesos sa isang department.

Kinabahan naman sila Steffi dahil kahit kailan hindi naman nila napansin na nakatikim o nakabili si Dr. Kim sa kanila.

I'm happy to announce that our winning team is....

.
.
.
.

Nursing Department!!!!

Nagsihiyawan lahat ng nurse, kahit si Steffi hindi makapaniwala na sila ang nanalo.

"Steffi! Nanalo tayo!!" Nagtatatalon na  sabi ni Nurse Thea.

Umakyat naman si Nurse Gina para i-claim ang winning title nila.

"Thank you sa lahat ng tumulong sa amin. Sa lahat nga nagsupport sa fund raiser namin. Lalong lalo na kay Steffi, dahil sa kanya nanggaling lahat ng masasarap na baked goodies. Thank you!!" Sabi ni Nurse Gina.

Tumingin naman lahat kay Steffi at nag congratulate sa kanya lahat.

Congratulations, Nursing Department for winning the fund raiser and because of that their muse won a chance to have a Valentine's date with our very own Dr. Robi Quio!

Nanigas naman sa kinatatayuan si Steffi. Doon niya narealize na kahit anong kabaliwan na ang ginawa niya may natatago pa din pala siyang hiya.

Ng matapos ang ceremony bumalik na sila lahat sa trabaho. Sobrang saya naman ni Steffi mag rounds.

Naiwan siya sa station dahil pinalitan siya ni Nurse Thea mag rounds. Sa sobrang saya niya napapa-hum pa siya habang nag-aayos ng papers.

"Good mood?"

Napatingin siya sa nagsalita. Napatayo naman siya ng makita niya si Robi.

"Ikaw pala yan, doc Robi!" Bati ni Steffi.

Tumingin si Robi sa paligid niya.

"May iba pa ba?" Sabi niya ng tumabi siya kay Steffi para magsulat.

"Hm...Doc Robi, alam mo ba bakit nag-donate si Doc Kim ng ganun kalaking halaga sa amin?"

"Why don't you ask him?"

"Eh..kayo naman laging magkasama eh. Kaya nga ikaw tinatanong ko eh."

"Siya kasi namilit na pumayag ako about doon sa date, so sinabi ko na mag-donate siya." Sagot ni Robi habang nagsusulat.

"Eh bakit sa amin?"

"Sabi ko kasi magdonate siya sa department kung saan magugustuhan ko naman yung makakadate ko."

Natigilan sila pareho ni Steffi sa ginagawa nila at nagkatinginan..

"Steffi, ito na yung— doc Robi nandito ka pala!" Biglang dumating si Nurse Thea kaya hindi na nila natuloy ang pag-uusap nila.

The Doctor is Out!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon